“Paano n'yo nagawa sa’kin ‘to?” galit na galit si Albert nang ipagtapat nina Brayden at Scarlett ang totoo. Pinuntahan nila ito sa condo niya. “Itinuring kitang kapatid, Brayden. Pero nagawa mo pa akong traidorin? At ikaw, Scarlett? Minahal kita ng higit sa buhay ko. Kulang na lang ay sungkitin ko ang buwan at ibigay sa’yo just to prove how much I love you. Tapos lolokohin mo lang ako?"
Magkahalong hiya at pagkaawa ang naramdaman ni Scarlett nang mga oras na iyon. Ngunit wala siyang pinagsisisihan sa nangyari.
"I'm sorry, Albert. I'm so sorry," sinserong sabi ni Scarlett. Sinubukan niyang hawakan ito pero umiwas ito.
“Pare-” Sinubukan din itong lapitan ni Brayden ngunit maging ito man ay dinuro ni Albert.
“Huwag na huwag mo akong tawaging ‘pare’ dahil wala akong kaibigan na ahas!”
Muling sinubukan ni Scarlett na hawakan ang lalaki para magpaliwanag. “Albert, please.. Hindi namin sinasadyang itago sa’yo ang lahat. Noong ipakilala mo kami sa isa’t-isa, kapwa rin kami nagulat. Hindi ko inaasahan na ang kaisa-isang lalaking minahal ko ay kaibigan mo pala.”
Sarkastiko itong tumawa bago binalingan si Brayden. “Siya rin ba ang babaeng sinasabi mo sa’kin noon, Brayden?” Tumango ang binata kaya lalong napuno ng sarkasmo ang mukha ni Albert. “All this time, pinagmukha n'yo akong tanga. Sana hindi ko na lang hinayaan na magkalapit kayong muli. At ang mas masakit pa, nasa inyo na lahat ng pagkakataon na ipagtapat sa’kin ang totoo pero hindi n'yo ginawa." Sinuntok nito nang malakas ang pader. "Bullshit!"
Sinubukan ni Scarlett na pakalmahin si Albert. “Believe me, sinubukan kong pigilan ang feelings ko sa kaniya. Because I don't wanna hurt you. Pero ang hirap, Albert... Ang hirap-hirap pigilan ng puso. Hindi ko na rin kayang maging unfair sa'yo. Napakabait mo para lokohin. Tatanggapin ko kahit anong galit mo, patawarin mo lang kami.”
“Tell me, Scarlett, siya ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo maibigay-bigay sa’kin ang salitang ‘I love you’? Kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo ako kayang mahalin?"
Hindi siya nakakibo. Nag-iisip siya ng tamang sabihin na hindi makakasakit sa binata. “For two years, sinubukan kitang mahalin as my boyfriend, Albert. Pero talagang pagmamahal lang bilang kaibigan ang naibigay ko sa’yo. At nagagalit ako noon sa sarili ko dahil napakabuti mong tao para hindi ko magawang mahalin. Alam ko kung gaano mo ako kamahal, at gustong-gusto kong suklian ‘yon. Pero hirap na hirap akong turuan ang puso ko. I’m sorry, Albert. I’m so sorry.”
Nagbaga ang mga mata ng lalaki, kasabay ng pagtindi ng sakit na nakarehistro sa mukha nito. “Napakasama mo, Scarlett! Hindi pala ikaw ang babaeng inakala ko noon na gusto kong makasama habambuhay. Ang layo-layo mo sa babaeng tiningala ko noon.”
Tila hindi na nakatiis si Brayden kaya muli itong sumingit sa usapan. “Don’t blame her, Albert. Dahil ako ang may kasalanan. Kung hindi ko lang sana ipinagpilitan pa ang sarili sa kaniya, hindi sana mangyayari ‘to. Kaso ano ang magagawa ko? Mahal na mahal ko siya. At alam mo rin ‘yon. Alam mo kung gaano ko kamahal ang babaeng ikinukuwento ko sa'yo at siya 'yon." Pagpapaintindi ni Brayden. "Kung puwede nga lang na hindi ko na ito maramdaman kay Scarlett para lang hindi masira ang friendship natin, para hindi ka masaktan, ay gagawin ko. Pero paano nga ba turuan ang puso na i-unlove ang isang taong buong buhay mong minahal?"
Ngunit imbes na maliwanagan ay bigla nitong sinuntok si Brayden. “Pare-pareho lang kayong dalawa! Magsama kayo sa impiyerno! Get out! Get out of here! Bago pa ako may magawang masama sa inyong dalawa.”
Pagkatapos silang iwanan ng nagbabantang tingin ay malalaki ang hakbang na tinungo nito Albert ang kuwarto at padabog na isinara ang pinto.
Pareho silang tulala ni Brayden na nakatingin sa isinarang pintuan.
Pakiramdam ni Scarlett ay may parte ng puso niya ang nawasak. Siguro dahil nasaktan niya ang taong nagmamahal sa kaniya.
“Let’s go." Hinawakan siya ni Brayden sa kamay. "Siguro hindi pa ito ang tamang oras para suyuin natin siya. Masiyado pang mainit ang sitwasyon. Sobra natin siyang nasaktan kaya imposible pa sa kaniya ngayon ang intindihin at patawarin tayo.”
Pumiksi si Scarlett habang tumutulo ang mga luha. “No! Hindi ako aalis dito hanggat hindi niya tayo napapatawad. Hindi ako papayag na sa ganito lang matatapos ang friendship namin. Ang friendship n'yo," pagkasabi niyon ay sinundan niya sa kuwarto ang dating kasintahan.
“I told you to leave, right? Kaya umalis ka na!" Pagtataboy sa kanila ni Albert. "Bakit? Hindi ka pa ba tapos sa pananakit sa’kin?”
Lalong napaiyak si Scarlett. Hindi niya matanggap na sa ganito humantong ang matagal na pinagsamahan nila. “Albert, please just tell me what to do para mapatawad mo ako."
"Next week na ang balik ko sa Japan, Scarlett. Iyon ang inaasikaso ko nitong mga nakaraang araw. Isu-surprise sana kita kasi akala ko matutuwa ka. Di ba iyon naman talaga ang gusto mo noon? Na oras na gumaling ang Daddy mo ay babalik agad tayo sa Japan." Nang-uuyam itong tumawa. "Pero mukhang malabo ng mangyari ‘yon. But I’m still hoping na magbabago pa ang isip mo. Hihintayin kita sa airport at kapag dumating ka, handa akong kalimutan lahat ng nangyari at patatawarin ko kayo ni Brayden. Tatanggapin kitang muli." Tiningan siya ni Albert ng may pagbabanta. But if you won’t, kalimutan mo nang minsan sa buhay mo ay may nakilala kang lalaki na nagmahal sa’yo ng sobra-sobra pero pinili mong saktan.”
Napahagulhol ang dalaga. “Albert..”
“Please leave me alone, Scarlett. Gusto kong huminga dahil sobra akong nasasakal sa mga nangyari.” Umiwas ito ng tingin. "Umalis ka na habang may natitira pa akong pagmamahal sa'yo."
Ayaw sanang umalis ni Scarlett hanggang hindi sila nagkakaayos. Pero tama nga yata si Brayden. Hindi ito ang tamang oras na pilitin si Albert. Masiyado nila itong nasaktan.
Maluha-luhang lumabas siya ng kuwarto at sumama kay Brayden nang akayin siya nito paglabas ng unit. Sigurado siyang narinig din nito ang pag-uusap nila ni Albert. At kahit hindi man magsalita ay ramdam ni Scarlett may takot sa puso ni Brayden sa magiging desisyon niya sa kundisyon na hinihiling ni Albert.
Subalit hindi lang ito nagtatanong at hinahayaan siyang magdesisyon para sa kaniyang sarili. At para siguro lumaban ng patas kay Albert.
Hinalikan siya ni Brayden sa ulo. “Darating ang tamang panahon na mapapatawad din niya tayo. We both know kung gaano siya kabait."
“I hope so, Brayden. I hope so...” malungkot na tugon ni Scarlett.
Niyakap nila ang isa’t-isa bago pinaandar ng binata ang sasakyan palayo sa condo ni Albert.
*****************
Dumating ang araw ng pag-alis ni Albert. Ayon sa binata ay 5:30 pm ang flight nito. Pero 4:30 na ay nasa EDSA pa lang si Scarlett dahil sa sobrang traffic. Halos paliparin na niya ang kaniyang sasakyan sa takot na baka hindi abutan ang binata.
Subalit mukhang nakisama ang tadhana dahil bago pa man ang takdang oras ay dumating ang dalaga sa airport. Hindi mailarawan ang kasiyahan sa mukha ni Albert nang makita siya.
Agad siya nitong sinalubong ng yakap. “Thanks, God! Akala ko ay hindi ka na darating."
Bago pa man makasagot si Scarlett ay nag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Hindi niya alam ang magiging resulta ng kaniyang gagawin. Pero handa siyang sumugal. And this time, kailangan niyang manindigan sa taong patuloy na nagmamahal sa kaniya, sa taong nasaktan din niya, at sa taong mahal na mahal niya mula noon hanggang ngayon...
“A-albert, I came here just to say..." Nilunok ni Scarlett ang tila bara sa kaniyang lalamuna. Halos hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin. Dahil alam niya na ikakawasak iyon lalo ng puso ng lalaki. “I came... Just to say goodbye,” sa wakas ay sabi niya.
Kitang-kita niya ang pamumutla ng mukha ng ex-boyfriend. Alam niyang anumang oras ay magbabagsakan na ang mga luha nito subalit kailangan niyang magpakatotoo. Kahit nadudurog din ang puso niya.
*Nagmamakaawa ako na patawarin mo na kami ni Brayden," luhaan na pagpapatuloy ni Scarlett. "K-kahit hindi ngayon, Albert... kahit sa tamang panahon na lang. Handa kaming maghintay, handa akong hintayin na maibalik ang dati nating pagsasamahan. I came here because I wanna save our friendship. Sana makahanap ka ng babaeng totoong magmamahal sa’yo at alam kong hindi malabong mangyari ‘yon dahil napakabuti mong tao. Thank you sa lahat at mag-iingat ka.”
Mabilis niya itong dinampian ng halik sa pisngi at tumalikod. Hindi na siya umaasang makukuha niya ngayon ang kapatawaran ngunit maluwag na sa kaniyang kalooban na nasabi niya rito ang totoo.
“Scarlett..” Narinig niyang pagtawag ni Albert bago pa siya tuluyang makalayo rito. Lumingon ang dalaga at nakita niyang papalapit ito sa kaniya. “Walang kasinsakit ang ginawa n'yo sa’kin ni Brayden. Kayong mga taong itinuring kong mahalagang parte ng buhay ko. Kaya alam kong matagal bago ako makalimot. Pero hindi rin naman ako mapapanatag sa Japan hanggat hindi tayo nagkakaayos." Lumambot na ang mukha ni Albert ang namumula ang mga mata. "Tama ka, hindi ko kayang ibigay sa ngayon ang forgiveness na hinihingi n'yo. Masiyado pang sa'kit. But I promise you na susubukan kong gawin ‘yon. Ang kaya ko lang ibigay sa inyo ngayon, ay ang basbas ko na sana maging masaya na kayo sa piling ng isa’t-isa. At huwag n'yong sayangin ang pag-sakripisyo kong ito. Please tell, Brayden, about this.”
Sa sobrang kaligayahan ay nayakap ni Scarlett ang binata. “Oh, Albert! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Siguradong ganito rin ang mararamdaman ng kaibigan mo. Napakabuti mo talagang tao. At pangako, aalagaan na namin ang isa’t-isa at hindi na namin hahayaang maghiwalay pa kami.”
Kumalas ito sa pagkakayakap niya at nagpunas ng luha. “Can I kiss you for the last time, honey?” Hindi na niya ipinagkait pa ang hiling nito kaya halikan siya ni Albert sa pisngi. “Good-bye, Scarlett. I’m gonna miss you," anito sa garalgal na boses.
Hinalikan niya rin sa pisngi ang lalaki. “I will miss you, too, Albert. Mag-ingat ka palagi, ha."
Umalis na ang binata habang laglag ang mga balikat. Luhaan itong hinatid ng tanaw ni Scarlett. Dalawa ang rason ng mga luhang iyon ng dalaga: kalungkutan para kay Albert at kasiyahan naman para sa kanila ni Brayden, higit sa sarili niya.
Dahil natanggal na ang pinakahuling tinik na bumabaon sa kaniyang puso. Kailangan na niyang bumalik sa lalaking ilang taong nagtiyagang hintayin siya.
****************
After a year ay ikinasal sina Scarlett at Brayden. Pagkalipas ng limang taon ay magkasama na nilang inaalagaan ang kanilang panganay na anak na sina Shawn at bunsong si Denise.
“Buti na lang, pare, at nagkabalikan kayo ni Scarlett. Dahil kung hindi, wala akong inaanak na kasing-cute nitong si Denise," natutuwang wika ni JC.
Nasa garden sila noon ng kanilang bahay sa Quezon City na pinagawa ni Brayden bago sila ikinasal. Kasalukuyan silang nagkakasiyahan para sa first birthday ni Denise.
“Buti na lang talaga. Dahil kung hindi, habambuhay na galit sa’yo si Brayden dahil sa kadaldalan mo,” pabirong sagot naman ni Mico." Uto ang natatandaan ni Scarletr na pumipigil noon kay JC sa bar para magsalita.
Sa ngayon ay may kaniya-kaniya na ring pamilya ang mga kaibigan ni Brayden. At si Lilian naman ay nasa Canada na at kasal na rin sa isang Fil-American. At ang hindi nila inaasahan ay nagkatuluyan sina Faith at JC na parehas nakasalo ng flower at garter noong wedding nila.
“Ano? Hindi pa ba kayo tapos diyan kay Denise? Baka naman puwede na naming hiramin ‘yan,” giit naman ni Albert na kagagaling lang sa loob ng mansion.
Kasalukuyan na itong boyfriend ng bestfriend ni Scarlett sa Japan na si Alwyna. Ayon sa kuwento ng kaibigan niya, naging malapit daw sa isa’t-isa ang mga ito noong bumalik si Albert sa Japan na heartbroken. Kay Alwyna raw ito madalas magsabi ng hinanakit kapag nagkikita sila sa Superdeluxe bar.
After four years ay niligawan ni Albert si Alwyna. Kinunsulta din siya noon ng kaibigan bago nito sinagot ang binata. At aino ba siya para humadlang sa kaligayahan ng dalawang taong mahalaga sa kaniyang puso?
Kaya ngayon, ay tuluyan na silang naka-moved on sa pait ng nakaraan.
Hindi na rin nakabalik sa Japan su Scarlett para sana tulungan ang kaniyang Auntie Liza sa negosyo nito. Kaya nagpasiya itong ibenta na lang ang negosyo at manirahan dito sa Pilipinas dahil tumatanda na rin.
Sa ngayon ay tuluyan ng gumaling ang kaniyang Daddy Vergilio. Masaya ito at ang kaniyang Mommy Arianna para sa kanilang tatlong magkakapatid na lalong naging malapit sa isa’t-isa pagkatapos ng mga nangyari.
“Are you happy?” untag sa kaniya ni Brayden nang mapagsolo sila sa garden. Niyapos siya nito mula sa likuran.
“Isn’t obvious? Ano pa ba ang hahanapin ko? Eh, may asawa na akong super pogi at mapagmahal tapos may dalawa pa akong anak na very sweet.”
“I just wanna make it sure always na hindi mo pinagsisihang minsan ay nagpakabaliw ka sa’kin," buong pagmamahal na wika ni Brayden.
Kumunot ang noo ni Scarlett. “Bakit naman ako magsisisi? Eh, pagkatapos naman n'on, ikaw ‘tong baliw na baliw sa’kin.”
Tumawa ang asawa. “Oo nga, eh! Napikot tuloy ako ng stalker kong si ‘I Love You' girl."
"Ang kapal mo, ha! Ako nga ang pinikot mo, eh.” Humarap siya sa asawa at pinisil ang ilong nito. “Pilyo ka talaga!”
Natatawang hinalikan siya ni Brayden sa noo. "I love you, Misis ‘I Love You’ girl.”
“I love you, too, Mister Idol.”
Nagtama ang kanilang mga mata. Pagkatapos ay naglapat ang kanilang mga labi. Hindi nila alintana ang mga taong nanunukso sa kanila sa paligid. They just want to show the world how much they love each other.
Whatever happened to them is just a proof that pure love is really unbeatable, unconquerable and unkabogable..
*****THE END*****
To God be the glory..