Nagising si Brayden na masakit na masakit ang kaniyang ulo at katawan. Nagtaka siya nang makapa ang sahig na hinigaan. Nang makita ang katabing si Scarlett ay na-realize niyang totoo pala talagang nangyari ang akala niyang magandang panaginip.
Malawak ang mga ngiting dinampian niya ng halik sa noo ang dalagang tulog na tulog pa. Binuhat niya ito at inilipat sa kama at kinumutan. Niligpit niya ang mga nagkalat na bote ng beer at pati na rin ang mga damit ng dalaga. Pagkatapos ay naligo siya saka nagluto ng almusal. Ganadong-ganado siya ng araw na ‘yon.
Paano kasi, ang buong akala niya ay naagaw na ni Albert si Scarlett. Ngunit hindi pala, dahil hindi lang ang p********e nito ang una niyang naangkin kundi ang puso nito. Sigurado na siya ngayon na siya pa rin ang lalaking mahal ni Scarlett.
Dinala ni Brayden sa kuwarto ang nilutong tocino, sunny side up egg, at fried rice. Naabutan niya si Scarlett na umuunat na habang nakapikit pa rin.
“Breakfast in bed!” masiglang bungad ni Brayden sa babaeng mahal.
Tila nahimasmasan ang dalaga nang makita siya kaya bigla itong napabalikwas ng bangon. “Brayden?” Nanlaki ang mga mata nito ng siguro’y maalala ang nangyari. “Oh my God! Kailangan ko ng umuwi.” Bumaba ito sa kama subalit agad ding bumalik nang malamang tanging t-shirt lang niya ang suot nito.
“Nilabhan ko kasi ang mga damit mo kaya ‘yan muna ang pinasuot ko sa’yo," kalmadong paliwanag ng binata.
Kumunot ang noo ni Scarlett. Nay sumilip na pagsisisi sa mga mata nito. "Paano mo nagagawa ang maging kalmado, Brayden? Hindi mo ba naiisip na mali ang ginawa nating ‘yon?”
“Mali? Kailan pa ba naging mali ang pagmamahalan? We made it out of love, Scarlett." Nasaktan ang puso niya. "Kaya wala akong nakitang mali."
Nakokonsensiya rin naman siya dahil bestfriend niya ang pinagtaksilan nila. Ngunit paano nga ba niya pagsisisihan ang bagay na tangi niyang pangarap?
“Gosh! Brayden naman!" Tili ni Scarlett. "Nakalimutan mo bang boyfriend ko ang bestfriend mo at ikakasal na kami next year. Hindi ka man lang ba nagwo-worry sa magiging resulta ng ginawa natin?”
Umupo siya sa tabi ng dalaga at hinawakan ito sa kamay. “Look. Handa ka bang magpakasal sa taong hindi mo naman mahal?”
“Napakabait ni Albert. And you know that. Gindi ko siya kayang saktan. Pero sa nangyari, anong mukha pa ang maihaharap ko sa kaniya?”
“You’re right. Mabait si Albert and very understanding. If he really loves you, hahayaan ka niyang maging masaya sa tunay na minamahal mo," pagpapaunawa ni Brayden.
Marahil nga ay nagmumukha siyang selfish kay Scarlett. Ngunit binabawi lang niya ang dating kaniya. At ipaglalaban niya ang dalaga dahil alam niyang mahal pa siya nito. Buti sana kung hindi na...
Iiling-iling ang dalaga. Para itong maiiyak. “I still don’t know what to do, Brayden. Sobra akong nakokonsensiya. Ang sama-sama ko."
Hinawakan niya ito sa baba at diretsong tiningnan sa mga mata. “Just look into my eyes... and trust me. We can manage it, I promise you. Magkasama nating haharapin si Albert at ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Panahon na rin siguro para malaman niya ang nakaraan natin.” Niyakap siya ni Scarlett na tila naintindihan ang sinasabi niya. Sapat ng kasagutan iyon para malaman niyang unti-unti ng napapanatag ang loob nito. At nagagalak ang puso niya. “Stay here. May ipapakita ako sa’yo.” Lumabas siya ng kuwarto at sa pagbalik niya ay dala-dala na niya ang isang box at gitara.
“Iyan?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Scarlett.
Ngumiti siya nang matamis. "Yes. Ito ‘yong dala-dala mo raw noong huling punta mo sa bar, sabi ng mga kaibigan ko. At siguradong gift mo ito sa’kin para sa first monthsary natin noon.”
Nangislap ang mga mata ni Scarlett. “Tinago mo pala.”
“I used to keep everything from you," madamdaming pag-aamin ni Brayden. Binuksan niya ang box at ibinuhos sa kama ang mga laman niyon. “Especially these from my anonymous girl.”
Tila hindi makapaniwalang hinawakan lahat ni Scarlett ang mga sulat, ang mga roses na tuyo na, mga chocolates na hindi pa nabubuksan, ang panyo. “I can’t believe it! All this time ba ay alam mong ako ang nagpapadala nito sa’yo?”
“Nalaman ko lang noong inabot sa’kin ng janitor ang panyong ito. Sobrang obsessed na kasi ako n'on na malaman ang stalker ko kaya nagpatulong ako sa mga kaibigan ko para takutin ang janitor. Binantaan namin siya kunwari na isusumbong sa dean at hilinging tanggalin sa trabaho niya kapag hindi niya sinabi sa’min kung sino ka." Napangiti si Brayden nang makitang nag-blush si Scarlett. "Kaya nga natawa ako noong nag-deny kang hindi sa’yo ‘yong kapirasong papel na napulot ko. Eh, kaparehong-kapareho ‘yon ng papel na pinadala mo sa’kin.”
“Iyon ang week bago ang battle of the bands night. Ibinigay ko sa’yo ‘yan nong nakita kitang pawisan sa P.E. Center dahil sa kakalaro ng basketball.” Napatutop ito sa bibig na parang hiyang-hiya. “Sobrang hiyang-hiya na kasi ako noon sa’yo.”
Ngumiti siya nang maalala iyon. “Tama ka. Kaya nang gabi bago nag-umpisa ang battle of the bands at inabot sa’kin ni Manong janitor ang letter mo ay alam ko na kung sino ka. Kaya kung napansin mong tinutukso ka sa’kin ng mga kaibigan ko nang nakita mo kami sa hagdan ng building, dahil alam na rin nila.”
Lalong namula ang mukha ni Scarlett. “Kaya pala bantulot si Mang janitor noon na tanggapin ang huling sulat ko sa’yo." Nagtaka ito. "You mean, kilala mo na pala ako noong tinulungan mo akong magkabit ng gulong?"
“Yes, my love. Na-curious ako sa’yo noong magkita tayo sa parking lot. Para bang matagal na kitang kilala. Kaya sinundan kita nang minsang pauwi ka at masuwerteng na-flat-an ka ng gulong dahil naging instant superhero ako sa paningin mo.”
Tumawa ito nang malakas at marahan siyang hinampas sa braso. “I hate you! Nang nakita mo akong gumagapang sa parking lot? That was one of the most embarrassing moments in my life!” Saglit itong tumigil. “At saka tingnan mo, stalker din pala kita kasi sinundan mo ako pauwi. Kaya nagtaka ako nang makita kita roon kasi sa Katipunan talaga kita nakikitang dumadaan.”
“Na-cute-an kasi ako n'on sa’yo saka lagi ka ng nasa isip ko. Pero blessings in disguise na rin ‘yon dahil doon ay napalapit tayo sa isa’t-isa.”
Bigla itong nalungkot. “Doon mo din ba naisip na gamitin ako para pagselosin si Lilian?”
Bantulot siyang tumango. “Ewan ko ba kung bakit ikaw ang naisip ko samantalang alam ko naman na marami ang magpi-prisinta ng libre kapag inalok kong mag-pretend na gf ko. Siguro dahil alam kong mas pagseselosan ka ni Lilian. Sinabi kasi noon ni JC sa kaniya na ikaw ‘yong stalker ko para inisin siya." Umusog siya palapit kay Scarlett at masuyong sinapo ang mukha nito. "But on the same time, parang may bahagi talaga ng puso ko ang nagsasabing ikaw ang dapat kong gamitin dahil siguro attracted na ako sa’yo noon pa man. At napatunayan ko ‘yon noong lagi na tayong magkasama. Unti-unting nahulog ang loob ko sa’yo hanggang sa tuluyan mo ng pinalitan sa puso ko si Lilian."
Namasa ang kaniyang mga mata nang maalala niya kung gaani siya ka-thankful noon na dumating sa buhay niya si Scarlett.
"Nagulat nga ako at gan'on kabilis, eh," maemosyong dagdag pa ni Brayden. Nakikinig lang sa kaniya si Scarlett na parang nalulula. "Siguro dahil kahit noong hindi ko pa alam na ikaw ang stalker ko ay minahal na kita. Kaya ko nga itinabi lahat ng mga ibinigay mo sa’kin, eh. Maybe because I had a feeling na ikaw talaga ang right girl for me."
Katulad niya ay namasa na rin ang mga mata ng dalaga. Ngunit bakas doon ang matinding kasiyahan. “Noong niligawan mo ako, mahal mo na ba ako noon?”
“I admit, attracted pa lang ako sa’yo noong una at andon pa rin ‘yong balak ko na gamitin ka lang. And I am sorry, my love," punong-puno ng pagsisisi na sagot ni Brayden. "Pero nainlove ako sa’yo, eh. Hindi ko na sinabi pa sa mga kaibigan ko na nagbago na ang feelings ko sa’yo dahil siguradong pagtatawanan nila ako.”
She pouted her lips. “Bakit? Dahil pangit ako at baduy?”
“Of course not!” Maagap niyang sagot. “Cute na cute kaya ako sa’yo noon. I mean, pagtatawanan nila ako kapag nalaman nilang nahulog ako sa sariling bitag ko.”
“Really? Eh, bakit noing first monthsary natin, buong-araw kang hindi nagpakita sa’kin. Ni bati hindi mo man lang naalala.”
Masuyo niyang hinagod ng daliri ang pisngi ni Scarlett. “Sorry, my love, if nasaktan kita. Gusto kasi kitang i-surprise noon, eh. Balak ko talagang tawagan ka after your class at papuntahin sa bar para haranahin ka. Kaso sumunod doon si Lilian. Kaya hindi ko na nasabi sa mga friend ko ang balak kong gagawin sa’yo hanggang sa natapos ang show. Pero inspired na inspired pa rin ako sa pagkanta dahil monthsary natin," matapat na pagkukuwento ni Brayden. "Dahil nga hindi ko sinabi sa friends ko ang tungkol sa feelings ko kaya ang akala nila ay si Lilian ang reason kung bakit masaya ako that time. Kaya iyon nasabi sa'yo ni JC. Akala niya kasi, pinaglalaruan pa rin kita. Naaawa na raw siya sa'yo."
Nakalabi pa rin ang dalaga. “Kaya nakalimutan mo na akong tawagan?”
“Tinawagan kita pagkatapos sabihin sa’kin nina Mico ang nangyari sa loob ng bar. Pero hindi mo naman sinasagot.”
Nag-isip ang dalaga na animo’y inaalala ang lahat. “Eh, kasi galit na galit na ako sa’yo noon, eh, dahil sobra na akong nasaktan.”
Inatake nang matinding konsensiya ang puso ni Brayden. “And I’m so sorry for that, my love. At ‘yong tungkol sa sinasabi mo noon na naghalikan kami ni Lilian sa labas ng bar ay-”
Pinigil siya nito. "Don't worry. Ipinaliwanag na sa'kin ni Lilian ang lahat."
“Ha? Nagkita na kayo?”
“Hmm. Yap. Nagkataong sister pala siya ni Kuya James, ‘yong fiancé ni Ate Sofia. At kahit papaano ay okay na kami."
“Oh? Hindi ko alam ‘yon, ah. Pero masaya ako at nagkaayos na kayo. Maybe someday, magiging maayos din ang lahat sa'min. Inakbayan niya ito. “O, ano? Okay na ba tayo? Wala na ba akong atraso sa’yo?”
“Anong wala? Ang laki kaya ng atraso mo sa’kin. Once na makausap natin si Albert ay kailangan mong humarap sa parents ko at panagutan ang pangre-rape mo sa’kin," wika ni Scarlett sa tonong nagbibiro.
Napahagalpak siya nang tawa. “Seriously? Rape? As far as I remember, my love, sinabi mo pa sa’kin kagabi na mas gusto mo akong tikman."
Namula na naman ang pisngi ng dalaga na lalong nagpa-cute dito. “Tse! Lasing ka lang n'on, no. Kaya kung anu-ano naiisip mo.”
“Whatever! Basta ang importante, okay na tayo ulit. At ‘yong tungkol sa parents mo, no problem ako roon. Okay na okay na kaya kami ni Tito Vergilio.”
“Alam ko na po lahat. Ikinuwento na sa’kin ni Daddy.”
“Kung gan'on, baka puwedeng makahirit pa ng isa," pilyong saad ng binata.
“Anong isa?” Lalo itong namula nang makuha ang ibig niyang sabihin saka siya pabirong hinambalos ng palo.
Subalit hindi na ito tumutol nang yakapin niya ito at siilin ng halik. Muli ay pinagsaluhan nila ang init ng kanilang pagmamahal. Saksi ang kuwartong iyon ng wagas nilang pagmamahalan na sinubukang buwagin ng nakaraan pero muling pinagtagpo ng panahon.
Aminado si Brayden na malaki ang kasalanan niya kay Albert. At handa siyang tanggapin ang ano mang galit nito. Handa siyang maging selfish at makasalanan kung ang kapalit naman niyon ay ang babaeng mahal niya.