Chapter 6

2522 Words
Dati silang nakatira sa Makati kaya hindi na nahirapan si Brayden na hanapin ang subdivision nila Scarlett, pati na rin ang bahay nito. Hindi rin naman ito kalayuan sa tinitirhan niya ngayong condo sa Ortigas. Mahirap lang talagang makipagsapalaran sa traffic kaya inagahan niya ang pagsundo sa dalaga. Tuloy napaaga ang kaniyang dating kaysa sa napag-usapan nilang oras. Ayaw ni Brayden na isipin ni Scarlett na masiyado siyang excited kaya nanatili muna siya sa kotse, sa tapat ng mansiyon na siguradong tinitirhan ng dalaga na halos kasing-laki lang din ng bahay nila sa Paraaque. Napatingin si Brayden sa suot na relo, mag-aalas singko na, fifteen minutes left para sa call-time nila kaya bumaba na siya ng kotse at nag-doorbell. Pinapasok siya ng maid matapos niyang sabihin ang kaniyang pangalan kaya alam niyang tinimbrehan na ito ni Scarlett. Malawak na garden na puno ng nagagandahang bulaklak ang bumungad kay Brayden. Sumunod siya sa katulong hanggang sa patio ng mansiyon, doon niya nakasalubong ang hinuha niya’y mommy ng dalaga. “Good afternoon po," magalang niyang bati. Matamis siya nitong nginitian. “Brayden Navarro, right?” nakangiti na tumango siya. “Pababa na si Scarlett. Maupo ka muna.” Inutusan nito ang maid na ikuha siya ng maiinom. “So, vocalist ka pala ng isang band?” “Yes, Ma’am.” “Tita Arianna na lang. Masiyado ka namang pormal. Matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko?” “Schoolmate po kami kaya nagkikita na rin kami sa campus. Pero kailan lang kami nagkakilala ng personal.” “May balak ka bang ligawan ang anak ko?” Deretsahan nitong tanong. Buti na lang at dumating na ang drinks para sa kaniya kaya nilagok muna iyon ni Brayden bago sumagot. “We’re still getting to know each other po, Tita. Ayoko naman pong madaliin si Scarlett," matapat niyang sagot. Dahil totoo naman talaga na kumukuha pa siya ng tamang tiyempo. Ayaw kasi niyang isipin ng dalaga na sinasamantala niya ang katotohanang crush siya nito. Yes, hindi lingid kay Brayden ang damdamin ni Scarlett sa kaniya. Lahat ng kaibigan niya ay alam na rin na may crush sa kaniya ang dalaga. Ayaw lang ni Brayden ma ma-awkward si Scarlett kapag magkasama sila kaya hindi niya tinatanong. Dahil sa pagkakatuklas ni Brayden sa feelings sa kaniya ni Scarlett, iyon ang ginawa niyang dahilan kung bakit... Ah basta! Bahala na si Batman. Sigaw ng utak niya. “Ang bait mo naman, hijo. Halatang napalaki ka nang maayos ng parents mo." Napuno ng paghanga ang mabait na mukha ng ina ni Scarlett. No wonder kung bakit mabait din ang dalaga. May pinagmanahan pala. "Kung ganiyan ka, welcome na welcome ka dito sa bahay," dugtong pa ng ginang. “Thank you so much po, Tita," natutuwa na sagot ni Brayden at saka inubos ang natitirang pineapple juice. “Hinanapan ka na ba ni Mommy ng NBI clearance?” Napatingin siya kay Scarlett na bumungad sa main door. Simpleng jeans, T-shirt, at rubber shoes pang suot nito. Naka-pony tail lang din ang buhok. At may suot na naman itong salamin. Cute na cute talaga si Brayden sa porma nito. Kakaiba sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Siguro para sa iba ay may pagka-boyish o weird ito kung manamit para sa isang rich kid. Ngunit para kay Brayden ay iyon ang unique personality ng babae na lalong nagpapaakit sa kaniya. Simple but beautiful. “Baka matunaw na ‘yong anak ko.” Napakisap si Brayden nang magsalita ang Mommy ni Scarlett. Nahihiya siyang napakamot sa ulo nang ma-realize na nakatanga na pala siya sa dalaga. "I'm sorry po..." Tumawa lang si Scarlett at ngumiti naman ang ina.“O, sige. Ipagkakatiwala ko sa’yo ang baby ko, ha. So, ingatan mo siya, okay?” “Promise po, tita, hinding-hindi ko pababayaan ang anak n'yo," matatag na sagot ni Brayden. "Ihahatid ko rin po siya pag-uwi." “Huwag kayong masiyadong magpagabi, ha? At delikado sa daan," bilin naman nito kay Scarlett at saka ito hinagkan sa pisngi. Humalik at yumakap din sa ina si Scarlett. Panay pa ang "I love you" nito. Napangiti si Brayden. Sweet girl pala talaga ito. Napahanga na naman tuloy siya rito. “Let’s go?” mayamaya'y sabi ni Scarlett. Matapos silang magpaalam kay Tita Arianna ay hinawakan niya sa siko ang dalaga habang ginigiya palabas ng bahay. Nasa tapat na sila ng kaniyang kotse nang mapatitig si Brayden kay Scarlett. Hindi hamak pala na mas maganda ito kapag ganitong malapitan. “Hindi nga ako nagulat sa muli nating pagkikita noon, pero ikaw naman ‘tong nawala sa sarili ngayon,” anang nanunuksong boses ni Scarlett na pumukaw kay Brayden. Napapangiting umiling ang binata. "I'm sorry but I just cannot take my eyes off you." Kumunot ang noo ni Scarlett bagaman halatang napapangiti. "Bakit naman?" "Blame yourself. Masiyado kang maganda," pilyo niyang tugon bago kinindatan ang dalaga. "Kung gaano ka kagaling kumanta, gan'on ka rin kagaling mambola." Sabay silang napahagalpak ng tawa sa birong iyon ni Scarlett. Madami pa silang napag-usapan habang nasa biyahe. Panay ang kanikang biruan. He found out na talagang masarap kausap si Scarlett. Bukod sa matalino, may sensenof humor din. Kaya bago pa man sila makarating sa Anonas ay palagay na sila sa isa’t-isa. ************** “Buti naman, Scarlett, at napagbigyan mo ang request nitong si Brayden na maging special guest namin tonight," sabi ni Diego, ksamahan ni Brayden sa banda, at sitang guitarist nila. Tapos na niyang ipakilala ang dalaga sa buong grupo. Nakaupo na sila noon sa lamesa at kumakain sa isang bar sa Anonas, kung saan sila magpi-perform ngayong gabi. “Request nating lahat,” pagtatama kunwari ni Brayden at saka makahulugang tiningnan ang kaibigan. Totoong siya lang ang may ideya na isama ngayong gabi si Scarlett. Ayaw lang niyang mailang ang dalaga kaya siya nagsinungaling. Nag-alala rin si Brayden na baka hindi ito pumayag kapag nalaman nag totoo. “Pasensiya ka na, ha? May pagka-shytype talaga ‘tong si Brayden kaya ayaw pang aminin,” pugtong pa ni Mico, ang kanilang drummer, sa tonong nanunukso. Sisitahin na sana ni Brayden ang mga kaibigan nang makita niyang nagba-blush na si Scarlett. Pero pinigilan siya nito. “It’s okay. I know naman na nagbibiro lang sila. Wala naman sa mukha mo ang pagiging mahiyain, eh.” Nagkatawanan ang mga kaibigan ni Brayden. "You know, Scarlett, I really like your guts. Ikaw lang itong nakakapagsabi ng kung ano-ano sa kaibigan namin," amused naman na sabi ng kanilang bass guitarist na si JC. "Stop it na. Baka mainis na sa atin niyan si Scarlett," saway na talaga ni Brayden sa mga kaibigan. Napansin niya kasi ang lalong pamumula ng pisngi ni Scarlett. Tinawanan lang siya ng mga loko-loko niyang kaibigan. Napuno pa sila ng tukso ni Scarlett bago sila iniwanan ng mga ito, at nag-set up ng instruments sa stage. “Ini-expect ko na marami kayong kasamang girls ngayong gabi,” tanong ni Scarlett nang makapag-solo sila sa lamesa. “Bihirang sumama sa ganitong okasyon ang mga girlfriend ng mga ‘yan. Hindi kasi mahilig sa music, lalo sa maingay,” tugon ni Brayden. “Bakit? Naiilang ka ba sa’min?” “M-medyo. Hindi kasi ako sanay na puro lalaki ang kasama. Hindi naman kasi ako mahilig makipagbarkada.” Matamis na napangiti si Brayden. Napatitig siya kay Scarlett. Kahanga-hanga talaga ito. "That's why you are an ideal girl for me," mahina niyang saadd habang tinititigan pa rin ang maganda nitong mukha. Pero bandang huli ay parang gusto ni Brayden na pagsisihan na nagpasaring pa siya kay Scarlett. Sa tingin niya kasi ay lalo itong naging uncomfortable sa upuan. “M-matagal na ba kayong magkakilala ng mga ka-grupo mo?” pag-iiba nito ng usapan kapagkuwan. “Kami nina Diego, JC and Mico ang original members. Nagpasiya kaming bumuo ng banda noong nasa first year college kami," pagkukuwento ni Brayden. "Magkakaklase kaming lahat tapos nakita namin na parehas kaming mahilig sa music. Nagkasundo kami. Pampalipas oras lang noong umpisa. Hanggang sa napagkatuwaan namin na sumali sa battle of the bands. May isa pa kaming kasama noon, si Arden. Kaso lumipat na siya ng school kaya ipinalit namin si William, na dating member naman ng isang band sa school natin." Lalong ginanahan sa pagkukuwento si Brayden nang makita ang pagkainteres at excitement sa mukha ni Scarlett. "Ayun, hindi namin expected na maging ganito ka-successful ang dating past time lang namin. Pero may naging banda na rin ako noong high school. Kasama ko ‘yong kababata at bestfriend ko." Biglang nalungkot si Brayden nang maalala ang kaibigan. "Nag-migrate na sila sa Japan kaya naghiwa-hiwalay na ang grupo namin.” "Wow! Ang ganda naman ng story n'yo," humahangang saad ni Scarlett. "Magagaling naman kasi kayong lahat at saka mukhang maganda ang friendship or teamwork n'yo kaya naging successful kayo.” Marahan niyang pinisil ang baba ng dalaga. "That's why I like you. Ang galing mong mag-boost ng confidence." Nagkulay kamatis na naman ang pisngi ni Scarlett. Mabuti na lang, bago paan ito tuluyan mailang sa kaniya, lumapit na sa kanila si William, ang rhythm guitar ng banda. “Brayden, be prepared. We’re about to start. Tayo raw muna ang mauna kasi nagka-problema sa instrument ‘yong isang band.” “Yes, pare. I'm ready na," pagkasabi ni Brayden ay bumalik na sa stage si William. Binalingan niya si Scarlett. “Okay lang ba na maiwan kang mag-isa rito sa table kapag tumugtog na kami later?” Mabilis itong tumango. “Oo naman. I-cheer na lang kita.” “Gusto ko 'yan." Kinindatan niya si Scarlett. "Lalo akong gaganahan niyan. Kaya kita dinala rito, eh. Kasi alam kong number one fan kita.” Totoo ang sinabing iyon ni Brayden. May kung ilang ulit na rin silang nagpabalik-balik dito sa Anonas para sa isang gig pero ngayon siya mas ganado na mag-perform. Ilang beses na rin niyang ginagawa ang ganitong mga bagay pero mas lalong naging exciting. Siguro ay dahil nakikita at nararamdaman ni Brayden kay Scarlett na todo-suporta ito sa kaniya. Kumpara noon kay Lilian na dedma lang sa career niya. Kaya masaya ang binata na maging kaibigan si Scarlett. Friend lang ba talaga? Kaagad na sinaway ni Brayden ang malikot niyang isip. Sa ngayon ay ayaw muna niyang isipin na higit pa sa kaibigan ang feelings niya para kay Scarlett. Kasi kapag nangyari 'yon, mabuting itigil na rin niya ang- “Brayden!” Naputol ang iniisip niya nang bigla siyang tawagin ni Mico para mag-umpisa na. “Okay lang talaga, ha, na maiwan kita rito," tanong niya ulit kay Scarlett bago tumayo. "Huwag kang mahiya na umorder ng foods or drinks, ha?" "Don't worry. Pagbalik mo, puno na ang bill mo," biro ni Scarlett saka ngumiti. "Bawal akong magutom at mauhaw dahil sisigaw ako mamaya." Nagkangitian silang dalawa. Napansin ulit ni Brayden ang maliit na dimple ni Scarlett. Ewan ba niya kung bakit cute na cute siya sa tuwing ngumingiti ang dalaga. Hindi tuloy napigilan ni Brayden ang nakawan ito ng halik sa pisngi at saka dali-daling tumungo ng stage. Hanggang sa makaakyat ay nakangiti pa rin ang binata. Hindi kasi maalis sa labi niya ang mabango at malambot na pisngi ni Scarlett. Mula sa stage ay kitang-kita ni Brayden ang pagkagitla sa mukha ng dalaga. Pasimple naman siyang tinukso ng mga kaibigan habang naghahanda sila sa stage. May kung anong malikot na bagay na naramdaman si Brayden sa puso niya. Pero pilit niya iyong inignora. Nag-opening remarks muna ang host ng show na bago sila nag-umpisa. Lumakas ang hiyawan sa loob ng bar nang tawagin ang kanilang grupo. Tinapunan muna niya ng tingin ang tulala pa ring si Scarlett. Nakatutok pa rin si Brayden sa dalaga hanggang sa mag-umpisa sila. Sikay na kantang Something Beautiful ng Slapshock ang kinanta nina Brayden. Lalong ginananan si Brayden nang makita niyang masayang pumapalakpak si Scarlett. Mayamaya rin ang sigaw habang sinisigaw ang pangalan ng kanilang banda, lalo ang pangalan ni Brayden. Maayos na natapos ng kanilang grupo ang performance. Para sa kaniya ay best performance niya iyon ever. At iyon ay dahil kay Scarlett. "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Brayden sa dalaga nang bumalik sila sa kanilang lamesa. “Enjoy na enjoy ako sa performance n'yo. Napakagaling talaga. Bravo!” Bakas ang kasiyahan at paghanga sa mukha ni Scarlett. Para namang kinilig si Brayden. "Thank you at nagustuhan mo." Nagpasalamat din kay Scarlett ang buong grupo. “Actually, ine-expect talaga namin na isigaw mo uli ang 'I love you, Brayden', eh." Pinandilatan ito ng mga mata ni Brayden pero tatawa-tawa lang. Nag-blush na naman tuloy si Scarlett. Buti na lang at mukhang sanay na ito sa kalokohan ng mga kaibigan niya. “Huwag mo ng pansinin ‘yang si JC. Alaskador talaga 'yan,” hingi niya ng pasensiya kay Scarlett. Tinapik pa niya ang kamay nito. “Oo nga, Scarlett. That was just a joke. Thankful nga kami na sinamahan mo kami ngayong gabi. Ang sarap kayang mag-perform kapag nanonood ang number one fan mo," bawi naman kaagad ni JC. “He’s right. Kaya nga agad kaming pumayag nang ipaalam sa’min ni Brayden na isama ka rito. Sa dinami-dami na ng dinala namin dito, ikaw pa lang ang nakita naming enjoy na enjoy. Ang layo mo talaga kay Lilian," dagdag pa ni Diego, ang lead guitar ng banda. Tumawa si Mico. "Naalala ko tuloy noong huling dinala ni Brayden dito si Lilian. Dedma lang siya sa performance namin.” Huli na para pigilan ni Brayden si Mico. 'Buti na lang at hindi nagtanong si Scarlett. Pero napansin niyang bahagya itong sumimangot. Sinenyasan niya ang mga kaibigan na tigilan na ang pambubuska kaya puro tungkol na lang sa music ang napag-usapan nila sa lamesa habang pinapanood ang ibang nagpi-perform. Pero napansin ni Brayden na biglang nagbago ang mood ni Scarlett simula nang banggitin ni Mico ang tungkol kay Lilian. Hanggang sa ihatid niya ito sa bahay ay bihira na itong magsalita. ************* “Galit ka ba sa’kin?” nag-aalalang tanong ni Brayden kay Scarlett nang tumigil na ang kotse niya sa harap ng bahay ng dalaga. “Hindi. Napagod lang ako. Alam mo naman na siguro na hindi ako sanay magpuyat at gumimik.” “Gan'on ba. Sorry, ha? Next time, hindi na natin tatapusin ang show. Ihahatid na kita ng maaga," nababahalang tugon ni Brayden nang makita ang katamlayan ni Scarlett. Mayamaya'y nagpalit na ito ng expression.Nakangiti na. “Pangit naman kung hindi natin tatapusin. Parang bitin.” Nangislap sa tuwa ang mga mBrayden.“Talaga? You mean, sasama ka ulit sa’min kapag niyaya kita sa mga gigs?” Nagkibit ito ng balikat habang nakangiti pa rin. “Depende.” Sapat ng sagot ‘yon para mawala ang agam-agam ni Brayden na baka hindi na muling sumama sa kaniya si Scarlett. Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan ang dalaga. “Thank you ulit, ha. Sobra akong nag-enjoy tonight. Kasi kasama kita." “Nag-enjoy din ako. Sige na, umuwi ka na at malalim na ang gabi. Hindi na kita yayayain sa loob, ha? Next time na lang.” “It’s okay. Pakisabi na lang kay Tita Arianna na thank you dahil pinayagan ka niyang sumama sa’kin, and also to your Dad.” Tumango lang ang dalaga at binuksan ang gate. “Goodnight, Scarlett. Sweet dreams," nakangiting pahabol pa ni Brayden. “Good night." Ngumiti rin ito. "Mag-ingat ka sa biyahe.” Hinintay muna ni Brayden na tuluyan itong makapasok bago siya pumasok sa kotse at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD