Chapter 01

1904 Words
    "I WANT cookies and cream ice cream, tinang." Kanina pa gustong marindi ni Allison sa paulit ulit na request na iyon ni Micah sa kanya. Kasama niya ito sa coffee shop-c*m-art gallery na Sanctuary ang pangalan at nabasa nito sa menu board ang paboritong flavor ng ice cream. Hinila nito ang laylayan ng damit niya upang kuhain ang atensyon niya. Bagsak balikat siyang yumukod hanggang sa magkapantay sila ni Micah. Inayos niya ang buhok nito at marahang pinisil ang pisngi. "Di ba sabi ni doc Mike bawal pa sa 'yo ang malamig?" Pagpapaalala niya sa bilin ng pedia nito dito. "That was weeks ago, tinang. I'm okay now no more cough and my nose weren't runny," katwiran ng bata sa kanya na dahilan upang makagat niya ang ibabang labi. Paano ba niya sasabihin dito na malayo pa ang sahod at limited lang ang cash na dala niya? Nagtitipid siya ngayon dahil halos masaid ang ipon niya nang magkasakit ito dalawang linggo na nakararaan. Hindi naman niya maasahan ang mga magulang niya dahil may pangangailangan din ang mga 'to. Ang kapatid naman niyang si Catherine wala din extra dahil hindi pa na-approved ang sinulat nitong nobela. Kailangan niya humanap ng isa pang trabaho para maka-ipon uli siya. Para naman iyon kay Micah na habang lumalaki ay lumalaki din ang pangangailangan. "Next time na lang Micah. Promise ni tinang bibili tayo agad 'non once na makuha ko na yung pera ko," mahina ngunit malinaw na sabi niya sa pamangkin. "Can't we buy it now?" Malungkot na tanong nito sa kanya. Ang hirap hindian ng pamangkin kaso kapos na talaga sila ngayon. Kung hindi naman ito nagkasakit, mabibili niya kahit ano hilingin nito. Umiling siya bilang sagot dito. Malungkot bumalik sa pagkukulay sa coloring book na dala nito. Palagi niya ito kasama sa tuwing may kikitain siyang kliyente na nag-order sa online business niya. Back up niya iyon kapag walang pasok sa opisina kung saan nagta-trabaho siya bilang paralegal. Kulang pa din iyon lalo't nangungupahan lang silang magtiyahin at may iba pang expenses gaya ng kuryente at tubig. Sobrang hirap maging single mom kaya naiinis siya kapag may mga tulad niyang minamaliit sa lipunan. Hindi 'man galing sa sinapupunan niya si Micah tinuring pa din niya itong parang tunay na anak. Ito na lang ang natitirang alaala ng yumao niyang kapatid na siyang biological father nito. Hawig na hawig ito ng kuya Nero niya kaya naman parang buhay pa din ang kapatid dahil kay Micah. She watched her niece colored a drawing of a complete family. Madaming beses na nitong natanong sa kanya ang tungkol sa tatay at nanay nito na sa picture na lang nakikita. Micah's parents died and caused an accident two years ago that almost killed five individuals. Iyong apat doon, kinasuhan sila habang yung isa nag-settled na lang at tinulungan pa sila mabayaran yung ibang nadamay sa aksidente. Dahil sa tumulong na iyon, hindi nagalaw ang retirement fund ng mga magulang niya na hindi naman niya mahiram. Nagme-maintenance na ang mga ito kaya mas kailangan ng mama at papa niya iyong pera. Pinasan na niya ang buong responsibilidad kay Micah at hindi umasa sa pamilya ng asawa ng kuya Nero niya. "Hey kiddo..." anang baritong tinig na pumukaw sa kanilang magtiyahin. "Wow ice cream. My favorite!" ani Micah saka kinuha iyong inabot ng estrangherong lalaki na nakatayo sa harap nila. Hindi niya nagawang pigilan si Micah dahil nilantakan nito agad ang pagkain. Sinabihan pa naman niya ito noon na h'wag basta basta tatanggap ng galing sa mga estranghero. "Uhm, thank you mister!" Nakita niyang nginitian ni Micah ang lalaki saka muling nilantakan ang ice cream na hawak. "What's your name?" Tanong ng lalaki sa pamangkin niya. "I'm Micah Angelique Rivera." Pakilala ng pamangkin niya na dahilan ng pagkamot niya sa ulo. Nakita niyang binaba nito ang hawak na ice cream saka nagbilang sa kamay. "Tinang, ganito na po ako 'di ba po?" Pinakita nito ang daliri na tatlo na lihim niya kinangiti. Matalino ito kaya nahulaan na ng pamangkin agad na sunod na itatanong ay ang edad nito. Hanggang ngayon three years old pa din ito na dahilan ng pag ngiti niya. "No. Four ka na going five. Remember that, okay?" aniya sa pamangkin saka pinakita dito kung paano iyon bilangin sa kamay. She heard the guy chuckled. "You're cute Micah. Can we be friends?" anang lalaki. Tumingin sa kanya si Micah na tila ba nanghihingi ng pahintulot. Tinanggap na yung ice cream ngayon pa nanghingi ng permiso... aniya sa isipan. Tumango siya bilang sagot kaya naman ngumiti si Micah sa lalaki at nakipag-kamay. Binalingan niya ang lalaki at tipid na ngumiti dito. "Thank you sa ice cream pero bakit mo siya binigyan niyan?" Tanong niya dito. "Nadinig ko sorry 'di ko sinasadya na pakinggan kayo." tugon nito sa kanya. "I'm Jio and my cousin owns this place." Nilahad nito ang kamay sa kanya na tinggap naman niya. "Allison." Ngumiti ito at nagawa niya itong tingnan mula ulo hanggang paa. "I'm damage," wika nito sa pumukaw sa kanya. "Huh?" Takang sambit niya. "I got into an accident two years ago and my right leg got fractured so I'm damage. Tiningnan mo kasi ako mula ulo hanggang paa at medyo na-consious ako," "I'm sorry..." sambit niya. "No biggie. It's not your fault anyway," anito sa kanya. "My tinang is single, mister." Nanlaki bigla ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Micah. Kasalanan iyon ni Catherine na kung ano ano sinasabi sa pamangkin nila. "Really? Good to know that, Micah." Jio smiled and she find that attractive. Sobrang gwapo nito, maamo ang mga matang asul, may kakapalan ang kilay, matangos ang ilong, mapink ang manipis na labi. Maihahambing ito sa mga modelo na palaging tinitigan ni Catherine sa laptop nito. "Why she's calling you tinang?" "Ahm, short for tita-ninang. She's my niece and goddaughter." "I see. Sorry I'm not familiar with those words because I stayed in US for two years," "Ah pero bakit ang friendly mo sa amin? Magkakilala ba tayo? May utang ba ako sa 'yo na hindi ko na maalala?" "Silly. Nope. I just find you nice and Micah is cute." Hindi na siya nakasagot agad dahil dumating na yung kliyente niya na kinausap pa siya ng ilang minuto. Naiwan niya tuloy si Micah kay Jio na hindi pa naman nila lubos na kakilala. Nang umalis na kliyente niya, mabilis siya pumasok at niligpit ang mga coloring materials ni Micah. "When will I see you again, Micah?" Nadinig niyang tanong ni Jio sa pamangkin niya. Napatingin sa kanya ni Micah na para bang gusto nitong magtanong kung kailan sila babalik doon. Ang dungis nito dahil sa kinaing ice cream na nagkalat pa sa mukha ang ilang cookies. Yumukod siya sa harap nito at pinunasan ang mukha gamit ang wipes. "Next weekend baka bumalik tayo dito," aniya sa pamangkin. "Yehey! See you next week tito Jio," Gano'n na sila ka-close agad? Manang mana talaga kay kuya si Micah. Masyadong friendly pero ayos na iyon kaysa magmana sa simang kong sister in law... Naiiling niyang sabi sa isipan. "See you then." tugon ni Jio. Jio and Micah waved at each other as she pulled her towards the exit door of the Sanctuary. ~•~•~ JIO entered the Sanctuary with a wide smile on his face. That made his ate Keira looked at him in a strange way. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito at nagpagawa ng frappe sa staff nitong si Almira. "What? May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya sa pinsan. "You're weird Jio. Basta ka na lang nagbigay ng ice cream sa bata tapos nakipag-usap ka pa," anito sa kanya "Micah is cute that's why." Sunod sunod lang itong napailing ulit. "Hmm, yung Micah po ba o yung kasamang babae sir?" Tanong ni Almira sa kanya saka nilapag ang pinagawa niyang frappe. "Kaya gusto ko itong si Almira, ate. Promote mo na 'yan," "Nako sir Jio kahit paulit ulit mo sabihin na gusto mo ako kay sir Primo pa din ako." Umakto siyang nasaktan sa sinabi ni Almira dahilan para batuhin siya ng tissue ni ate Keira niya. "Masungit naman 'yon kaysa sa 'kin." Pangbabash niya sa pinsan na bunsong kapatid ni ate Keira. He's tagged as Mr. Friendly since birth. Lahat yata kilala niya at maari nga siyang tumakbo sa eleksyon. Inirapan siya ni Almira na kagaya ni Allison - yung tita-ninang ni Micah - na hindi naapektuhan sa charm niya. "Ilalakad kita kay Primo pero kailangan mo magbasa ng saligang batas," "Tigilan mo na nga si Almira, Jio. Mag-usap tayong dalawa doon." Dinala niya ang frappe sa dulong parte ng coffee shop kung saan nakalatag ang blue print ng buong building. Ipapa-renovate iyon ng ate Keira niya at siya kasama si Wren ang engineer in charge. "Okay na yung right leg mo?" "Oo naman," sagot niya saka kinindatan ito. "Nangchicks ka lang yata sa Atlanta. I heard Addie's rant last time we visited her. Pinakasakit mo ba ulo ng kapatid mo doon?" Natawa siya bigla at hindi na sinagot ang tanong nito. He scanned the blue print in front of him. Ang sabi nito sa kanya gusto nito maging eye catching ang buong gallery at coffee shop. He suggested to changed the wall color, lights and tiles. Sinabi niya din na h'wag i-stay sa iisang floor ang mga paintings ni tita Pao niya. In-add ng ate Keira niya ang gusto nitong magkaroon ng bookshleves sa walls. "Regular customer mo sina Allison dito?" Tanong niya sa pinsan. "Ngayon ko lang siya nakita dito. Asked Almira later because she knows each and every customer who entered Sanctuary." "Ang talented talaga ng staff mo. Bakit ba hindi siya pinapansin ni Primo?" "We're not sure, Jio. Lately, iba kinikilos ng kapatid ko." "Maasar nga ang isang iyon." Nailing lang ang ate Keira dahil sa tinuran niya. Si Primo, Wren at Santi ang kaedad niya sa mga pinsan. Siya, si Primo at Wren ang binansagang Dominguez's Holy Trinity minus Santi dahil iba ang trip nito kaysa sa kanila. Mga head turner at palaging pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Hindi pa din nawala ang charms niya kahit dalawang taon na nawala sa sentro ng atensyon ng mga tao. He flew to Atlanta right after he completed his therapy sessions to get fully recovered. Doon na niya pinagpatuloy ang buhay kasama ang ate Addie niya na sobra naman sumakit naman ang ulo sa kanya. Palagi kasing may mga babaeng sunod ng sunod sa kanya at creepy iyon para sa kapatid kaya naman naghire ito ng bodyguard para sa kanya. Dalawang taon lang tinagal niya doon at pagbalik niya sa Pilipinas, nag-re-apply siya sa Ortega Construction Group. Tinanggap naman siya at ilang buwan na siya nagta-trabaho doon ngayon at kasama sa project niya iyong renovation ng Sanctuary. Fiancé ng kuya Sebastian ang nagdesign ng bagong itsura ng Sanctuary at literal na family incorporated sila. Nakatrabaho na din niya fiancé ng pinsan nang minsang mapasama siya team nito at Engr. Ortega - kapatid ng OCG owner. "Kayong tatlo dapat magseryoso na kayo." Payo nito sa kanya. The three of them were playful and happy go lucky sometimes. But right after he saw Allison awhile ago, nasabi niya agad na handa na siya magseryoso. Love mysteriously moved the moment his landed to Allison. Parang may kung ano sa puso niya nagsasabing ito na yung babaeng hinahanap niya. "Seryoso naman ako ate sigurado na ako ngayon," he said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD