Chapter 3

2126 Words
Nagmamadaling umuwi si Scarlett nang araw na iyon dahil wedding anniversary ng kanilang mga magulang. Magkakaroon ng kaunting salo-salo sa mansiyon. Alam niyang maiipit siya sa traffic sa EDSA kaya binilisan niya ang pagpapatakbo. Mayamaya'y naramdaman niya ang tila pagsadsad ng gulong ng kaniyang kotse. Inis siyang bumaba at tiningnan ito. Inis na napahalukipkip si Scarlett nang makitang nawalan ng hangin ang isang gulo. "s**t! Bakit ngayon pa? Kung kailan walang katao-tao sa kalsadang ito." Nagpasiya na siyang tawagan ang family driver nilang si Mang Oscar para magpatulong. Alam niyang matagal siyang maghihintay dahil manggagaling pa ito sa Makati. But she has no choice, hindi siya marunong magpalit ng gulong. Hindi rin naman puwedeng mag-taxi na lang si Scarlett at iwanan basta-basta ang kaniyang kotse. Baka mapansin ng mga carnapper. Bukod sa napakamahal nito, may sentimental value din ito sa dalaga dahil ito ang unang kotseng iniregalo ng Daddy niya. Habang hinihintay ang family driver ay sinilip-silip ni Scarlett ang gulong ng at pinagsisipa 'yon. "Kainis! Hindi ka naman marunong makisama, eh. Sa wedding anniversary ka pa talaga ng parents ko umarte, ha?" At habang parang sira na kinakausap niya ang sasakyan ay biglang may bumusina nang malakas mula sa kaniyang likuran. Sa sobrang pagkabigla ay napalakas ang sipa ni Scarlett sa gulong. Saktong naka-slipper lang siya kaya napuruhan ang mga daliri niya. Ugali kasi niyang magtanggal ng sapatos kapag nasa loob na ng kotse dahil gusto niyang ma-preskuhan ang paa. Asar na nilingon ni Scarlett ang nagmamay-ari ng kotseng bumusina. Iika-ika siyang humakbang papunta roon at mataray na hinintay ang pagbukas ng bintana niyon. Muntik nang malaglag ang kaniyang panga nang lumuwa mula sa bintana ang guwapong mukha ni Brayden. Magkahalong inis at tuwa ang naramdaman niya nang mgq sandaling iyon. Inis, dahil napahiya na naman siya sa panggugulat nito. Tuwa, dahil ito ang kahuli-hulihang tao na naisip niyang magre-rescue sa kaniya sa oras na iyon. "Mukhang kailangan mo ng tulong, ah." Narinig ni Scarlett na nagsalita ang lalaki pero para siyang tinulos sa kinatatayuan. Her mouth was still open while staring at him, she looked at his face. Kulang talaga ang salitang "guwapo" para sa lalaking ito. Gosh, her heart! Brayden, my loves... "Hello?" anang baritonong boses ni Brayden na pumukaw nang kaunti kay Scarlett. Kung makapagsalita ito tila walang nangyari noong huli silang magkita two weeks ago. Nanatiling nakanganga ang dalaga habang nakatitig kay Brayden habang ipinaparada nito ang kotse sa gilid ng kalsada, at saka bumaba. Habang naglalakad ito papunta sa kaniya, pakiramdam ni Scarlett ay bigla itong nag-slow motion ang lahat. She just cannot take her eyes off him. Paano naman kasi? Daig pa ni Brayden ang isang bench model na rumarampa sa catwalk. Ang hot at ang yummy. Kulang na lang ay magtulo-laway si Scarlett habang tinitingnan ang binata. Muntik na siyang mapatalon nang biglang nitong pitikin ang kaniyang ilong. "Ang kotse mo ba ang may problema o ikaw?" Narinig ni Scarlett na nanunuksong tanong ni Brayden. Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil ipinahiya na naman siya ng sariling karupukan. Pilit niyang ibinalik ang huwisyo. At saka naman niya nakita ang nanunukso ring mga tingin ni Brayden. Doon na nanaig ang pagkainis ng dalaga nang maalala ang ginawa nitong panggugulat. Hanggang ngayon kasi ay nararamdaman pa rin kasi ni Scarlettr ang pagkirot ng kaniyang hinlalaki na napuruhan yata. "Obvious ba na may problema ako?" pagsusungit ni Scarlett na pilit na nilalabanan ang paghanga sa kaguwapuhan ni Brayden. Amoy pa naman niya ang humahalimuyak nitong make scent. Parang tukso na nanunuot sa kaniyang ilong. "At mild lang sana ang problema ko kaso dinagdagan mo." Gumuhit ang pagtataka sa guwapong mukha ni Brayden "What?! Paano naging ako? Kadarating ko lang, ah." "Eh, paano naman kasi ang hilig-hilig mong manggulat. Kung makabusina ka naman, akala mo bingi ako. Ang sakit tuloy ng paa ko." Napatingin si Brayden sa paa niya. Para itong na-guilty nang makita ang medyo nakaangat niyang paa. "Sorry. Kanina pa kasi ako nandito, eh, pero hindi mo ako napansin. Mukhang busy ka diyan sa kakaaway sa gulong mong walang kalaban-laban." Nanatili siyang nakasimangot kahit may halong pagbibiro ang tono ng lalaki. "Huwag ka na kasing mag-coffee para mabawasan 'yang pagiging nerbiyosa mo." Inis pa rin na humalukipkip si Scarlett. "So, kasalanan ko pa ngayon?" "I didn't say that," natatawang depensa ni Brayden. "Ganito na lang, tulungan na lang kita diyan sa problema mo para makabawi naman ako sa'yo." "No, thanks. I can manage here," irap ni Scarlett. Pero ang totoo, kinilig ng one hundred percent ang puso niya. Hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Brayden. Nag-squat ito sa kaniyang harapan at walang gatol na hinawakan ang kaniyang napuruhang paa. Pakiramdam ni Scarlett ay parang may libong spark ang dumaloy sa kaniyang sistema ng mga oras na iyon. Para siyang nakuryente. Sinubukan niyang alisin mula sa kamay ni Brayden ang paa niya pero mahigpit ang pagkahawak nito kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaan ito. "W-what do you think you're doing?" malakas ang t***k ng puso na tanong ni Scarlett kaya nauutal tuloy siya. "Hihilutin ko lang para maibalik sa dati ang alignment ng mga ugat," kaswal na sagot ni Brayden at saka sinimulang hilutin ang kaniyang mga daliri. And this time, alam ni Scarlett na tumaas ang level ng kaniyang kilig. Umabot iyon ng one hundred one percent. Bawat himas ni Brayden sa kaniyang paa ay nagdudulot sa kaniya ng kakaibang sensasyon na nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Gusto ng dalaga na hilahin ang paa dahil para siyang napapaso na ewan. Pero hindi niya mapigilan ang kakaiba ring sarap na dulot ng paghawak at paghilot doon ni Brayden. Inikot-ikot nito ang hinlalaki niya saka walang sabi-sabing hinila. Napatili sa sobrang sakit si Scarlett. Muntik na niyang masipa si Brayden. "Lalo mo lang yatang binali, eh!" pagrereklamo niya. Binalewala ni Brayden ang pagsusungit niya. Pero seryoso pa rin ang mukha na tumayo ito sa harapan niya. Towering ang height ng binata kaya bahagyang tumingala si Scarlett. But from there, tanaw na tanaw pa rin niya ang kaguwapuhan nito. "Mayamaya lang wala ka ng mararamdamang pagkirot diyan," sabi ni Brayden habang nakatingin sa paa niya. Medyo guminhawa nga ang pakiramdam ni Scarlett kaya unti-unti na ring nawala ang pagkainis niya kay Brayden. Muling nanumbalik ang kaniyang paghanga rito, na hindi kayang takpan ng pagkainis sa mahabang sandali. "Salamat," kaswal na sagot ni Scarlett pero dumadagundong na ang kaniyang puso. Pinagkrus ni Brayden ang mga braso sa dibdib habang pinag-aaralan ang sumabog niyang gulong. Pagkakataon nq iyon ni Scarlett para matitigan ito nang matagal at malapitan. Para siyang nananaginip ng gising habang pinagsasawaan ng mga mata ang guwapong mukha ni Brayden. Naulinigan niyang may sinasabi ang binata pero hindi iyon gaanong malinaw sa kaniyang pandinig. Abala ang isip ni Scarlett sa pag-iimagine kung gaano kalambot at katamis ang mga labi nito. "Hayy.. Ang guwapo mo talaga..." tila wala sa sarili na usal ni Scarlett. Alam niyang mahina lang iyon pero nagulat siya nang biglang mag-react si Brayden. "I know," narinig niyang nanunuksong agot ng binata na nagpabalik sa kaniyang katinuan. "H-ha?" pagbibingi-bingihan kunwari ni Scarlett para pagtakpan ang pamumula ng kaniyang mukha. "Ang sabi ko, ngayon lang ako nakakita ng babaeng cute na cute pa rin kahit nakanganga," batatawang sagot ng binata. Doon na siya totally nahimasmasan. Napakamot siya sa ulo. "S-sorry. Hindi ko lang kasi ini-expect na ikaw pa ang makakatulong sa'kin sa sitwasyong ito." "Bakit naman?" "Kasi akala ko, galit ka sa'kin dahil sa nangyari noon sa parking lot," depensa ni Scarlett. "Pasensiya ka na, ha. Mainit lang talaga ulo ko that time. Ikaw ang eksaktong nandoon kaya ikaw napag-diskitahan," medyo nakokonsensiya na katuwiran din ni Brayden. "Ahm. Mukha nga. Anyway, bakit nga pala dito ka dumaan? Di ba sa Katipunan ang way mo?" Kumunot ang noo nito. "You know my place?" Napakagat labi si Scarlett. Huli na para ma-realize niya ang kaniyang sinabi. "N-nakikita ko lang kasi ang kotse mo na sa Katipunan pumupunta." Parang gusto niyang sabunutan ang sarili sa nakakatawa niyang palusot. Lalong nag-blush ang dalaga nang sumilay ang malisyosong ngiti sa mga labi ni Brayden. "Hindi pala stalker, ha." "Correction! Hindi po ako stalker. Very popular ka lang talaga sa school kaya kita napapansin," mabilis na depensa ni Scarlett. Parang gusto na niyang matunaw sa hiya. Pero magpapalusot at magpapalusot siya hanggang kinakailangan. "At isa pa, di ba sinabi ko naman sa'yo dati ang dahilan kung bakit ako nandoon sa parking lot? Nakita mo naman, 'di ba? I have my car. Kung maka-react ka naman akala mo sa'yong -sayo ang parking area, ah." Parang aliw na aliw na tumawa su Brayden, at saka nagkibit ng balikat. "Bakit ka defensive? Kung wala naman pala talagang ibig sabihin ang mga pagkikita nating ito? Iko-consider na lang natin ito na coincidence." "Mabuti pa nga." "Schoolmate pala tayo," kapagkuwan ay kaswal na saad ni Brayden. Unti-unti nang bumabalik sa tamang t***k ang puso ni Scarlett. "Bakit parang kailan lang kita napansin sa campus? Freshman ka ba o transferee?" Medyo nasaktan siya sa sinabing iyon ni Brayden. Patunay lang na hindi talaga siya nag-i-exist sa paningin nito. "Natural, ang dami-daming students sa university natin, 'no? At saka hindi naman ako kasing-sikat mo." Matamis na ngumiti si Brayden, na lalong nagpaguwapo rito. "Napaka-humble mo naman. Halika na. Ako na ang magpapalit ng gulong mo." "No, thanks. On the way na 'yong driver namin," pigil dito ni Scarlett. Ang totoo, gustong-gusto niya ang ideyang iyon. Lalo siyang kinikilig. Pero hindi na niya alam kung paano pa umakto sa harapan ni Brayden. Baka kapag tumagal pa ay lalo siyang ipagkanulo ng sarili. "Saan pa siya manggagaling?" kunot-noong tanong ni Brayden. Ang family driver nila ang tinutukoy. "From Makati." "What?!" bulalas nito. "Alam mo naman kung gaano ka-traffic dito sa EDSA, di ba? For sure, aabutin siya ng three hours bago makarating dito sa Quezon City. Or worst, mas matagal pa doon." She shrugged her shoulders. "I have no choice. Nakakahiya naman kung sa'yo ko pa ipapagawa." "It's okay. Kayang-kaya ko ito." Pumunta na si Brayden sa likuran ng kaniyang sasakyan kaya wala na siyang nagawa. Kinuha nito ang gulong sa loob ng trunk ng kotse niya. "Tulungan na kita," pag-aalok ng tulong ni Scarlett. Nahihiya talaga siya kay Brayden. Kinindatan lang siya ng binata. "Huwag na. Hindi bagay sa ganda mo ang madumihan." Namula si Scarlett. Tumalon yata ang puso niya. Ni hindi niya namalayang nakangiti na pala niyang pinapanood si Brayde habang nagpapalit ng gulong. Lalo itong tumikas sa kaniyang paningin dahil sa kabila ng kasikatan at kaguwapuhan ay hindi ito nag-atubiling tulungan siya kahit pa madumihan. "Job well done!" masigla nitong bulalas at saka tumayo. "Thank you, ha? Hindi ko alam kung paano kita mababayaran." "Kiss will be enough for me," walang gatol na sagot ni Brayden. Hindi niya sigurado kung napansin ba nito ang pamumula ng kaniyang pisngi na umabot hanggang sa kaniyang tenga. "I'm just kidding. Masaya na akong natulungan ko ang isang magandang binibini," kapagkuwan ay bawi nito sa sinabi. Nakahinga nang maluwah si Scarlett. Akala niya ay seryoso na ito. Totohanin talaga niya. Ngumiti siya at pilit kumilos ng normal sa kabila ng kilig na nadarama. "Thank you again." Ngumiti lang si Brayden at ipinagbukas pa siya nito ng pinto. "Anyway, can I have your name?" Napakamot siya sa baba. "Sorry! Natulungan mo na ako lahat-lahat, hindi pa pala ako nagpapakilala. Anyway, I'm Scarlett. Scarlett de Asis..." "What a beautiful name!" puri ni Brayden na lalong ikinataba ng kaniyang puso. "Brayden Navarro," sabay lahad ng kamay sa harapan niya. I know! Maagap na sagot ng kaniyang isip. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Scarlett. Mabilis niyang tinanggap ang pakikipagkamay ni Brayden. Doon na siya pinalamigan. Marahan nitong pinisil ang kaniyang palad. Parang napapaso na kaagad naman iyong binawi ng dalaga. "I'm sorry but I have to go," paalam niya kapagkuwan. "Salamat ulit." Ngumiti si Brayden. "Ingat. At sana next time na magkita tayo, hindi ka na magugulat." Kinikilig na napangiti ng lihim si Scarlett sa birong iyon ng binata. Ayaw pa sana niyang maghiwalay sila. Pero siguradong magtatampo ang parents niya dahil late na siya. Nanghihinayang na pinaandar ng dalaga ang kotse, at saka iniwanan na si Brayden. Nakita pa niya sa side mirror ang pagkaway nito sa kaniya, na nagpatunaw na naman sa kaniyang puso. Nang tuluyan itong mawala sa salamin, sumandal si Scarlett sa upuan, at saka nagpakawala nang malapad na ngiti. Kinurot-kurot pa niya ang sarili para siguruhing hindi siya nananaginip lang. What a miracle day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD