CHAPTER 5: Delavegas Place

1570 Words
Sheila Napahagulgol ako kasabay nang paghihina ng mga tuhod ko. Bumigay ang mga ito hanggang sa tuluyan na akong mapasalampak sa sahig. "P-Paano? Paano nangyari 'to? B-Bakit? Bakit mo ginawa sa akin 'to?" Napasapo ako sa dibdib ko nang manikip ito ng husto. Nangatal ang buong katawan ko at naghalo-halo na ang nararamdaman ko. "Mama!" Napalingon ako kay Jr na tumakbo palapit sa akin. "A-Anak..." Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit. Mas lalong bumugso ang damdamin ko at sumabog ang mga luha ko sa pisngi. Paulit-ulit na nanariwa sa isipan ko ang hitsura ni Darell ngayon sa television. Ang napakalaking pagbabago sa kanya ngayon, sa hitsura niya at pananamit. Parang hindi na siya ang lalaking nakilala ko. Parang hindi na siya ang dating Darell na naging boyfriend ko. Ang lalaking minahal ko. Ibang-iba na siya ngayon. Nagsinungaling lang ba siya sa akin? Hindi talaga siya nagpunta ng Dubai? Pinlano niya lang talaga akong iwan. Prank lang ba lahat ng pangarap naming dalawa? Pagkukunwari lang talaga ang lahat ng 'yon. Bakit? Anong nagawa ko para gawin niya sa akin 'to? Sana sinabi niya na lang sa akin ang totoo. Hindi na sana pa ako umasa at naghintay sa kanya! Sinabi na lang niya sana sa akin na hindi na niya ako mahal at kailangan na niya akong iwan! "Mama... Iyak ka, mama?" Napatitig ako sa kaawa-awa kong anak. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi na patuloy sa pag-agos. "O-Okay lang si mama. Okay lang ako," sagot ko sa kanya ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang mapahagulgol sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko sa mga sandaling ito. Hindi ko mapaniwalaan ito. Paano mo nagawa sa akin 'to, Darell? May anak tayo. Hindi mo man lang nalalaman na nagbunga ang isang gabing pag-angkin mo sa akin. "Shei! Sheila!" Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at bumungad ang humahangos kong kaibigan. Si Lala. Ngunit napahinto din siya at napatitig sa aming mag-ina. Lumipat din ang paningin niya sa nakabukas naming t.v ngunit natapos na ang balita at nasa commercial na ito ngayon. "N-Napanood mo na?" tanong niya at ramdam ko pa ang pag-aalangan sa tono niya. Tuluyan na rin siyang pumasok dito sa loob at lumapit sa amin ni Jr. Napayuko ako at hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong lumuha. "Apat na taon. Apat na taon na simula noong iwan niya 'ko. Ni hindi man lang niya ako naisip na balikan o kahit silipin man lang. Hindi man lang ba siya nakunsensiya?! Alam ba niyang wala na rin si lola?!" "B-Baka naman may dahilan siya." "Ano?! Sabihin mo sa akin, ano?! Nakalimot ba siya?! Nabagok ba ang ulo niya at tinamaan ng amnesia?! Tinamaan siya ng magaling!" "Mama..." Napayuko ako sa anak ko nang magsimula na rin siyang humikbi habang nakatitig pa rin sa akin. "Sorry, anak. I'm sorry." Hinagod ko ang likod niya hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. "Kahit ako, hindi rin makapaniwala. Naririto lang pala siya sa Pilipinas... Pero alam ko kung gaano ka ka-mahal ni Darell. Inihabilin ka pa nga niya sa akin noon bago siya umalis. Ang dami-dami pa niyang sinabi. Totoo naman 'yong recommendation niya, 'di ba? Nakita mo naman 'yon, 'di ba? Nakita ko rin 'yon dahil sa sobrang saya niya na natanggap siya sa Dubai. Paano niya magagawang magsinungaling at umarte ng gano'n kung kasinungalingan lang ang lahat ng 'yon? Ang galing naman niya. P'wede na siyang artista, kung gano'n. At saka, my gosh. Bata ka pa lang, mahal ka na niya." "Hindi ko alam. Hindi ko na alam." Paulit-ulit akong umiling sa kanya. "Anong gagawin mo ngayon?" "Hindi ko alam. Hindi ko alam!" Muli akong napahagulgol ng malakas. Mas lalo lamang tumitindi ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Napalitan lang lalo ng galit ang hinanakit na naipon sa dibdib ko simula noong hindi na siya magparamdam sa akin. "Hindi ko maintindihan paano niya nagawa sa akin 'to?" "Ano kaya kung puntahan mo siya? Harapin mo siya. Hingin mo ang paliwanag niya." "Kung may plano pa siyang balikan ako, sana'y noon pa niya ginawa! Nakita mo ba siya sa tv? Ang lakas-lakas niya! Wala naman siyang sakit! Hindi naman siya bulag o lumpo! Nakarating pa nga sila ng Palawan at nagpasarap doon!" "So, ano? Ganito na lang kayo? Paano si Jr?" Hindi ako nakasagot dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Puno ako ng mga samo't saring katanungan at gulong-gulo ang isipan ko. "Pag-isipan mo ng mabuti, lalo't may anak na kayo. Karapatan niyang malaman ang tungkol kay Jr. May karapatan din ang bata sa kanya." "Paano kung hindi niya tanggapin? Ni hindi nga niya alam na buntis na ako bago pa siya umalis." "Hindi mo malalaman kung hindi ka kikilos. Sasamahan ko kayo. Tutulungan ko kayo. Dapat nga ay ngayon ka mas lalong maging malakas dahil nalaman na natin na buhay pa pala siya at naririto lang siya sa malapit. Kaysa sa naghahanap tayo at naghihintay sa kawalan." "Hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin?" "Susuyurin natin ang buong siyudad. Wait, si Dave. Baka matulungan niya tayo." "Hindi ako sigurado. At saka, nahihiya na ako sa kanya." "May malasakit naman siya sa inyong mag-ina kaya siguro naman ay tutulungan niya kayo. Hindi naman na siya nagpaparamdam sa iyo ng damdamin na katulad ng dati, 'di ba? Baka nga may jowa na 'yon ngayon, hindi niya lang sinasabi sa atin. Sana ako na lang." Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin alam. Masyadong misteryoso ang taong 'yon. Nahihiya na talaga akong humingi pa ng tulong sa kanya, sa dami na nang nagawa niya sa aming mag-ina. Dinaig pa niya ang tatay ni Jr. Samantalang 'yong ama niya, ang sarap lang putulan ng ari! "Tigilan mo na ang kaiiyak. Ano bang niluluto mo? Ako na nga ang magtutuloy." Nagtungo na sa kusina si Lala at siya na ang nagtuloy nang pagluluto ko. Buong oras lang akong nakatulala sa kawalan. Masaya akong malamang buhay pa pala siya. Pero nandito sa dibdib ko 'yong pait at labis-labis na hinanakit ko sa kanya. Siguraduhin mo lang na may maganda kang dahilan, Darell. Dahil kung hindi, tuluyan na kaming lalayo sa iyo ng anak mo. Hinding-hindi mo siya makikilala kahit kailan! *** KINABUKASAN ay maaga kong tinawagan si Dave. Ni wala nga akong tulog buong magdamag. Namamaga at nangingitim ang palibot ng mga mata ko sa kaiisip kay Darell at sa mga ginawa niya sa aking 'to. Tama si Lala. Kailangan ko siyang mahanap at marinig ang paliwanag niya. Dahil hinding-hindi ako matatahimik kapag hindi ko ito ginawa. Napatanaw ako sa labas ng bintana nang marinig ko ang hugong ng sasakyan ni Dave. Naabala ko na naman siya. Kaagad ko nang binuksan ang pinto kahit lumalabas pa lang siya ng kotse niya. Natutulog pa sa mga oras na ito si Jr dahil masyado pang maaga. "Beautiful morning," nakangiti niyang bati sa akin. Naglalakad pa lang siya palapit dito sa gate namin. Naka-business suit na rin siya ngayon. Siguro'y papasok na rin siya sa trabaho niya. "Good morning. P-Pasensiya na kung inistorbo na naman kita. Okay lang naman sa akin kahit anong oras ka pumunta. Tuloy ka." Pinagbuksan ko siya ng gate at pinapasok siya dito sa loob. Sanay na rin naman siyang labas-masok dito sa bahay namin, lalo't siya naman ang bumili nito. Napakalaki rin ng tiwala ko sa kanya. "May problema ba? Did something happen? Where's Jr.?" "Natutulog pa. Okay lang naman kami." "You're not." "H-Ha?" Napatitig siya sa aking mga mata. Napayuko naman ako nang maalala ko ang mga mata ko. "Who the f**k made you cry?" "Ahm, D-Dave..." Hindi ko pa man nasasabi ay hayan na naman ang pamamalisbis ng mga luha ko. "Hey. Tell me. My fist will not forgive him." Lumapit siya sa akin at hinila ako patungo sa dibdib niya. Doon na naman nagsimulang yanigin muli ang dibdib ko na punong-puno nang pighati at pagkamuhi para sa lalaking pinaglaanan ko ng buong buhay ko at pag-ibig ko. "N-Nakita ko siya. B-Buhay siya, Dave. Buhay siya!" Tuluyan na akong napahagulgol sa dibdib niya. "Sssh... Alright, just cry. After that, take a deep breath." Hinagod niya nang paulit-ulit ang likod ko. Ibinuhos ko naman ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib niya. At nagpapasalamat ako dahil may mga tao pa rin na handang makinig at tumulong sa akin. Na kahit may mabibigat na pangyayaring dumaan sa buhay ko ay naririyan pa rin sila para sa akin. Hindi pa rin ako pinababayaan ng Diyos. "Anong gusto mong gawin natin?" Kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan ko ang basa kong pisngi. "G-Gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman ang dahilan niya." "Are you going to tell him about Jr.?" "Hindi ko pa alam. G-Gusto ko munang makausap siya ng kaming dalawa lang. Hindi ko na muna isasama si Jr." "Alright. Get dressed. I'll take you to him." "Ha?" Bigla akong napatingala at napatitig sa kanya. "A-Alam mo kung nasaan siya?" "He's a Delavega, isn't he?" Napatango ako sa tanong niya. "N-Napanood mo rin ba?" Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang may kakaiba akong nababasa sa mga mata niya. May talim na hindi ko maintindihan. "Yeah. I saw his brothers too." Napatango-tango ako sa sinabi niya. Matataas, mayayaman at sikat na mga tao ang mga kapatid ni Darell. At hindi nga malayong alam ng karamihan kung saan sila matatagpuan. "S-Sige, magbibihis lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD