Sheila KINABUKASAN ay maaga akong nagising para mag-asikaso ng almusal. Nasabi kasi sa akin kagabi ni Darell na may klase siya ngayong araw. Kailangan niyang maghabol dahil tatlong araw na raw siyang absent. Nag-aaral pala siya ngayon at architecture talaga ang kinukuha niyang course, katulad din nang pangarap niya noon. Hindi niya rin daw alam, basta naramdaman na lang daw niya na 'yon ang gusto niyang kunin sa college. Nakakatuwa. Masaya na ako para sa kanya. Sana ay maka-graduate siya. Ako ang kauna-unahang magiging proud para sa kanya. Pangarap kasi talaga niya 'yon kaya nga siya nagtrabaho sa Dubai para sa mga pangarap naming dalawa. Ako naman ay ayos na sa ganito. Naririyan naman na siya at si Jr sa buhay ko. Sapat na sa akin 'yon. Ako na ang pinakamaligayang tao sa buong mundo.