bc

Fighting for my Billionaire's Son: Darell Gil Delavega

book_age18+
39.1K
FOLLOW
243.0K
READ
billionaire
pregnant
maid
single mother
drama
bxg
city
poor to rich
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

[WARNING! SPG! MATURE CONTENT]

Piniling ilihim ni Sheila sa nobyo niyang si Darell ang tungkol sa pagdadalan-tao niya nang mabalitaan niya mula dito na nakapasa ang application nito patungong Dubai.

Alam niya kung gaano kataas ang pangarap ng nobyo niya para sa kanilang dalawa kaya minabuti niyang itago na lamang ang pagbubuntis niya upang hindi ito masira.

Ngunit matapos nitong makaalis ay hindi na ito nagparamdam pa at tila bula itong bigla na lamang naglaho. Mag-isa niyang binuhay ang kanyang anak habang patuloy siyang naghihintay sa kanyang nobyo kahit wala nang kasiguraduhang babalikan pa sila nito.

Ngunit makalipas ang tatlong taon ay bigla na lamang niya itong napanood sa isang news sa television. Ikinagulat niya ang bago nitong anyo, mula sa isang simpleng lalaki na ngayon ay mas tumingkad pa ang kaguwapuhan dahil sa suot nitong amerikana, mamahaling pantalon, sapatos at mga alahas sa katawan.

At ang mas ikinawindang niya ay ang sinambit ng isang tv host na ito ay isang anak ng kilalang bilyonaryo sa bansa.

Gano'n na lamang ang pagtulala niya at pag-aakalang tinraydor siya ng sarili niyang nobyo.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Pregnancy Test
Sheila "D-Dalawang linya," naibulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa pregnancy test na hawak ko. Kumakabog ng husto ang dibdib ko sa magkahalong kaba at excitement. Buntis ako at magkakaroon na kami ng anak ni Darell. "Oh, Diyos ko." Sa sobrang saya ko ay nahagkan ko nang paulit-ulit ang pregnancy test na hawak ko. Blessing ito para sa amin ni Darell. Mahirap man ang buhay, kakayanin ka naming itaguyod ng 'yong ama, anak. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa toilet bowl at saka humarap sa salamin. Marahan kong hinaplos ang puson kong impis pa lamang. Nakangiti kong pinagmasdan ang sarili ko. Sabog-sabog pa ang buhok ko dahil kababangon ko pa lamang mula sa higaan at wala pa akong anumang hilamos. Isang linggo na ang nakalilipas simula nang makaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko at kahapon ko lang na-realize na dalawang linggo na pala akong delayed. Isang beses pa lang naman naming sinubukan ni Darell, noong malasing siya sa birthday ng isa niyang barkada pero heto, nabuo kaagad. Kaagad ko nang itinago ang pregnancy test sa bulsa ko at saka inayos ang sarili ko. Siguradong nasa welding shop na ni Mang Augustin si Darell sa mga oras na ito at mamaya pang hapon siya uuwi sa inuupahan niyang apartment. Mag-isa lamang na namumuhay si Darell dito sa siyudad dahil ang kanyang ina ay isang OFW sa Saudi. Ang ama naman niya ay patay na raw ayon sa kanyang ina. Inatake daw ito sa puso noong siya ay ipinagbubuntis pa lamang. Ako naman ay tanging si Lola na lamang ang kasama sa buhay dahil iniwan ako ng mabait kong ina noong dalawang taong gulang pa lamang ako at sumama siya sa ibang lalaki. Nabuntis lamang si Nanay ng isang kaibigan niya na hindi na rin namin alam ngayon kung nasaan kaya't heto ako ngayon, hindi makapag-aral ng maayos dahil hirap sa buhay at tanging pagtitinda lamang ng mirienda sa harap ng barong-barong namin ang tanging ikinabubuhay namin ni Lola. Pero pareho kaming nag-iipon ni Darell nang pakaunti-kaunti dahil pangarap pa rin naming makatuntong sa college. High school pa lang kasi ang natatapos naming dalawa. Bente dos anyos pa lamang siya at ako naman ay bente-uno. Anim na taon na ang aming relasyon at sinagot ko siya noong mag-graduate siya sa high school, bilang regalo ko daw sa kanya. Samantalang ako noon ay kinse anyos pa lamang at third year high school. Sa loob ng anim na taon na 'yon ay babae ang palagi naming pinag-aawayan. Masyado kasing guwapo si Darell at malakas ang appeal hindi lang sa mga babae, gano'n na rin sa mga bakla! At ngayon ay buntis na ako, hmp! Mas malakas na ang panlaban ko at hinding-hindi na talaga sila p'wedeng lumapit pa sa Darell ko! Ingungudngod ko silang lahat sa kalsada at palalamunin ng alikabok! Lumabas na ako ng banyo. Nabungaran ko naman si Lola na abala sa pagbabalat ng hinog na saging sa mesa. Mamaya ay dudurugin ko 'yan para gawing maruya na ititinda ko sa labas ng barong-barong namin. "Oh, mag-almusal ka na. May lugaw at itlog pa d'yang tira," ani Lola na saglit lang lumingon sa akin. "Opo, Lola." Napakagat-labi ako. Ang problema ko ngayon ay kung paano ko sasabihin kay Lola na buntis ako. Natatakot ako sa sermon niya. Kilala naman niya si Darell at tanggap niya 'yon kaya lang, napakahirap pa nga ng buhay namin sa ngayon. Napahinga ako ng malalim. Saka ko na lang siguro sasabihin. ALAS TRES ng hapon at abala na ako sa paninda kong mirienda sa tapat ng barong-barong namin ni Lola. May maruya, turon, banana que at palamig. Marami rin ang bumibili dahil ma-tao sa lugar naming ito lalo't iskwater area itong aming tinitirahan. "Thank you, Ate. Ang sarap niyo talaga magluto ng maruya!" puri ng isa sa mga customer kong dalagita. "Salamat din! Bili kayo ulit bukas, ha?" Matamis ko silang nginitian. Siyempre, dinurog ko 'yan gamit ang mahiwaga kong kamay na galing sa banyo! Charot lang. Naghugas at sabon naman ako, no. "Sheila! Whoa!" Napahawak naman ako sa dibdib ko at halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Darell. "Darell! Bakit ang aga mo? Ginulat mo naman ako." "Mahal, may good news! Whoa! Matutupad na ang pangarap natin!" "H-Ha?" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at binuhat hanggang sa magpaikot-ikot na kami sa gilid ng kalsada! Nagtitinginan na tuloy sa amin ang mga kapitbahay naming tsismosa. "Whoa! Makakapag-aral na tayo ulit, mahal ko!" "H-Ha? T-Teka, may good news din ako!" "Meron ka din?" Saglit naman siyang natigilan at napatitig sa akin. "Ibaba mo muna ako." Kaagad niya rin naman akong ibinaba. Napansin kong may hawak siyang brown envelope. "Anong good news mo?" tanong niya habang bakas ang walang kapantay na kasiyahan sa hitsura niya. "Ikaw muna, anong good news mo at saka ano 'yan? Bakit may envelope kang dala?" Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at mabilis akong hinalikan sa labi. Nailang naman ako dahil nakatanga sa amin ngayon ang mga kapitbahay namin! "Nakapasa ang application ko sa Dubai. Makakapag-aral na ulit tayo. Magiging Architect na ako, Mahal ko. Whoa!" Muli niya akong pinupog ng halik sa mukha ko. Ako naman ay nagulat at hindi nakagalaw habang nakatingala sa kanya. "D-Dubai? N-Nag-apply ka sa Dubai? B-Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Biglang nanikip ang dibdib ko sa gulat at sa hindi malamang takot. "Surprise kasi, Mahal. Sinubukan ko lang kung matatanggap ako doon bilang welder. Hindi pa naman kasi ako sigurado pero dumating kanina 'yong recruiter at sinabing nakapasa ako! Whoa! Ang saya ko talaga!" Muli niya akong niyakap ng mahigpit. Ako naman ay hindi pa rin makagalaw at hindi makapaniwala. Magkakahiwalay pala kami kung gano'n. "Habang nandoon ako, ikaw na muna ang mag-aaral dito, okay? Pagtapos mo, ako naman. Sigurado namang sasapat na sa atin ang sasahurin ko doon sa ilang taon kong pananatili do'n. Magbabakasakali rin akong makakuha ng part time job doon para pangdagdag sa ipon natin." Bakas sa hitsura niya ang sobrang kaligayahan at excitement. Hindi pa rin ako maka-imik at napakurap na lamang ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. "Oh, bakit parang hindi ka masaya? Anong masasabi mo? Heto na, matutupad na 'yong mga pangarap natin. Ito 'yong gusto natin, 'di ba? Ang makatapos. Teka, ano ba 'yong good news mo?" "H-Ha? T-Teka, n-nakalimutan ko na tuloy. Nadala kasi ako sa iyo eh, pero m-masaya ako, Mahal. Oo, m-matupad na ang pangarap natin." Napakuyom ng mahigpit ang kamay ko sa pregnancy test na nasa bulsa ng suot kong short. Muli niya akong niyakap at hinagkan sa labi. Paano ko pa ito sasabihin sa kanya ngayon? Baka ma-disappoint siya at natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Sa aming dalawa ay siya ang may pinakamataas na pangarap. Aksidente ang nangyari sa amin noong nakaraang buwan dahil lasing siya. Sa tingin ko nga ay iniingatan niya talaga na walang mangyari sa aming dalawa dahil ang pangarap niya ang priority niya sa ngayon. Kung sasabihin ko ito sa kanya ngayon, makakaasa ba ako na tatanggapin niya ito at mas uunahin kaysa sa pangarap naming dalawa? Natatakot na ako. "Celebrate tayo? Kain tayo sa labas kahit ngayon lang," masaya niyang sabi kasabay nang pag-akbay niya sa akin. "S-Sige. P-Paubos na rin naman itong paninda ko." Napakagat-labi ako. Itatago ko na lang muna ito at saka ko na lang sasabihin sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook