Sheila Muling tumunog ang doorbell at muli rin itong binuksan ni Darell. Bumungad muli sa labas ang mga utusan niyang taong kumuha kanina kila Jr at Lala sa bahay. May sinabi ang mga ito kay Darell na kaagad din namang tinanguan ng isa. Hindi ko na naintindihan pa dahil masyado itong mahina. Muli rin niyang isinara ang pinto at naiwan ang mga tao niya sa labas. "Let's go up to the rooftop. Let's change our clothes first," aniya sa akin bago siya naglakad palapit sa hagdan buhat si Jr. "Ha? Anong gagawin natin do'n?" Ibinaba ko nang muli ang bag ko sa sofa. Bitbit ko naman na ang susi ng bahay namin ni Jr. "Let's test Jr's car." "Oh," napa-O naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay naririyan na ang car ni Jr.? Ano namang klaseng car 'yon? Bakit nasa rooftop pa? P'wed