Sheila "A-Ako na." Muli kong inagaw mula sa kanya ang kamay ko nang hawakan niya itong muli. Nakahanda na ang band-aid sa isa niyang kamay. Kinuha ko ito at ako na ang naglagay nito sa sugat ko. "So ... girlfriend ka na talaga ni kuya bago siya magtungong Dubai?" tanong niya habang nagsusuot na siya ngayon ng rubber gloves sa mga kamay niya. Nakuha niya iyon sa isang cabinet. Hindi ko naman siya kaagad sinagot. "How old is your son?... I don't have any doubts 'cause they almost have the same face." "Three," sagot ko naman sa kanya. "Sumasagot ka naman pala. Akala ko maigsi ang dila mo, eh." Inisa-isa na niyang ipusin ang mga bubog sa sink. Inipon niya itong lahat sa malaking parte ng bubog ng baso bago niya inilagay sa garbage can. Natapos ko namang idikit ang band-aid sa sugat ko.