Chapter 2

1929 Words
"Scarlett!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at ngumiti nang makita ang papalapit na kaibigang si Faith. 'Tulad ni Scarlett ay second year college na rin ito sa kursong Marketing, kaklase at bestfriend na niya ito simula noong high school pa lang sila. "Mukhang tinanghali ka ngayon, ah?" Napasimangot si Scarlett "Si Ate Sofia kasi..." "Okay, I know na. Pinagdiskitahan na naman niya 'yang outfit mo, 'no?" Walang maitatago si Scarlett sa kaniyang bestfriend. Si Faith lang kasi ang napagsasabihan niya ng problemang hindi niya kayang sabihin sa Mommy Arianna niya. Katulad na lang ngg problema niya sa dalawang kapatid. Ayaw ni Scarlett na makadagdag pa sa stress ng mga magulang nila. She heaved a deep sigh. "Hindi ko alam kung bakit lagi niyang kino-compare ang sarili niya sa'kin." "Ang sabihin mo, maldita lang talaga 'yong Sofia na 'yon." Umismid si Faith. Kahit ito man ay naiinis na rin sa kaartehan ng ate niya. "Nagtataka tuloy ako kung paano mo naging kapatid 'yon. Kulang na lang ay maging santa ka sa bait. Samantalang ang ate mo, bruhilda." "Huwag na nga nating pag-usapan 'yon. Hayaan natin kung saan siya masaya." "Yeah, right. Much better," pagsang-ayon ni Faith. "Mabuti pa pag-usapan nalang natin si Brayden." Ang tinutukoy ni Faith na si Bryaden ay ang ultimate crush ni Scarlett sa campus. Isa itong vocalist ng isang sikat na boy band sa scho nila. Una niya itong napansin noong mapanood niyang kumakanta sa battle of the bands' night. Simula noon ay naging avid fan na siya ni Brayden. Hanggang sa unti-unting na-fall si Scarlett sa binata. Si Brayden Navarro ang kaniyang lihim na pag-ibig. Nangislap ang mga mata ni Scarlett nang marinig ang pangalan ni Brayden. "What about him? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" "Nakita ko lang naman siya kanina sa congregating area na kumakanta kasama ang Pure Voyzs members," excited na pagkukuwento ni Faith. Ang bestfriend niya ang tunay na saksi kung gaano siya kabaliw kay Brayden. "N-nandon pa kaya siya?" hindi mapalagay na tanong ni Scarlett. Gustong-gusto na niyang makita ang kaniyang si Brayden. "Let's check it out!" Hinila na siya ni Faith papunta sa congregating area, na mukhang mas excited pa kaysa kaniya. Hindi baleng ma-late si Scarlett sa class, makasilay lang sa kaniyang crush. Buo na kasi ang araw niya kapag nakikita niya si Brayden. Kahit pa magmukha siyang tanga dahil hindi naman siya nito kilala. "Ang guwapo-guwapo niya talaga!" Bulalas ni Scarlett nang makarating sila sa congre, at nakita si Brayden na nakaupo sa stage. Kumakanta ito with his band. "At ang ganda-ganda pa ng boses niya." Natatawa siyang siniko ni Faith. "Enough na. Baka matunaw si Papa Brayden mo." Dinukot ni Scarlett ang cellphone sa bag. "Wait. Pi-picture-an ko lang siya." Pero bigla namang tumabi kay Brayden ang girlfriend nitong si Lilian. "Ay! Nakakainis naman. Ang ganda na sana kaso may katabi siyang virus," naiinis at dismayado niyang saad. Tinawanan na lang siya ni Faith nang makita ang kuha ni Brayden. "Kailan kaya sila magbi-break para mapansin naman niya ako?" masama ang loob na dugtong ni Scarlett. "Paano? Wala ka namang ginagawa," pamimilosopo sa kaniya ni Faith. "Anong wala?!" exaggerated na tanong ni Scarlett sa kaibigan. "Binigyan ko na siya ng chocolates, roses, panyo, etc. Naubusan na rin ako ng sweet notes sa kakapadala sa kaniya. But until now, hanggang tingin pa rin ako." Totoo ang lahat ng sinabi ni Scarlett. Lahat yata ng pampakilig na bagay sa mundo ay naibigay na niya kay Brayden. Nagagawa lang niya iyon via her 'messenger', si Mang Nestor, ang school janitor. Palihim niya itong binabayaran para mag-abot kay Brayden at huwag siyang ipagkanulo kahit ano ang mangyari. "Bakit hindi mo subukang magpakilala sa kaniya?" mayamaya'y suhestiyon ni Faith. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "What?! Over my dead body! Kakayanin kong maging secret admirer o maging stalker, huwag lang magmukhang cheap sa paningin niya." Kinutusan siya ni Faith. "Alam mo, talagang hindi ka mapapansin ni Brayden kung ganyan ka. Last semester na niya ngayon dito. Three months from now, hindi mo na siya makikita. Mananatili kang nganga." Nakaramdam ng lungkot si Scarlett nang maalalang graduating na nga pala si Brayden. Mamimiss niya ito, for sure. "So, what do you want me to do? Tumambling sa harapan niya? O di kaya mag-apply na personal alalay niya?" Biglang kumislap ang mga mata ng kaniyang kaibigan. "Why not do it? Malay mo makukuha mo siya." Kumunot ang noo ni Scarlett. "Alin doon? Iyong tumambling sa harapan ni Brayden o mag-apply na alalay niya?" "Both." Iningusan niya si Faith. "Hindi ko kaya." Naghimutok ang kaniyang kalooban nang makitang sweet na sweet sina Brayden at Lilian. "Ang suwerte-suwerte talaga ng Lilian na 'yon, 'no?" Nakasimangot pa rin si Scarlett at nakakunot ang noo habang nakatingin kay Lilian. Huli na tuloy nang malaman ng dalaga na tinitingnan pala siya ni Brayden. "Oh my!" Napatutop siya sa bibig habang nanlalamig ang kaniyang mga palad. Ilang segundo rin sigurong nakipagtitigan si Scarlett kay Brayden hanggang sa hindi na niya kinaya ang pagtambol ng kaniyang dibdib. Siya na ang umiwas ng tingin. "Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla ka na lang nanigas diyan?" Siko ni Faith sa kaniya na mukhang walang kamalay-malay sa nangyari dahil sa iba ito nakatutok. Dali-daling hinila ni Scarlett palayo sa lugar na iyon ang kaibigan. Samantalang ramdam pa rin niya ang panlalamig ng mga kamay, at ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Pero gusto na niyang tumili sa kilig. "Nag-eye-to-eye kami, girl. Sayang! Hindi mo nakita!" hindi napigilang tili ni Scarlett nang sa wakas ay makalayo sila sa congregating area. "Sus! Gumana na naman 'yang imagination mo, 'te," tugon ni Faith na halatang hindi naniniwala. Sanay na kasi ito sa pagiging ilusyunada niya. "Pero hindi ngayon. It really happened!" giit ni Scarlett. Hindi pa rin naniniwalang hinamon siya ni Faith. "Sige nga, kawayan mo siya." "Of course, I won't do that. Tama na 'yong nagkatinginan kami, 'no. Kumpleto na ang araw ko." "Okay. Maniniwala na lang ako sa'yo kaysa naman sirain ko pa ang araw mo," nakangiting biro na lang sa kaniya ni Faith. Bago sila tuluyang lumayo sa lugar na iyon ay tinapunan pa ng tingin ni Scarlett si Brayden, na noo'y abala pa rin sa pagkanta at pakikipagharutan sa girlfriend nito. Gusto sana niyang maniwala kay Faith na nagha-hallucinate lang siya, kung hindi lang niya nararamdaman ang lakas ng t***k ng kaniyang puso hanggang ngayon. Well, hindi masama ang umasa. Hindi nawala sa isip ni Scarlett ang nangyaring iyon hanggang sa matapos ang maghapon. ********* Mag-isa lang si Scarlett na naglalakad sa parking lot para kunin ang sasakyan nang may marinig siyang tila nag-aaway. Nagkubli siya sa isang poste para alamin kung sino ang nagtatalong iyon. Pamilyar kasi sa kaniya ang mga boses kaya na-curious ang dalaga. Napanganga si Scarlett nang makita sina Brayden at Lilian. Mukhang may matinding pinag-aawayan ang dalawa. Nagulat pa siya nang pagalit na umalis ang babae at naiwan namang iiling-iling si Brayden. Hindi niya napansin ang trash can sa kaniyang likuran kaya naatrasan niya iyon at lumikha ng ingay. Napatutop sa bibig si Scarlett nang mapalingon ang binata sa kaniyang kinaroroonan. Dahan-dahan siyang gumapang papunta sa likuran ng kaniyang kotse para ikubli ang sarili. Pero napahinto sa paggapang ang dalaga nang dumagundong ang boses ni Brayden. "Are you following me?!" "Ay, kabayo!" Gulat na gular na bumuwal sa lupa si Scarlett. Para siyang nilamon nang magkagalong kaba at nerbiyos nang makita si Brayden na nakatayo sa kaniyang paanan. Huling-huli siya. And darn! Super guwapo talaga nito kapag malapitan. Walang maisip na isasagot o palusot si Scarlett kaya nahihiyang tinitigan na lang niya ang binata. "Sinusundan mo ba ako?" pag-uulit ni Brayden. Salubong ang mga kilay. "Of course not!" sa wakas ay depensa ng dalaga. Umangat ang isang sulok ng labi ni Brayden. "Eh, anong ginagawa mo rito? Pinakinggan mo ba ang usapan namin ni Lilian?" Tumigil ito at kinilatis siya. "Ikaw din 'yong babaeng kumuha sa'kin ng picture kanina sa congregating area, ah." Feeling ni Scarlett ay tumigil sa pag-ikot ang mundo niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba dahil totoo pala talaga ang nangyari kanina. Hindi siya nag-hallucinate lang. Pero nakakahiya dahil nahuli pala siya ni Brayden na kinukuhanan ito ng picture. "H-hindi!" kabado pa ring pagtatanggi ni Scarlett. Wala siyang balak na umamin. Nakakahiya, 'no. "N-natural, nandito 'yong car ko kaya talagang pupunta ako rito. Saka bakit naman ako makikinig sa usapan n'yo ni Lilian?" Kailangan niyang umisip ng magandang palusot. Hindi puwedeng malaman ni Brayden ang baliw niyang pag-ibig. Hindi siya puwedeng magpadala ngayon sa pamatay nitong kaguwapuhan. "And besides, student rin ako rito kaya malamang ay makikita mo talaga ako na pakalat-kalat dito sa loob ng campus. I can go anywhere I want. Ang kapal naman ng mukha mong pagkamalan akong stalker," depensa ni Scarlett na pilit pinapatatag ang boses. "S-saka bakit naman kita kukuhanan ng picture? Artista ka ba?" Nang-uuyam na tumawa si Brayden."Talaga lang, ha? Eh, ngayon, bakit kailangan mo pang gumapang at magtago sa likod ng kotse kung wala ka namang ginagawang masama?" "H-hinahanap ko ang...ring ko. Tama...yong singsing ko na nahulog!" Pasalamat siya at mabilis gumana ang kaniyang utak. Kaagad na umakto si Scarlett na may hinahanap sa ilalim ng kotse niya. Kiber kung nakatuwad man siya sa harapan ni Brayden. Ang importante ay hindi siya nito mabuking. "Baka gusto mong tulungan pa kita?" may naulinigan siyang amusememt sa boses ni Brayden nang tanungin siya nito Pero alam ni Scarlett na gusto lang siya nitong asarin. Obvious na huling-huli na ni Brayden ang mga palusot niya pero sinasakyan lang nito. Nakipagmatigasan si Scarlett. Pinanindigan niya ang ginawang palusot. "N-no, thanks. I've found it already," aniya at kunwaring may pinulot sa ilalim ng sasakyan. Bumilis ang t***k ng puso ni Scarlett nang tumawa ng pagak si Brayden. "Ang bilis, ha." "B-baka puwede na akong umalis?" pag-iiwas ni Scarlett. Tumayo siya at unti-unting umatras, habang nakatingin pa rin kay Brayden. Ngumisi ito ng nakakaloko. "Yeah, sure. Next time, just mind your own business, okay? O di kaya, galingan mo sa pag-stalk," makahulugang sabi ni Brayden bago talikuran. Naiwan namang tulala si Scarlett. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging encounter nila ni Brayden. Hindi napigilan ng dalaga ang mainis kay Brayden dahil sa kasungitan nito. Pero slight lang naman. "Hmp! Arogante. Kung hindi lang kita crush eh. Saka assuming naman siya. Wala naman talaga akong narinig sa pinag-usapan nila, eh," bubulong-bulong na sabi ni Scarlett sa sarili. Pero balak mo sana. Nahuli ka lang. Kontra naman ng kaniyang isip. Padabog na binuksan ni Scarlett ang kaniyang kotse. Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyaring engkuwentro sa pagitan nila nila ni Brayden. Kikiligin sana si Scarlett kung hindi gan'on ang nangyari. Kaso mukhang na bad shot sa kaniya ang binata at ang mas malala pa ay napahiya siya sa harapan nito. Kung bakit kasi nagkubli pa siya. Reasonable naman kahit makita siya nito sa parking area. Hindi tuloy naging maganda ang tulog ni Scarlett ng gabing iyon. At hindi na rin siya dinalaw ni Brayden sa panaginip niya. Siguro ay talagang nagalit ito sa ginawa niya. Wala na rin siyang balak pang ikuwento kay Faith ang nangyari dahil siguradong pagtatawanan lang siya nito sa kapalpakang ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD