"SIGURADO kang hindi ka hahanapin ng parents mo?" tanong ni Allison kay Jio paghimpil nito sa sasakyan harap ng malawak na open basketball court. Umiling ito bilang sagot saka bumaba na sa sasakyan na sinundan naman niya. Hindi niya alam kung bakit doon siya inaya nito matapos nitong mahipan ang kandila sa cake kanina. Nalimutan tuloy niyang magpaalam kay Catherine at Micah na tingin niya'y umuwi na. Wala pa naman siyang cellphone na maaring ipantawag sa mga ito para masigurong nakauwi nga ang dalawa. "Jio, pwedeng favor?" "Yes anything, my love." Inirapan niya ito na dahilan ng pagngiti naman nito. Hinila siya nito palapit saka mula sa compartment sa harap ng shotgun ay may kinuha itong box ng cellphone. "This is for you," Nag-aalangan siya tanggapin ngunit pilit iyon pinahawak sa k