Pagpasok pa lang ni Scarlett sa gate ay napansin na niya ang kaniyang Ate Sofia na may kausap sa garden. Gusto sana niyang pasalamatan din ito sa ginawa sa kaniya pero mukhang busy ito kaya naisipan niyang pagkaalis na lang ng bisita. Subalit wala sa loob niya na nakita pala siya ng kausap nito.
“Scarlett?” tawag sa kaniya ng bisita ni Ate Sofia nang akmang lalagpas na siya. “Scarlett, ikaw nga!” Nang tumayo ito at lumapit sa kaniya ay saka lang niya nakilala ang babae.
Lilian.
Paano nga ba niya makakalimutan ang pagmumukha ng taong dahilan ng pagkahiwalay nila noon ni Brayden?
“God, I can’t believe it!” bulalas pa ng babae habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Scarlett.
Nakataas ang isang kilay na tinitigan lang niya ito. Wala siya sa mood para makipagplastikan.
Hanggang sa lumapit na rin ang kaniyang Ate sofia. “Magkakilala kayo?” Tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
“Yeah. Schoolmate kami noong college," sagot ni Lilian.
Samantalang tahimik pa rin si Scarlett. Kahit matagal na ang lumipas, asar pa rin siya sa mukha ng babaeng ito.
Ang plastik mo, girl!
“How coincidence, huh?” natutuwang sabi ng Ate niya. “Anyway, Scarlett. Younger sister ng Kuya James mo itong si Lilian.” Tukoy nito sa fiancé.
“Ah, okay," walang kagana-ganang sagot ng dalaga.
“Bakit parang hindi ka man lang natuwa na makita ang dating schoolmate mo?” takang tanong ni Ate Sofia.
“Ang bad ko kasi sa kaniya before, Ate Sofia," pag-aamin ni Lilian. "Siguro hindi pa niya nakalimutan ‘yon.”
Buti alam mo! Sigaw ng kaniyang utak.
“Mukhang may kailangan pala kayong pag-usapan. Sige, iwanan ko muna kayo,” makahulugang sabi ng kapatid ni Scarlett ag saka sila iniwanan ni Lilian.
Parang gusto niyang pigilan ang kapatid. Ayaw niyang makaharap ang babaitang ito. Baka kung ano pa ang magawa niya.
“Alam kong hindi maganda ang nakaraan natin, Scarlett," paninimula ni Lilian nang silang dalawa na lang. Mababa ang boses nito na nakakapagtaka. "Pero dala lang ‘yon ng immaturity ko kaya kung ano-ano ang mga pinagsasabi ko sa’yo noon. Hindi ko naman talaga mahal noon si Brayden, eh. Sinagot ko lang siya dahil parehas kaming famous sa school, so, inisip ko na bagay kaming dalawa. Kaya nagagawa ko pa ring makipag-date sa iba kahit kami na. Sa kabila non, minahal pa rin niya ako."
Napakuyom si Scarlett sa pag-aamin na iyon ni Lilian. Bumalik anh awa na naramdaman niya noon kay Brayden. Gusto niyang sabihin sa babae na ang kapal-kapal nito. Pero ayaw niya itonh kausapin.
"Noong makipag-break ako sa kaniya, I was hoping na susuyuin niya ako. Pero sobrang nasaktan ang pride ko nang malaman kong may kinahuhumalingan na siyang iba," pagpapatuloy ni Lilian. "At ang mas masakit pa, ay ang babaeng patay na patay pa sa kaniya. Lalong nasaktan ang pride ko nang malaman kong ikaw ‘yong stalker niya na pinagseselosan ko. That time, parang gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi niya ako kayang palitan." Napuno ng sarkasmo ang boses ni Lilian.
"Masiyadong mataas ang tingin mo sa sarili, Lilian. Ang selfish mo," sa wakas ay sabi ni Scarlett. Puno iyon ng galit.
"Yeah, I know." Mapait na ngumiti ang babae. "Ang sama ko lalo when I seduced him to win him back. Pinuntahan ko siya noon sa Anonas nang malaman kong may gig sila doon. I pretended that I’m her number one fan as you always do. Pero nang matapos ang show, dinala niya ako sa restaurant at kinausap. He told me that he doesn’t love me anymore. Dahil natutunan na raw niyang mahalin ang stalker niya." Nginitian siya ni Lilian. “And that is you, Scarlett. I admit, nasaktan ako pero hindi ang puso ko kundi ang pride. Bago kami bumalik sa bar ay bumili pa siya ng flowers dahil ibibigay daw niya sa’yo at first monthsary ninyo. Before we parted, I kissed him for the last time. Pero itinulak niya ako. Doon na ako naniwalang umiibig na nga siya sa’yo.”
Pakiramdam ni Scarlett ay nanlamig ang kaniyang katawan at biglang humina ang kaniyang mga tuhod. Biglang nanariwa sa kaniyang alaala ang eksenang iyon sa labas ng bar. Batid niyang nagsasabi ng totoo si Lilian dahil hindi naman nito alam na nandoon siya nang mga sandaling iyon. Hindi rin niya ito nababakasan ng pagsisinungaling.
Napatiim-bagang si Scarlett. Hindi niya alam kung sino ang gusto niyang sabunutan: si Lilian ba dahil sinubukang tuksuhin si Brayden o ang sarili niya na tanga dahil hinusgahan kaagad ang binata.
“Nalaman kong nag-break kayo ng dahil sa’kin," malungkot na pagpapatuloy ni Lilian. “Pero hindi ko na siya natulungang mag-explain sa’yo dahil nalaman kong nasa Japan ka na raw. Sobrang nasaktan si Brayden sa pagkakalayo ninyo, Scarlett. At sana makatulong ang nalaman mong ito para magkaayos kayong dalawa.”
Umiling si Scarlett sa pagitan nang umiinit niyang mga mata. “It’s too late, Lilian. I’m getting married. But still, thank you dahil naliwanagan na rin ako.”
“Ows? So sad. Alam na ba ito ni Brayden?”
Tumango siya. "Alam na alam niya, Lilian."
Lalong nalungkot ang mukha ng babae. “Siguradong iniyakan niya ‘to.”
“Maybe were not just meant for each other," sagot ni Scarlett na hindi umabot sa puso niya.
Gusto niyang awayin si Lilian. Pero paano pa? And besides, may kasalanan din siya. Hindi niya binigyan ng chance noon si Brayden na magpaliwanag.
Nagkibit-balikat lang si Lilian at saka sila magkasamang pumunta sa Ate Sofia niya at ikinuwento ang lahat.
“So, ikaw pala ang babaeng gusto kong sabunutan noon?” natatawang biro ni Sofia kay Lilian. “Alam mo, kung nalaman ko lang agad, siguradong nakatikim ka na sa’kin kahit pa kapatid ka ng mapapangasawa ko.”
Nagkatawanan na lang silang tatlo. Siguro nga, hindi man agad ngayon hihilom ang hindi magandang nakaraan nila ni Lilian, umaasa si Scarlett na magiging maayos din ang kanilang samahan. Lalo pa at magiginh magkapamilya na sila.
“Thank you, Ate, ha. All this time, inakala ko na galit ka sa’kin," maemosyon na sabi ni Scarlett sa kapatid.
“Inaamin kong naiinis ako sa’yo noon kasi feeling ko favorite ka ni Mommy at Daddy," pag-aamin ni Ate Sofia. Seryoso ang mukha nito. "Ikaw lang kasi ang laging tama sa paningin nila, eh. Idagdag pa ‘yong type of fashion mo noon. Lagi kasi akong napapaaway sa mga kasamahan kong models dahil lagi nilang ino-okray ang kabaduyan mo. Pero hayaan mo na ‘yon, ang importante ay nag-mature na tayo ngayon. Let's forget the past."
Niyakap niya ang kapatid. “Thank you pa din sa pagtatanggol mo sa’kin.”
“Kahit sino namang kapatid ay gagawin ang ginawa ko. Kahit gaano pa kita kadalas laiitin, hindi ko pa rin maatim na ang ibang tao ang gagawa n'on sa’yo." Yumakap din sa kaniya si Ate Sofia. "After all, you’re still my younger sister. Hindi ko hahayaang may manakit sa'yo kahit si Brayden o si Lilian pa."
“Tama na nga ‘yang drama ninyong magkapatid," natatawang saway ni Lilian sa kanila.
Pagkatapos nilang magkaayos ay nagpaalam na si Scarlett para magpahinga. Naging maganda ang kaniyang tulog dahil sa mga panibagong tinik na nabawas sa kaniyang dibdib.
**************
Hapon na nang magising si Scarlett dahil sa malakas na pag-ring ng kaniyang cellphone. Si Albert pala ang kanina pa tumatawag.
“Hello, honey. Sorry kagigising ko lang, eh, kaya hindi ko agad nasagot.”
“It’s okay, hon. Sorry kung naistorbo ko ang pagtulog mo," sagot ng nobyo sa kabilang linya.
“Bakit napatawag ka? May problema ba?”
“Ano kasi. Kung okey lang sa’yo, gusto ko sanang humingi ng favor, hon."
“Oo naman. Basta ikaw. Ano ba ‘yon?”
“Papatingnan ko sana si Brayden sa condo niya. Tinawagan ko kasi kanina ‘yon at mukhang maysakit o problema siya." Kinabahan si Scarlett nang marinig ang kalagayan ni Brayden. "Basta sigurado akong he’s not okey kasi sabi niya kailangan daw niya ng makakausap. May importante kasi akong nilalakad kaya hindi ko siya mapuntahan.”
Labis siyang nag-alala sa nalaman. Hindi na siya kailangang pakiusapan pa ng kasintahan dahil gustong-gusto din niyang masigurong okay si Brayden. “Sige, hon. Pupuntahan ko siya. Maliligo lang ako.”
“Thank you, honey. Napakabait mo talaga. I love you," natutuwang sabi ni Albert.
Ungol lang ang isinagot niya hanggang sa magpaalam sila sa isa’t-isa. Ewan ba niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang sabihin sa nobyo ang magic word na ‘I Love You’.
Samantalang alam naman niya ang pakiramdam nang naghihintay na masabihan n'on. Siguro sadyang mahal na mahal lang siya ni Albert kaya naniniwala ito sa kaniya sa tuwing sinasabi niyang ‘action louder than word’.
**************
Nagmamadaling nag-ayos si Scarlett at pumunta sa condo ni Brayden. Hindi siya sigurado kung haharapin ba siya nito. Ngunit ang mahalaga ay malaman niya ang tunay nitong kalagayan.
Nasa tapat na siya ng pinto ay hindi pa rin siya kumakatok. Nag-ipon muna ng lakas ng loob ang dalaga bago kumatok. Nakailang katok na siya pero walang nagbubukas ng pinto. Pinihit niya iyon at nalaman niyang bukas pala kaya pumasok na si Scarlett.
Sa bungad pa lang ay nalalanghap na niya ang matapang na amoy ng alak. Nadatnan din niya ang nagkalat na mga bote ng alak sa sala ngunit wala roon si Brayden. Naglakas-loob na ang dalaga n pumasok sa kuwarto. At doon niya nakita ang binatang mag-isang umiinom at humahagulhol. Halatang kanina pa ito umiinom dahil mukhang lasing na lasing na.
Tila nadurog ang puso ni Scarlett nang makita ang nakakaawang sitwasyon ni Brayden.
Naawalang nilapitan niya ito. Habag na habag siya habang tinitingnan ang binata. “Brayden... Ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo?”
Sandali lang itong nagulat nang makita siya. Ngunit bakas sa mga mata nito ang kasiyahan.
“Nakakabaliw talaga ang pag-ibig," nabubulol na saad ng binata pagkatapos siyang tapunan ng tingin. “K-kahit saang sulok ng bahay ay nakikita mo ang babaeng mahal mo. Pati boses niya naririnig mo pa.”
“You’re not hallucinating. I’m real.” Kinuha niya ang hawak nitong beer at akmang itatayo ito. Subalit hinawakan siya nito sa balikat.
Mapakla itong ngumiti. “Why are you here, Scarlett? Handa ka na bang pakinggan ang explaination ko? O may nakalimutan ka pang isumbat sa’kin?”
Napalunok si Scarlett. Tinamaan siya sa mga salita nito. Ngunit binalewala niya iyon. Lasing lang ang lalaki.
“Marami ka ng nainom. Halika at ihihiga kita sa kama para mapunasan kita.”
“Mahal na mahal kita noon, Scarlett. At lalo pa kitang minahal ngayon.” Mahigpit siya nitong niyakap kaya bumuwal sila sa sahig. Napahiga siya samantalang nakadagan naman ito sa kaniya. “Please, say that you still love me. Kahit iyon man lang ay marinig ko sa'yo..."
“Brayden..”
“Please, I’m begging you, Scarlett. One word is enough for me to be okay.”
Siguro dala nang matinding emosyon kaya bigla niyang nakalimutan si Albert. Muling nagising ang natutulog niyang pag-ibig para kay Brayden. Kaya imbes na sumagot ay niyapos niya ito sa batok at ginawaran ng halik sa mga labi. Iyon lang din ang hinihintay ng binata at mapusok siya nitong ginantihan.
Tila sabik na sabik nilang ipinadama sa isa’t-isa ang pagmamahal. Nagpapagulong-gulong sila sa sahig, hindi alintana ang lamig at sakit na dulot niyon sa likod. Hanggang sa tuluyang natanggal ang mga saplot sa kanilang katawan.
“I love you, Scarletr. And I’m madly want you now," usal ni Brayden sa nanginginig na boses. Tila biglang nawala ang kalasingan nito.
Parang si Scarlett naman ang nalasing ng mga oras na iyon. Tila nawala sa eksena si Albert at tanging si Brayden na lang ang laman ng puso't isip niya.
“I love you too, Brayden. And I want you, too," hindi na napigilan na sabi ni Scarlett. Tinakasan na siya ng kaniyang katinuan.
Pagkarinig sa sinabi niya ay mabilis na kumaibabaw sa kaniya ang binata. Puno ng pag-iingat na ibinuka nito ang kaniyang mga hita. Napasinghap si Scarlett nang maramdaman ang kahandaan nito sa kaniyang kaselanan. Napakapit siya sa batok ni Brayden nang maramdaman niya ang unti-unti nitong pagsulong.
Naramdaman ni Scarlett ang hapdi at sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita nang tuluyang makapasok si Brayden sa loob niya. Kasabay nang pagbaon ng kaniyang mga kuko sa balat nito ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Totoong masakit ang pag-iisa ng kanilang mga katawan. Ngunit hindi iyon gaanong iniinda ni Scarlett dahil sa mabining paggalaw ni Brayden. At sa walang tigil na paghalik nito sa kaniya.
Mas napaluha ang dalaga dahil sa sobrang tuwa. Ngayon lang siya ulit naging ganito kasaya sa loob nang maraming taon.
Saa umpisa lang ang kirot at hadpi n naramdaman ni Scarlett. Dahil agad iyong napalitan ng walang kapantay na sarap at ligaya habang gumagalaw si Brayden sa ibabaw niya. Sumasabay siya sa paggalaw nito habang walang humpay ang pag-ungol at pagtawag sa pangalan nito.
Pakiramdam ni Scarlett ay nakarating siya ng langit nang maabot nila pareho ang rurok ng kaligayahan. Kapwa sila nakangiti nang pakawalan ang isa't isa.
"I love you, my Scarlett..." madamdaming bulong ni Brayden sa tainga niya nang lumipat ito sa tabi niya.
"I love you, too, Brayden..." ganting bulong ng dalaga sa pagitan ng inaantok na mga mata.
Kapwa sila napagod kaya hindi nila namalayang nakatulog na pala sila sa sahig.