Sheila Mahina akong tumighim bago tuluyang lumapit sa kanila. Kaagad din namang lumingon sa akin si Darell. "E-Eto na. Ibabalot ko lang sa towel." Ibinaba ko sa mesang naririto ang ice cube tray bago ko inilatag ang towel sa tabi nito na mayroon nang ilang tupi. "There's an ice pack bag in a kitchen drawer." "Ha? Eh, hindi ko alam, eh. Okay na 'to." Itinaktak ko ang mga ice cube sa towel bago ko ibinalot ng makapal. Pinilipit ko ang dulo nito upang hindi sila mangalaglag. Tumayo na ako at marahan itong inilapat sa ulo ni Jr kung saan naroroon ang bukol niya. "Mig, mama," ungot ng anak namin pero hindi naman siya kumilos mula sa pagkakasandal niya sa balikat ng Papa niya. Bahagya niyang iminulat ang mga mata niya ngunit kaagad din niyang ipinikit. "Para gumaling kaagad ang bukol. M