Sheila Umakyat nga kami sa rooftop nitong gusali. At bumungad sa amin ang napakalawak at napakagandang patio. May naggagandahang mga sofa, mga table, mga halaman. May gymnasium at may mangilan-ngilang mga tao ang nasa loob niyon. Mayroon din dito sa labas at masayang tumatambay. Nagtungo kami sa kanang bahagi kung saan may mas maluwag na espasyo. Naroroon ang ilang mga unipormadong lalaki ni Darell at ang iba sa kanila ay familiar na sa akin. Sila 'yong mga sumundo kanina kila Lala at Jr sa bahay. May isang malaking box sa harapan nila na nababalutan ng gift wrapper. "Wow! Laki regaro!" kaagad na sigaw ng anak namin nang makita niya rin ito kaagad. Huminto kami sa harapan nito. Bahagyang yumukod naman sa harapan namin ang mga tao ni Darell. "Ready ka na ba? That's your car." Ibin