Prologue
HINDI maiwasang mapangiti ni Jio habang pinakikigan ang litanya ng ate Addie niya. Pinilit niya kasi umuwi galing sa basketball game niya sa Pangasinan. Naunang tumulak ang mga ito pa-Maynila pagkatapos ng game at naiwan siya para sa victory party ng team na kinabibilangan niya - ang Petron Blazers. Ilang beses na niyang siniguro sa nakatatandang kapatid na hindi siya naka-inom o inaantok ng mga oras na iyon. He's a responsible driver and his older sister knows that.
[Bakit kasi atat ka umuwi? Hindi ka muna makipag-bonding sa team mo sa Pangasinan bilang ito na ang huling season na maglalaro ka.] wika sa kanya ng ate Addie niya sa kabilang linya.
"Sawa na ako sa kanila big sis. Saka miss ko na si mommy na alam kong nagtatampo na dahil palagi ako wala sa bahay," tugon niya dito. Naka-connect ang tawag na iyon via bluetooth sa speaker ng sasakyan niya.
[Alam ni mommy na 'ball is life' ang motto mo Jio Maverick saka hindi lang sa 'yo nagtatampo iyon,]
A lopsided grin flashed on his face. Lahat silang tatlong magkakapatid masyadong abala sa kani-kanilang mga propesyong tinahak. Ang ate Addie niya na isang Neurologist, ang kuya Drew naman niya iyong ad agency na tinayo ng mommy niya ang pinamamahalaan at siya na bunso ay pagiging basketball player naman ang inaatupag. Edad pito siya nang makahiligan niya ang panonood ng basketball kasama ang daddy. Nang tumuntong naman siya ng junior high school hanggang senior high school, miyembro siya ng school varsity.
Hanggang kolehiyo ay tinuloy tuloy niya iyon na naging propesyon niya kahit tapos siya at isang lisensyadong Engineer. Palagi nga tinatanong kung kailan siya magpa-practice dahil sayang naman daw ang lisensya niya. Sinasagot niya lang ang mga ito na kapag sawa na siyang magbasketball na napaka-labong mangyari. Kahit ang mommy niya nanghihinayang sa lisensya niya kaya pinipilit siya nitong magpahinga muna sa basketball. Balak niya pagbigyan ang mommy niya at kanina nagpaalam siya sa ka-team na hindi siya maglalaro sa susunod na season.
"Apat na season ko na kasama ang mga ka-team ko big sis. Nakaka-umay din sila," aniya sa kapatid.
[Sigurado ka bang pagbibigyan mo si mommy? Saan ka magpa-practice?] Sunod sunod na tanong nito sa kanya.
"Ortega Construction Group. Leading construction company sila sa bansa at tanggap na ako doon."
He sent an application there weeks after he decided not to join the next season after Governor's Cup championship. OCG hired him even though he only had a brief experience on the field of civil engineering. Plus factor siguro na super fan ng Petron Blazers ang HR ng kumpanyang iyon. Idagdag pa na apo siya ng dating senador na si Henry Dominguez at anak ng kilalang doctor na si Julio Nikolas Dominguez.
His thoughts were halted when someone bump his car that made him swerve to the left and bumped to another car. Nawalan siya ng control sa manibela at natagpuan na lang niya ang sasakyan niya na umiikot ng mabilis. He hit another car before hitting a tree. Malabo hanggang sa unti unting naglaho sa pandinig niya ang ingay sa labas. Blood were all over his face, his body's aching, he can't move the lower part of body and surroundings became blurry until it went black.
~•~•~
PUTING kisame ang unang sumalubong kay Jio ng idilat niya ang kanyang mga mata. He blinked twice to adjust his eyesight from the light coming from the flourecent lamps. Someone was talking to him and kept on calling his name. He closed his eyes again when he felt dizzy and opened it after a few seconds. He saw his older sister's face standing next to his father.
"Thank God you're awake now Jio," his older sister said and lightly hugged him.
"Is there any problem with your eyesight? Do you recognize us?" His father asked. Tumango lang siya ng marahan bilang sagot bago muling sinara ang kanyang mga mata dahil sa sakit ng ulo na dinagdagan pa ng hindi niya magawang naramdam ang kanyang isang binti.
"I'll call his doctor Addie," binitiwan ng daddy niya ang kamay at na pinalitan ng kamay ng kapatid niya.
"A-ate, I can't... feel my right leg." He managed to tell it to his older sister after opening his eyes again.
"D-don't move it, Jio and just calm down."May halong pag-aalala sa tinig ng kapatid niya.
Hindi na ito muling nagsalita at sa puntong iyon pumasok na sa kwartong kinaroroonan niya ang doctor at daddy nila. May mga tinanong ito na nasagot naman niya. He remembered that he got into an accident. Malinaw pa lahat sa isipan niya mga eksena bago maging itim ang paligid. His doctor tap his right shoulder and heaved a deep breath before telling him the surgery that they did to him.
His right leg got fractured and undergone several surgeries. Nilagyan iyon ng bakal sa loob pang suporta sa leg bone niya. Sinabi ng doctor na makakalakad pa siya uli ngunit kailangang sumailalim sa mga therapy. Ang hindi na lang niya magagawa ay ang maglaro uli na tinuring niyang buhay sa loob ng labing apat na taon. Wala siyang ibang nagawa kung 'di ang umiyak. His mom and older sister hugged him and whispered that everything will be fine. And he hope that too.
~•~•~
Six months later...
"JIO," tawag pumukaw sa kanya. He groaned as he stopped from stretching his leg. Mabilis siya dinaluhan ng tumawag sa kanya na walang iba kung ang kuya Drew niya. "Don't overdo it, Jio. Tama na 'yan at sa ibang araw mo naman gawin 'to,"
Inalalayan siya nito makatayo hanggang sa makarating sila sa couch malapit sa therapy area niya. Napadako ang tingin niya sa mga thropies na naroroon at maging mga jersey uniforms niyang nagpanalo sa kopunan nila sa loob ng apat na season. Hindi niya maiwasang ma-miss ang mga ginagawa niyang pagprepara sa sarili kada mag-uumpisa ang season. Four season siyang MVP at tatlong season na palaging champion ang team niya.
Six months passed already and he continously undergoing therapies after therapies. May bumibista sa kanilang therapist every other day na siyang kadalasan na katulong niya sa mga sessions. May mga pagkakataon na halos maiyak na siya sa sakit noon pero tinitiis niya para makalakad siya uli ng maayos. May mga araw din na ginugupo siya ng lungkot at pag-aalala na nagiging pabigat na siya sa dalawang kapatid niya at mga magulang. He couldn't just gave up life because of them. Lumalaban ang mga ito para sa kanya kaya dapat siya din para sa sarili niya.
"Nasaan sila, kuya?" tanong niya sa kapatid.
"Nasa garden sila. Gusto mo ba bumaba?" Balik tanong nito sa kanya. Tumango siya at muling nagpa-aalalay dito. "Tinawagan sila mommy at daddy nung mga magsasampa ng kaso sa reckless driver na dahilan ng aksidente mo," anang kuya niya habang marahan silang naglalakad pababa.
"Magsasampa ba ng kaso ang mommy at daddy?"
Umiling ang kuya Drew niya. "They settled it already. Naawa sila mommy doon sa pamilya ng reckless driver na may naulilang two years old na batang babae." Ayaw din naman niya magsampa ng kaso na dahil lalo lang siyang nasasaktan. Wala din naman ng mangyayari at hindi na mababalik kapag nagsampa sila ng kaso ang pangarap niya. "Nag-away daw yung mag-asawa sa sasakyan kaya nagpagewang gewang sa daan nung araw na 'yon. Investigators saw it on the car's black box."
"Kanino naiwan yung batang anak?" Tanong niya.
"May kapatid yung namatay na lalaki at iyon na ang guardian nung bata. Matatanda na din mga mga magulang kaya lalong ayaw magsampa nila mommy ng kaso. They will help the family instead which angered the other complainant," His mom and dad were really a good samaritans. "Ayos lang ba sa 'yo yung desisyon nila?"
"Slight pero naawa din ako bata kaya okay na 'yon. Baka hindi talaga pang-forever relasyon ko sa basketball,"
Ginulo nito ang buhok niya saka dahan dahan siyang inakay papunta sa garden kung nasaan ang parents niya at mga lola's. Alam ng kapatid niyang maawain din siya kagaya ng mga magulang nila. Ngunit aminado siyang masama ang loob niya dahil parang ninakawan siya ng pangarap. All his life he was playing basketball. Ngayon hindi na niya magagawa iyong bagay na mahal na mahal niya.
"How are you, Jio?" tanong ng lola Tine niya pagkadating nila sa garden. Kuya Drew help him seat right next to their mom. Pumihit ito paharap sa kanya saka hinaplos ang pisngi niya.
"Nagagalaw ko na po kahit paano pero may sakit pa din," tugon niya.
"Why don't we just send him with Addie in Atlanta for therapy, Niko?" Tanong lola Tine niya sa daddy.
"Is it necessary pa ba, mama?" Balik tanong ng mommy niya sa lola. "Do you want leave the country, Jio?"
Napaisip siya sa tanong na iyon ng mommy niya. Hindi naman kailangan na umalis ngunit tingin niya nais lang ng lola Tine niya na gumaling siya agad at makabalik sa normal niyang buhay minus basketball. He was borne there and he think new environment will help him coped up mentally. May mga gabi pa din kasi na nalulungkot siya lalo kapag napapanood ang mga clip ng basketball match na pinanalo niya. Idagdag pa ang presence ng mga awards, thropies at jersey portrait na naka-display sa training room niya na naging therapy room na.
"I think lola Tine is right. I should leave the country but I know ate Addie won't stay there long with me,"
"Kilala mo naman ang ate mo, gala ng gala iyon at kung saan saan nakakarating." His dad told them. He had to agree with that. Kilalang napaka-adventurer ng ate Addie niya dahil sa bucket list na sinusunod nito.
"I can talk to Addie to stay with you there." His mom suggested.
"Two years ako sa Atlanta 'my at hindi po papayag 'yon." Muling hinaplos ng mommy niya ang pisngi at siniguro sa kanyang papayag ang kapatid niya sa hiling nitong samahan siya sa Atlanta.
"Isn't that long apo?" Tanong ng lola Lorie niya.
"Long enough to heal myself lola."
Nakita niyang nagkatingnan ang parents niya at dalawang lola. Matapos ang ilang pag-uusap pumayag din ang mga ito sa gusto niya. Sa Atlanta na niya pagagalingin ang sarili at doon na niya sisimulang mamuhay ng normal uli.