Chapter 03

1907 Words
    PARANG gusto magsisi ngayon ni Allison kung bakit niya tinanggihan ang scholarship grant ng pamilya Dominguez kay Micah. Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa padalos dalos niyang pagdedesisyon. Malaki ang problema niya ngayon dahil sa susunod na buwan mag-aaral na si Micah. Iritado niyang hinalo ang cup noodles na binili na siyang lunch niya ngayon. Wala na talaga siyang budget at hindi pa siya nakakahanap ng extra work pandagdag sa panggastos nilang magtiyahin. "That's unhealthy..." Napabuga siya ng hangin ng maulinigan ang pamilyar na boses na iyon. Gusto niyang ignorahin lang ito pero hindi niya magawa dahil agaw pansin talaga ito. Pati nga yung mga estudyanteng nakatayo sa kabilang side niya pinansin ito. Ang buong akala niya makakain siya ng tahimik doon bilang walang kapayapaan sa opisinang pinapasukan niya. "Ayan na ang lunch mo? Wala ba malapit na restaurant dito para makakain ka naman ng matino," "Wala na akong pera at may malaki pa akong problema kaya hindi na ako mag-iinarte," sagot niya dito saka nilantakan na ang cup noodles sa harap niya. Tinuloy na niya ang pagku-kwenta ng mga gagastusin niya kapag tinuloy niya ang pag-e-enroll ni Micah sa school na tinawagan niya kanina. Tumataginting na limampu't libong piso ang tuition at kalahati ang kailangan niya ibigay para makapag-aral ang pamangkin. "May matutulong ba ako? It seems a big problem though," ani Jio sa kanya. "May alam ka bang pwede ko pasukang trabaho na maganda pasahod? Kailangan ko ng pera pang tuition ni Micah at para makaalis na ako sa law office na 'yon." Hindi siya aarte pa dahil simula palang feeling close na 'to sa kanya. Madami na din naman itong naitulong sa kanilang magtiyahin. Na-extend ang life span ng budget niya nung saluhin nito ang grocery expenses niya last time. Nag-insists naman siya magbayad kaso 'di nito tinanggap iyong cash niya. Nakita niya din ang wallet nito at walang cash doon at pulos card lang. "Meron." sagot nito. Agad lumiwanag ang mukha niya at hinawakan ito sa braso. "Talaga? Saan 'yan?" Excited niyang tanong dito. "Girlfriend ko." Nawala ang excitement niya at binitiwan ang braso nito. "Madali na 'yon. Hindi ka pa ma-stress sa 'kin plus I'll treat Micah like my own child," "Nevermind na lang pala. Kaya ko naman solusyunan itong problema ko," aniya dito saka bumalik na sa pagkain at pagco-compute. Binawasan niya ang savings at dinagdag iyon sa tuition ni Micah. She only needed to earn another ten thousand to complete Micah's tuition downpayment. Binukas niya ang kalendaryo sa cellphone at tiningnan kung ilang weeks pa bago deadline na binigay school para sa slot niya. Muntik na niya maluwa ang kinakain ng makitang two weeks na lang bago iyon. Nasapo niya ang noo bigla dahil doon. "Saang school ba 'yan?" "St. Martin University," "Tara i-enroll ko na si Micah. Dala mo ba requirements niya?" Kinuha nito ang kamay niya saka pinatayo siya. "Mamaya na natin pag-usapan kung paano ka makakabayad." Nagpatianod siya dito hanggang sa marating nila pareho ang sasakyan nito. Pinasakay siya nito sa shotgun saka mabilis na umikot sa driver seat pagkasara ng pintuan. Mabuti dala niya ang requirements ni Micah ngayon kaya hindi na nila kailangan pa umuwi. Inisip na lang niya na naging mabait siya nung nakaraang buhay niya kaya madami natulong sa kanya ngayon. Mamaya na lang aalalahanin ang tungkol sa pambayad sa mga utang kay Jio. Naupo siya sa bench sa harap ng admin office at inabangan si Jio na matapos makipag-usap sa nag-process ng application ni Micah. Kakilala pala nito iyon kaya madali lang ang naging proseso at higit sa lahat naka-discount pa sila. Tinago niya ang resibo ng binayaran ni Jio para naman may reminder siya na may utang na kailangan niya mabayaran. Solve na ang isa niyang problema at may isa pa. Kailangan niya ng bagong trabaho na maganda ang sahod at hindi gaano stressing ang environment. Meron pa kaya 'non? Malalim siya napabuntong hininga. Tapos naman siya sa kolehiyo sa kursong Political Science at hindi lang siya nakapagtuloy sa law school dahil sa biglaang pagkamatay ng kuya Nero niya. Kaya paralegal ang trabaho niya kaso buong law office naman ang umaasa sa kanya. Tapos lakas pa laitin ang pagiging single parent niya kay Micah. Kanina nilinaw niya kausap ni Jio ang tungkol sa relasyon ni Micah sa kanya at kung ano nangyari sa totoong mga magulang nito. SMU doesn't know how to degrade or bully students that's why she choose that school for Micah. Mataas ang pangarap niya para sa pamangkin at ginagawa niya iyon para kuya Nero niya. Kasihodang kalimutan na niya ang sarili para lang mapunan ang pangangailangan ni Micah. Gano'n niya ito kamahal at walang maaring umapi dito dahil makikipag-away talaga siya kahit hindi siya marunong lumaban. "Let's go na. Kain muna tayo sa favorite restaurant ng parents ko," "Lagi ka talagang gutom?" "Ikaw naman diet parati. Side effect 'to ng gamot ko kaya h'wag ka na magtaka," Nakwento nito nung una na naaksidente ito sa daan at umalis papuntang Atlanta para maka-recover matapos makumpleto ang therapy sessions sa bansa. May ine-intake itong gamot na para sa pain at muscle swelling pero ayos na naman daw ang paglakad nito ngayon kaysa noon. "Hindi ako mapera kagaya mo saka bago ko ikain ibibigay ko muna kay Micah." "Kaya nga gusto kita at binabalik ko iyong mga binibigay mo kay Micah," "Gutom ka na nga. Tara na, saan ba yung resto na sinasabi mo?" Pag-iwas niya saka lumakad na palabas ng admin building. Ang SMU ang pangarap niyang law school kaso wala na siyang pagkakataon na ituloy ang pangarap na maging lawyer. Hinila siya ni Jio papunta sa kabilang direksyon, iba pala yung pinuntahan niya. Akala niya kabisado na niya iyon bilang nag-tour sila doon nung nagbabalak siyang mag-law. Malapit lang iyong restaurant sa SMU kaya naglakad na lang sila. "So you want to be a lawyer?" tanong ni Jio sa kanya. Nakwento niya dito habang nag-iintay sila ng order nila ang tungkol sa pangarap niya. "Noong wala pa si Micah. Ngayon gusto ko na lang bigyan ng magandang buhay ang pamangkin ko," aniya dito. "Pwede pa naman saka SMU has scholarship grants." Alam niya ang tungkol doon dahil tinanong ba din niya iyon noon. "Micah will be happy if her tinang will continue striving for her own dreams too. Love shouldn't be selfish but it can be unconditional." "Saka na lang kapag may ipon na ako saka kapag nakabayad na ako sa 'yo." "Don't mind that. Hindi naman ako naniningil agad agad." "Syempre nakakahiya pa rin. Kailan lang ba tayo nagkilala at dahil lang iyon sa pagiging tsismoso mo," Jio laughed suddenly. "I'm not natural borne tsismoso. Na-cute-an lang ako kay Micah at nagandahan sa 'yo," "Bwisit. Tumigil ka na nga dyan," "Tell me kung kailan mo gusto mag-aral. Gagawa ako paraan para suportahan ang pangarap mo," "Wala naman eleksyon sa pagiging santo, tatakbo ka ba? Saka ano ka ba sugar daddy? Wala ka ba mapagtapunan ng pera mo kaya panay tulong mo sa 'kin?" "Daddy lang h'wag mo lagyan ng sugar pero sweet din naman ako." Tumaas taas ang kilay nito saka ngumisi. "Nanghihinayang kasi ako sa pangarap mo. I lost my dream because of the accident and I can't afford to see you loosing your dreams too." Ngayon lang ulit may nagsabi sa kanya ng mga salitang iyon. Ngayon lang uli may naging concern sa kanya dahil simula nung mamatay ang kuya Nero niya, wala nang sumusuporta sa pangarap niya. Matipid siyang napangiti saka tumingin direcho sa mga mata nito. "Being selfless doesn't make me loose my dreams Jio. Pangarap ko din 'to, yung maging nanay at si Micah ang bigay ng Diyos sa akin." "May pangarap na din pala akong bago," "Ano?" "Maging boyfriend mo at asawa." Nilamukos niya ulit ang isang tissue saka binato dito. Hindi siya maaring magpadala sa mga banat nito at pahaging. Si Micah ang priority niya at ang kinabukasan nito. ~•~•~ "TITO JIO, Tinang!" Masayang sigaw ni Micah ng makalabas ito ng apartment ni Catherine. Bumitiw ito sa kapatid saka patakbong lumapit sa kanila. Nagpabuhat ito agad kay Jio kaya habang sinalubong naman niya ang nakakalokong tingin ni Catherine. Inabot nito sa kanya ang bag ni Micah at ilang gamit pa ng bata. Hinila siya nito palayo kina Micah at Jio sandali para kausapin. "Nadadalas yata, ate. Akala ko ba friends lang kayo?" May halong pang-aasar sa tinig ng kapatid niya na dahilan ng pag-ikot ng mga mata niya. "Grabe naman manligaw ang isang 'yan, talagang binayaran ng buo yung tuition ng pamangkin natin," "Utang 'yon at babayaran ko," sambit niya. "Paanong paraan? Pagmamahal? O yung ano mo." Sinabunutan niya ito ngunit imbis na masaktan ay tumawa pa ang loko loko niyang kapatid. "Nakaisip ako ng plot dahil sa 'yo ate! Sige na papasok na ako. Parami kayong dalawa!" Naiiling siyang lumapit kina Jio at Micah. Nag-aya ang pamangkin niyang umuwi at manood ng paborito nitong palabas sa TV. Buong biyahe nila pauwi panay ang daldal ni Micah kahit kung ano ano na lang sinasabi nito sa kanila. Dumaan pa sila ng drive thru para mag-order ng pagkain nila. Pagkadating nila sa bahay si Jio na umasikaso sa pamangkin niya kaya naman nakapaglinis na siya kwarto buong kabahayan. Naisipan niyang magluto ng dinner habang maghahanap ng trabaho online. "Hello 'nay, bakit ho kayo napatawag?" tanong niya sa kabilang linya matapos sagutin ang tawag na iyong mga magulang niya. Nagsabi itong nabudol ang tatay niya at natanggay yung retirement fund nito dahilan para masapo niya ang kanyang noo. "Sige ho ipapadala ko yung extra ko dito 'nay." Naramdaman niya ang biglang pagkirot ng magkabila niyang sentido. Sunod sunod naman kung dumating ang problema nila. Hindi naman niya masisi ang tatay dahil matanda na ito at baka atakihin pa kapag sumama ang loob. Malalim siya napabuntong hininga matapos makipag-usap sa nanay. Kailangan niya ng trabaho na mataas ang sahod. Sandali siya napapikit bago muling nagpatuloy sa paghahanap online. Pinatos na niya kahit BPO works basta lang may maipangtustos siya sa pamangkin at ngayon nga pati mga magulang pasan na din niya. Hindi na niya sasabihin pa iyon kay Catherine dahil ayaw niya tumigil ito sa ginagawa nito. Masaya na siya kapag nakikitang masaya ang bunsong kapatid sa ginagawa nito sa buhay. "May problema ka?" tanong ni Jio sa kanya. "Hindi na yata ako naubusan 'non," pilit siya ngumiti habang sinasabi ang mga salitang iyon kay Jio. "Paano ko pala babayaran yung tuition ni Micah? Malaki kasi iyon kaya hindi pwedeng hindi ko babayaran kahit barya lang naman 'yon sa 'yo," He chuckled, "hindi pa naman ako naniningil kaya h'wag mo muna isipin 'yon," "Sabihin mo na kasi kung paano para mapaghandaan ko naman." Pilit niya dito ngunit sa halip na magsalita ay niyakap lang siya nito. "You can cry now and I won't judge you," bulong nito sa kanya habang nakayakap ito sa kanya. Tears starts to fall down from her eyes after hearing those words from Jio. Kanina pa niya gustong gawin iyon ngunit hindi niya ginawa dahil magtataka si Micah. Sobrang matanong pa naman ang pamangkin niya at hindi titigil hangga't 'di nasasagot ang mga tanong. "Its okay to cry and soon you'll get better." Bumilis ang t***k ng puso niya nang madinig iyon at hindi niya magawa ma-esplika ang ibig sabihin 'non. Tila sandaling huminto sa pag-inog ang mundo at walang ingay siyang naririnig kung 'di ang kalabog sa loob ng dibdib niya. Ano ang ibig sabihin noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD