CHAPTER 16: PANGUNGULILA

1878 Words

Sheila "I-Inumin mo 'tong mainit na tubig." Inalalayan ko siya na bahagyang makabangon at ipinainom sa kanya ang maligamgam na tubig na nasa tasang hawak ko. Sinubukan din naman niyang uminom ngunit halos sumayad lang ang tubig sa mga labi niya. "Pilitin mong uminom. Inumin mo na rin 'tong gamot para mawala 'yang panlalamig mo. Maya-maya mawawala na rin 'yan." Ibinaba ko muna sa isang tabi ang tasa bago ko binuksan ang lagayan ng paracetamol gamit lang ang isa kong kamay. "Sakit ulo niya, mama?" tanong naman ng anak namin na hanggang ngayon ay naririto pa rin sa tabi niya. "Oo, anak. Nagpasaway kasi siya. Kaya 'di ba, sinasabi ko sa iyo palagi na bawal magpapaulan kasi magkakasakit. Ah, inumin mo 'to." Isinubo ko na sa bibig ni Darell ang gamot. Kaagad din naman niya itong tinangg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD