Chapter 02

1788 Words
    "MICAH, tama na 'yan. Let's go na baka nagugutom na si tita Cat sa bahay," aniya sa pamangkin saka binalik sa shelves ang ilang chocolates na kinuha nito. Kakapusin na naman siya sa budget dahil sa mga pa-extra na iyon ni Micah. "I want that tinang." Reklamo ni Micah sa kanya. She heaved a deep sigh. Pumihit siya paharap dito saka hinawi ang buhok nito at inipit sa likod ng tainga. "Hindi mo pa naman ubos yung ganito mo sa bahay. Baka sumakit ang teeth mo sige ka magagalit si doc Mike sa 'yo," "Let her buy those. Ako na magbabayad," sabay sila napalingon ni Micah sa nagsalita. "Tito Jio!" Binitiwan ni Micah ang chocolate bags at lumapit ang pamangkin kay Jio saka nagpakalong. Tahimik siyang tumayo saka binalik sa shelves ang chocolate bags. Mayroon pa noon sa bahay si Micah at takaw tingin lang ito kaya bibili na naman. Nilapitan niya ang push cart na naglalaman ng mga kailangan nila na pasok sa budget na meron siya ngayon. Ang pambili sa grocery na iyon ang tanging natira sa sahod niya dahil nagbayad siya bahay at kuryente. Nakita niyang kinuha ni Jio ang dalawang chocolate bag at dalawang tub din ng wafer sticks na isa pang inuungot ni Micah sa kanya. She tried to steal it away from Jio's hand but he didn't let her. Pinayakap nito kay Micah ang dalawang tub ng wafer sticks habang bitbit naman nito ang dalawang bag ng chocolates. Nauna itong lumakad papunta sa p*****t counter. Naiiling lang siyang sumunod sa mga ito hanggang sa p*****t counter. "Include her grocery to all of my paybles." Nadinig niyang sabi sa kahera saka nag-abot ng itim na card dito. "Babayaran ko na lang sa 'yo 'to," aniya kay Jio. "No need. Naglunch na kayo?" Tanong nito sa kanya. "Hindi pa pero ayoko kasi ng may utang kaya babayaran na kita ng cash." Napatingin sa gawi nila ang kahera at para bang iniisip nitong napaka-ungrateful niya. Pero iyon naman talaga ang totoo, ayaw niya ng may utang sa iba at hindi naman niya gaano kilala si Jio. "H'wag na. Gamitin mo 'yan pang-budget mo sa araw araw. Your little Gremlin here has a big appetite." Nakita niyang kiniliti nito si Micah na kinahagikgik naman ng bata. "Let's go. Dadalhin na lang nila 'yan sa sasakyan ko," "Ano... m-magluluto ako at hinihintay kami ng kapatid ko," aniya sa binata. "Okay doon na lang ako kakain," "Huh? Bakit?" "Wala lang. Gusto ko lang kasabay si Micah." Hindi na siya nakatutol pa dito dahil sinangayunan na ng pamangkin niya ang suhestyon ni Jio. Hindi pa din naman makuha bakit ang bait bait sa kanya ni Jio. Last week lang niya ito nakilala sa Sanctuary nung bigyan nito ng ice cream si Micah. Nitong nakaraang Huwebes lang nagkita uli sila at pinagtanggol pa siya sa boss niyang nilalait ang pagiging single mom niya. Jio was like an angel with no wings for her. Kaso minsan nag-aalangan siya dahil estranghero pa talaga ito para sa kanya. "Pasok ka..." aniya sa binata saka niluwangan ang bukas ng pintuan. Napatayo ang kapatid niyang nakahilata sa couch pagkakita kay Jio. Binaba nito si Micah na dumiretso naman sa kwarto nito at tila may kukuhain. "Maupo ka muna dyan at magluluto lang ako," "Tulungan na kita if you don't mind my presence in your kitchen," sambit nito. "Hindi na. Madali lang iyon at sabi mo lahat naman kinakain mo." Tumango ito saka ngumiti sa kanya. Bumalik si Micah bitbit ang coloring materials nito at tumabi kay Jio sa couch. Doon siya nakaalis at sinundan siya ni Catherine sa kusina. "Sino 'yon ate? Nag grocery ka lang bakit may uwi ka nang boyfriend?" Untag sa kanya ni Catherine. "Kaibigan ni Micah at hindi ko boyfriend Catherine Elliana," "Aba naman Kathryn Allison kailan ka pa natutong maglihim sa akin. Ang yummy 'non tapos 'di mo boyfriend. Mabuti pa pamangkin natin magaling pumili ng kaibigan." Hindi niya ito pinansin dahil ang totoo natetense siya. Ano papakain niya kay Jio? Mukhang mayaman ito at ayaw niya maniwalang lahat kinakain nito. Sandali siya pumikit para kolektahin ang sarili niya at makapag-function ng maayos. "Hindi mo nga boyfriend ate? Ang gwapo niya at kamukha nung mga pinapakita ko sa 'yo." "Hindi nga saka alam mong wala akong time sa boyfriend. Lumalaki na si Micah at kailangan ko ng part time work pa," aniya dito. "Sorry ha, wala pa kasi approved sa mga sulat ko. Hindi tuloy kita matulungan," tugon nito. Ngumiti siya saka hinaplos ang pisngi nito. "Okay lang. Kaya ko pa naman at magsasabi naman ako pag 'di na," "Mag-asawa ka na ng mayaman ate para tapos na problema mo. Pwede na yung friend ni Micah." Sinabunutan niya ito at imbis na gumanti ay niyakap siya nito mula sa likuran. Pinalis niya ito dahil hindi siya matatapos sa paghahanda ng pananghalian nila. Nakakahiya naman kay Jio na mukhang gutom na. Bakit ko ba kasi siya sinama dito? Tanong niya sa sarili. ~•~•~ JIO tasted the pork sour soup that Allison cooked. Nakatingin sa kanya ang magkapatid na para bang nasa isang cooking show siya nag-aabang ng feedback galing sa kanya. Hindi napigilan ang sarili na matawa dahil itsura nina Allison at Cat. "Masarap 'di ba tito Jio," tanong sa kanya ni Micah. Yes its delicious but it can't be compared to his Lola Lorie's sinigang. Nginitian niya si Micah saka tinanguan. Sunod niyang nadinig ang pagbuntong hininga nina Allison at Cat na kinalawak ng pagkakangiti niya. Napukaw lang ang atensyon nila nang may kumatok ng malakas habang panay ang pagsasalita. "Nako ayan na naman yung kapitbahay mong bida bida ate," komento ni Cat. Tumayo si Allison para harapin ang kumakatok na galit na galit. Sinundan niya ito kaya nadinig niya ang mga sinabi nito kay Allison na below the belt na. He step in and pulled Allison to stand beside him. "I'll just moved my car miss you don't need to degrade her and being a single mom is a not a sin." Hinarap niya si Allison saka sinapo ang magkabilang balikat nito. "Ililipat ko lang yung sasakyan ko," paalam niya saka nginitian ito. Tulala lang na tiningnan siya nung reklamador na kapitbahay ni Allison. Nasalubong niya ang may-ari ng apartment na siyang pumayag na doon siya mag-park kanina nung dumating sila. Nag-away ito at yung nagrereklamo na hindi na niya sinalihan. Nilipat niya ang sasakyan sa katapat na establishment ng apartment nina Allison. Nakilala siya ng gwardya saka sinabing idolo siya nito at hinihintay ang pagbabalik niya sa hard court na malabo na mangyari. Nadaan niya sa daldal at pangmeryenda ang gwardya kaya naman hindi na nakasasagabal ang sasakyan niya ngayon. Pagbalik niya nag-aaway pa din yung tenant at landlady kaya na muli niyang inignora. Pagpasok niya sa pintuan sumalubong sa kanya si Micah at nagpakalong. "Saan sila?" Tanong niya dito. "Tinang is crying." Malungkot nitong sagot sa kanya. "Takot ako," dagdag nitong sabi matapos madinig ang malakas na sigawan sa labas. Yumakap si Micah ng mahigpit sa kanya dahilan upang mapabuga siya ng malalim na hininga. The environment there wasn't good to a growing kid like Micah. But what can he do? Strangers pa rin ang turing sa kanya ni Allison. A stranger who loves to help whenever she needed. Para siyang superhero dito at ngayon lang niya nagawa iyon sa isang babae. Love at first sight was real indeed. He got hit by cupid's arrow the first time he laid his eyes to Allison in Sanctuary. Her beautiful eyes, brown hair and warm smile caught his attention. Sinadya niya pakinggan ang comversation nito at ni Micah dahil na-curious siya sa lungkot na nabanaag niya sa mga mata nito. Curiosity leads him to her. Siya ang nasasaktan kapag dine-degrade ito kaya naman nung makita at madinig niya kung paano ito kausapin ni Atty. Reyes, pumitik siya at sumabat na. Gano'n din nangyari kanina at alam naman niyang mali makialam sa problema ng iba pero hindi kasi tama iyon. He grew up in a wealthy, well known and stable family but his parents taught them not to degrade others. Tinuruan sila nito na h'wag mag-judge basta basta at palaging tingnan ang hangarin ng puso. That's what he saw in Allison, her willing heart to love a kid who didn't came out of her womb. Kanina nakita niya kung gaano nito kamahal ang kapatid sinusuportahan nito sa propesyong tinahak. Allison was a selfless girl with a golden heart. Jio caressed Micah's hair and brought the kid back inside. Sinuotan niya ito ng headset para hindi madinig ang komosyon sa labas ng bahay nito. Silang dalawa na lang ng bata ang kumain at nung lumabas si Cat, dito na lang siya nagpaalam na aalis na. ~•~•~ "SINO yung nilapitan mo kanina sa grocery, Jio?" Tanong ng kuya Drew niya. Napatingin sa kanya ang parents nila at si ate Addie. Kasama niya ang kapatid sa grocery kaso iniwan niya ito doon mag-isa. "You just left me there after seeing a kid." "Kailan ka pa nahilig sa bata, Jio?" His older sister asked. "Mukhang ngayon lang Addie. Maganda yung nanay nung bata at ideal type pa niya." Nang-aasar na sabi ng kuya niya. Everyone knows his ideal type because he broadcasted it on the national television years ago. Inangat niya ang baso sa harap at ininom ang lamang tubig noon. "Hayaan niyo na lang si Jio sa gusto niyang gawin. Kayong dalawa kailan kayo magpapakilala sa 'min ng dine-date niyo?" tanong ng mommy nila sa kambal niyang kapatid na kapwa napainom ng tubig. Pinigilan niyang matawa dahil nag-back fire ang pang-gigisa ng dalawa sa kanya. Her older siblings has no plan of getting into a relationship. Pabor sa daddy niya sa desiyong iyon ng ate Addie niya dahil nag-iisang babae ito. Habang kuya Drew niya may iniintay lang na kababata nito na nasa ibang bansa pa. Bukod tanging siya lang sa kanilang tatlo ang palaging napapabalitang may ka-date. After work kasi nila ni Primo at Wren, may pinupuntahan silang bar at doon may iba iba silang nakikilala. He dated some but it didn't last a month. Wala kasi sa mga iyon ang hinahanap niya na nakita niya kay Allison. "My, ni-reject pala nung kapatid nung naka-aksidente kay Jio yung scholarship na alok niyo po doon sa bata." Nanatili siyang tahimik at pinakinggan ang batuhan ng mga komento ukol sa tinutulungan nitong pamilya. Hindi siya nakiki-usosyo kapag iyon ang topic at hinahayaan na lang niyang mga magulang ang magdesisyon. Ngayon niya lang nalaman na tumutulong pa rin ang mga ito sa pamilyang iyon. Sabagay dalawang taon din siya nawala at alam naman ng mga ito na hindi siya mangingialam doon. He already forgive that reckless driver but he can't just forget everything that easily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD