Sheila "A-Anong..." Hindi niya matuloy-tuloy ang nais niyang sabihin. Titig na titig siya sa akin na tila hindi makapaniwala at patuloy sa pagtulo ang mga luha niya sa pisngi. "Ano? Nagulat ka ba? Siyempre, hindi mo inaasahang ako ang sasagot sa tawag mo sa boyfriend ko. Boyfriend ko na inagaw mo." Mahigpit kong pinigilan ang matinding galit na nararamdaman ko sa dibdib ko sa mga sandaling ito. Hindi naman siya sumagot. Patuloy lang siya sa pag-iyak niya. "Kilala mo 'ko, 'di ba? Kilala mo 'ko! Natatandaan mo ba noong una tayong magkita? Noong nakabanggaan kita sa harap ng gusali ng mga Delavega. 'Yong reaksiyon mo noong makita mo 'ko, alam kong kilala mo 'ko! Nagulat ka! Alam mong ako ang tunay na girlfriend ni Darell!" Umiling siya ngunit hindi pa rin siya sumagot. "Harapin mo 'ko