Darell Pagpasok ko sa loob ng condo unit ko ay si Lorna kaagad ang nabungaran ko sa sala. She was busy from tapping her phone. But I immediately grabbed her attention. "Darell! Nandyan ka na pala." Kaagad siyang tumayo at sumalubong sa akin. I took off my shoes and put them on the shoe rack. Isinuot ko naman ang slippers ko. "Saan ka galing? Kanina pa kita tinatawagan." She kissed my cheek. "At Church." I faced her and my eyes simply wandered all over her. Napapaisip na lang ako... Sino ka nga ba talaga? "Oh, nagsimba ka pala? Hindi mo man lang ako isinama." Sumimangot siyang bigla. "Napadaan lang." I turned my back on her. Hindi ko alam kung bakit wala akong kagana-gana ngayong harapin siya. "Eh, saan ka ba nanggaling?" Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. "Mansion." That's m