Darell Bigla akong nabalik sa reyalidad nang may isang parang ginuyumos na papel ang tumama sa mukha ko. Napaayos akong bigla nang pagkakaupo sa swivel chair ko at napatingin sa mga kapatid kong nagbubungisngisan sa harapan ko. We are currently here in the conference room. "Ilan ang natira mo kagabi?" Darren asked me. "Pardon?" Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Daemon suddenly laughed while staring at me. "I'll guess. Una, hindi ka pinatuloy ni Lorna sa pinto ng langit kagabi. Pangalawa, nabasted ka ng ibang babae," aniya na siyang ikinatitig ko sa kanya. Bakit parang may alam siya sa pangalawa? Muli namang naghalakhakan ang mga anak ng tikbalang kong mga kapatid. "f**k off." Mabilis ko ring dinampot ang ginuyumos na papel sa mesa at ibinato sa mukha ni Daemon. Mabili