Sheila Pagdating namin ng bahay ay hindi naman ako nakakilos. Nakatulala lang ako sa loob ng kuwarto namin ni Jr. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang paghaharap namin kanina ng babaeng 'yon. Hindi ko inakalang siya rin ang babaeng nakabungguan ko noon sa harap ng gusali ng mga Delavega. Natatandaan ko pa 'yong mga sinabi niya noon sa akin. 'Yong mga pagkaing dala niya noon ay para raw sa boyfriend niya. At si Darell na pala ang tinutukoy niya noon. Naninikip ang dibdib ko at halo-halo na naman ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nandito na naman 'yong sakit sa dibdib ko. Hindi ko matanggap na nagkaroon ng ibang babae ang boyfriend ko bukod sa akin. At hanggang ngayon ay naririyan pa rin siya. Natatandaan ko na, Lorna rin ang pakilala niya sa akin noon. At 'yong reaksiyon niya no