Sheila Hatinggabi na pero wala pa rin si Darell. Alas dos na ng madaling araw at sobra na akong nag-aalala sa kanya. Hindi ako makatulog, samantalang si Jr ay mahimbing nang natutulog sa kama namin. Ilang beses ko nang sinubukang tawagan siya ngunit out of coverage ang number niya. Saan na ba kasi siya nagpunta? Naisipan kong lumabas ng silid at bumaba sa sala. Ilang ilaw na lamang ang hinyaan kong nakabukas sa ilang sulok nitong unit. Nagtungo ako sa pinto at binuksan ito. Sumilip ako sa labas. Wala namang tao ang hallway. Tahimik din ang mga pinto ng mga kapatid niya. Naririyan na kaya sila ngayon? Siguro ay wala pa rin. Baka magkakasama din silang uuwi. Muli ko nang isinara ang pinto. Nagtungo ako sa sala at nahiga sa sofa. Nagpabaling-baling lang ako doon. Kung ano-anong pos