Sheila Napatingin ako kay Darell nang bigla siyang bumahin habang nagmamaneho ng sasakyan niya. "Sorry," aniya bago siya humugot ng isang panyo mula sa bulsa niya. Itinakip niya ito sa ilong niya. "Mama, uwi na po tayo?" Napayuko ako kay Jr sa tanong niyang 'yon. "Oo, anak." "Gutom ako, mama." "Pag-uwi natin, magluluto kaagad si mama." Hinila ko siya at niyakap. Masyadong malamig ngayon kahit naka-off naman ang aircon nitong kotse ni Darell. Napakalakas pa rin ng buhos ng ulan sa labas. Muli akong napalingon kay Darell nang muli na naman siyang bumahin. Narinig ko pa rin ang pagmumura niya kahit pa nakatakip sa ilong at bibig niya ang panyo niya. Aksidente akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa manibela. Namumutla na ito at parang nangangatal. May sakit na yata siya. B