AGAD na kumawala sa bisig niya si Allison at nakita niyang pinapahiran nito ang mga luhang naglandas sa pisngi nito. Maybe he startled her that's why or she's trying to hide the fact her heart beats fast the moment he jailed her on his arms. Sunod nitong inayos ang buhok at inipit ang ilan sa likuran ng tainga nito. Hindi niya alam ano sasabihin dito dahil ang awkward ng hangin na bumabalot sa kanilang dalawa. Nang tumikhim si Allison agad siya napatingin diretso sa mga mata nito.
"S-sige na uwi ka na baka pag ginabi ka mahirapan ka na lumabas dito," anito sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon dito. "P-papasok na ako. Ingat ka," dagdag pang sabi nito saka tuluyang tumalikod at pumasok na sa loob ng apartment nito.
Malalim siya napahugot ng hininga nang mawala na sa paningin niya si Allison. Sinuksok niya ang isang kamay sa bulsa upang kuhain ang susi saka sumakay na sasakyan. Sumaludo pa sa kanya ang gwardyang nagbabantay noon sa parking lot na inokupa niya. Pagdating niya sa bahay nila, agad siya tumungo sa kwarto ng kuya Drew niya. Kinatok niya ang pintuan noon kahit nakabukas naman.
"May hiring ba sa company kuya?" tanong niya dito.
"Bakit mag-a-apply ka?" Natatawang balik tanong nito.
"Baka pwede ito sa JSD Events, kuya," sambit niya saka inabot dito ang resume ni Allison na kinuha niya kanina. Tiningnan iyon ng kapatid niya at naagaw ng nanlalaki nitong mga mata ang atensyon niya. "Kilala mo?" Agad na tanong niya sa kapatid.
"Huh? No, may kamukha lang siya."
"Hindi mo naman siguro ex ang kamukha niya?" Another question that taken his brother off guard. "Alam ko namang loyal ka kay ate Kayla, kuya kaya imposible na naging ex mo si Allison,"
Natawa ito bigla dahil sa sinabi niya. "Sira ka. Magkaiba tayo ng tipo at hindi ko ex 'to. Patatawagan ko na lang 'to kay Angie bukas para sa interview,"
"Thank you kuya the best ka talaga." Pagkasabi ay niyakap niya ito agad ng mahigpit dahilan para matawa ito.
"Sino ba 'to?"
"Yung nilapitan ko sa grocery nung isang linggo. Mommy nung batang babae na nakita mo,"
"Ah maganda nga," anito sa kanya.
"Back off kuya. Ngayon lang ako nagka-ganito dahil sa iisang babae,"
"I know and she's lucky to have you." Umiling siya pagkarinig sa sinabi nito.
"I'm luckier to meet and hope to have her in my life."
Ginulo nito ang buhok niya saka inakbayan siya dahil sigurado siyang nag-cringe ito sa sinabi niya. Scarecrow kasi ang kapatid niya at tanging si ate Kayla lang ang kahinaan nito. Muli niyang pinaalala ang tungkol sa resume nito at sinabi naman nitong bukas na bukas patatawagan iyon sa assistant nito. Alam naman niyang for formality lang ang interview dahil siguradong ipapasok ng kuya Drew niya si Allison sa JSD Events. In that way, he can help the girl he likes to solve her problems.