CHAPTER 7 STRANDED

2085 Words
Saturday after work.  Restday kinabukasan kaya uuwi na lang ako ng Cavite since wala namang lakad o date sa araw ng Linggo. Need ko rin ng pahinga at Me time na sabi nga ni Cindy. Nakasakay na ako sa bus papuntang Cavite nang makita ko si Carlo na pasakay din sa bus na sinasakyan ko. Tumungo lang ako na kunyari ay nag-browse sa aking cellphone para hindi n’ya ako makita. Mga ilang minuto na ang nakalipas, medyo malayo na ako sa dorm ay biglang umulan. Wala pa man din akong dalang payong. Sa lakas ng ulan ay agad bumaha sa kalsada kaya ‘di na makausad ang mga sasakyan dahil sa traffic. Ang iba ay nagbababaan na sa bus at ang iba naman ay nag-stay lang sa loob. Medyo malayo na ako sa dorm at malayo pa rin ako sa Cavite. Napilitan na kaming bumabang lahat nang sabihin ng conductor na pipihit na sila at pa-park na lang sa terminal na malapit. ‘Paano naman kami? Magmumukha kaming basang sisiw. Bakit ba kasi naisipan ko pang umuwi ng Cavite? Sana ay nag-stay na lang ako sa dorm,” saad ko sa sarili. Ilang sandali ay may dumating na mga truck na pang rescue na pwedeng maghatid sa amin sa isang evacuation center. Makakapahinga kami at makakakain kaya sumakay na din ako kesa ma-stranded sa kalye. Hinahanap ko si Carlo pero hindi ko s’ya makita kahit saan. “Saan kaya nagpunta ang lalaking ‘yun? Bahala na nga s’ya,” sabi ko sa sarili ko. Sa isang covered court kami dinala ng truck. Pinakain ng lugaw at binigyan ng maiinom. Makakapahinga kahit papaano kaso parang mahirap matulog dito dahil may mga kasama pa kaming mga pamilyang nirescue at padami pa ng padami ang mga tao dito. Habang nakaupo ako ay, “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Carlo na nasa likuran ko pala. “Malamang stranded. Eh, ikaw bakit nandito ka?” kunyari ay ‘di ko s’ya nakita sa bus. “Ikaw lang ba ang pwedeng ma-stranded?” sarcastic n’yang sagot. “Bad trip talaga sumagot ito,” bulong ko sa sarili. “Doon ka na nga at mang aasar ka lang pala,” sagot ko na may pagka-pikon. “Bahala ka. Tutulungan pa naman sana kita na makatulog ng ayos ngayong gabi pero kung ayaw mo hwag na lang,” sabat pa n’ya. “Bakit may alam ka bang ibang matutulugan bukod dito?” pataray kong sagot “Meron nga.  Sa bahay ng tita ko na malapit lang dito. ’Di naman kita pipilitin kung ayaw mo. Masarap pa naman matulog sa kama kaso ayaw mo kaya sige aalis na ako,” pangiinis n’ya pa sa akin. “Thank you na lang kasi baka maging utang na loob ko pa sa ’yo.” Naiinis kong sabi sa kanya. “Sa totoo lang, ayoko sana kitang isama kaso naaawa ako sa ’yo. Sasama ka ba o hindi?” pangungumbinsi n’ya pa. “Hwag na nga. Ok lang ako dito at kaya ko ang sarili ko kahit wala ka,” pagtanggi ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya. “Ok, sorry sa mga nasabi ko dati. Nabigla lang ako kaya sumama ka na para makabawi na rin ako sa atraso ko sa ’yo,” malumanay na sabi n’ya. “Basta-basta ka kasing nagagalit. Wala namang issue ‘yun at big deal agad sa ‘yo,” pag e-explain ko. “Hindi ko naman kasi sinabing bumalik ka pa sa apartment ko.” “Hindi nga. Hindi mo rin naman sinabing hwag na akong bumalik. Tapos papasok ka pala sa work. Nag-effort pa akong bumili ng pagkain, nag-taxi pa ako papunta. Ang mahal pa ng pamasahe. Tapos ang init pa kasi tanghaling tapat tapos wala ka naman pala. Tapos ikaw pa ang galit,” paglalabas ng sama ng loob ko sa kanya. “Ang dami mong sinabi, ang sakit sa ulo. Kinikunsensya mo pa ako, isasama na nga kita ‘di ba. Tsaka nag-sorry na ko sa ‘yo. ‘Di mo pa ba ako mapapatawad? Napatingin lang ako ng masama sa kanya at medyo nakukumbinsi na nga ako sa pagso-sorry n’ya. Pagdating ng isang rescue ay nagpahatid na kami sa bahay ng tita ni Carlo. Mabuti at hinatid naman kami agad at malapit lang din sa court na pinagdalhan sa amin. Mabuti rin at mataas ang lugar nila at di inaabot ng baha.   Nakakahiya pero gusto ko na talagang magpahinga ng maayos. Binigyan kami ng pangpalit na damit ng tita n’ya. Sa isang kwarto na ako natulog at si Carlo ay sa kabilang kwarto. Sobrang lakas pa rin ng ulan kaya ‘di ako makatulog. Lumabas ako ng kwarto para uminon ng tubig at maya-maya ay lumabas ‘din si Carlo na nakasando lang kahit maginaw. Maganda ang katawan n’ya at napatitig ako ng ‘di ko sinasadya. Tumingin lang s’ya sa akin at kumuha lang din ng tubig na inumin. “‘Di ka rin makatulog?” tanong n’ya. “Oo. Ikaw din ba? Sagot ko. Umupo s’ya sa tabi ko. Mga 30 mins kaming nakaupo lang at ‘di nag-uusap. Nagpapakiramdaman ngunit maya-mya ay tumayo na s’ya. Nalungkot ako dahil gusto ko pa sana s’yang makasama ng matagal kahit ‘di kami nag-uusap. “Matulog ka na,” masungit n’yang sabi. “Oo na. Sige, good night,” masungit ko ding sagot habang nagtinginan kami ng masama sa isa’t-isa. Pumasok na rin ako sa kwarto at inaantok na ako ngunit hindi ako makatulog. Pabaling-baling ako sa kama at maya-mya ay narinig kong bumukas ang aking pinto. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang naaninag ko ang mukha ni Carlo kahit madilim at ito ay papasok sa aking kwarto. Nilapitan niya ako sa aking kama at dahan-dahan itong umupo. Hinawakan niya ang aking mukha at inilapit ang kanyang labi sa aking labi. Napapikit na lang ako at dinama ang kanyang marahang halik na nagiging madiin at mabilis habang tumatagal.  Pagkatapos ay inihiga niya ako sa kama at lumipat ang kanyang mga labi sa aking leeg. Nakiliti ako ng bahagya ngunit nagustuhan ko ito. Ang kanya namang kamay ay humihimas sa aking hita papunta sa aking balakang. Nanghihina ang aking katawan kaya’t hinahayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa. Lalu na akong nanghina nang bumababa ang kanyang labi papunta sa aking dibdib. Maya-maya pa ay may naramdaman akong sakit sa bandang ibaba ng aking katawan. Kaya, ako naman ay biglang nagising dahil napapaihi pala ako dahil sa dami ng nainom ko kanina bago matulog. Napabuntong hininga na lamang ako nang ma-realize ko na nananaginip lang pala ako. Nanghinayang ako at nalungkot na hindi pala totoo ang mga nangyari. Pagkagaling ko sa banyo ay pinilit kong matulog muli at baka bumalik s’ya muli sa aking panaginip. Kinabukasan ay wala ang tita n’ya. Nagsimba raw at may pupuntahan pang iba. Kaming dalawa lang ni Carlo ang naiwan sa bahay at may nakahanda ng almusal para sa amin. “Anong oras ka uuwi? Umuwi ka na agad at aalis na rin kasi ako,” masungit n’yang sab isa akin. “Pagkaligo ay aalis na agad ako. Bakit ka nagmamadali? Pinapaalis na ba tayo agad?” pagtatanong ko na medyo naiinis sa kanya. “Basta umalis na tayo agad. May iniwan d’yan na damit si Tita para sa ‘yo at nakakahiya kung magtatagal pa tayo dito,” palusot n’ya pa. Kunyari pa s’ya, ayaw n’ya lang talaga akong makasama ng matagal. “Paki sabi salamat at ang bait n’ya na ‘di katulad ng pamangkin n’ya,” pasaring ko pa sa kanya. “Na ano?” tanong n’ya. “Na sobrang bait syempre,” sarcastic kong sagot. Habang nag-aalmusal ako ay naligo na si Carlo. Nakaupo pa rin ako sa dinning nang lumabas s’ya ng banyo na nakatapis lang ng twalya sa bewang. Napatulala ako sa mga abs n’ya at sa ganda ng katawan niya. Muntik pa yata tumulo ang laway ko pero kinalma ko lang ang sarili ko at baka magkatotoo ang panaginip ko. Anong gagawin ko kung magkagayon nga? Hindi ako ready. “Hwag please,” nasabi ko ng malakas imbis na sa isip ko lang. “Anong sinasabi mo d’yan? Ngayon ka lang ba nakakita ng katawan ng lalaki?” panunukso ni Carlo. “Feeling mo ba maganda na ‘yang katawan mo? Wala ‘yan dun sa ex ko ‘no,” palusot ko. Naligo na rin ako at nagbihis na sa loob ng banyo. Ayokong lumabas ng nakatapis at may makita s’yang kahit ano sa aking katawan. Sabay kaming paalis na ng bahay ngunit hindi kami nagkikibuan. Nang may dumaang jeep ay sumakay na s’ya ngunit hindi ako sumakay kahit yun din ang way ko dahil ayoko s’yang makasabay. Bumaba ako sa isang mall para bumili ng mga kailangan ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa isang coffee shop at naroon din pala si Carlo. Hindi ko s’ya pinansin kahit alam kong nakita n’ya din ako. Naisip ko lang na magpatake out ng cake para sa kanya dahil grateful lang ako sa pagtulong n’ya sa akin. “Sa ‘yo na ito. Pasasalamat ko sa ‘yo kasi sinama mo ako kagabi sa tita mo. Kung wala ka baka sa court lang ako nagpalipas ng gabi. Wala lang ito ha, baka issue nanaman sa ‘yo,” paliwanag ko. Lumabas na din ako ng coffee shop dala ang pina-take out ko na kape. Nang medyo nakakalayo na ako ay sinilip ko kung anong gagawin n’ya sa cake at nakita kong lumapit s’ya sa isang table. Inabot n’ya ang binigay ko na cake sa ibang costumer at saka umalis na rin. “Grabe! Ibang klase talaga s’ya,” nasambit ko sa sarili ko na naghihinayang sa cake na binigay ko. Hindi lang sa presyo kundi sa thought na pagiging grateful ko sa kanya at balewala lang naman pala sa kanya. CARLO: Uuwi rin pala s’ya sa cavite. Akala n’ya ay ‘di ko s’ya makikita kahit tumungo s’ya pero buti na lang at sa likod s’ya umupo at ayoko rin s’yang makatabi. Ang lakas ng ulan at bumabaha na. Mabuti at malapit lang ito kina tita at doon muna ako uuwi. “Nasan kaya si Armie? Bahala na nga s’ya kaso kawawa naman dahil malayo pa ang Cavite.” Nakita ko sya sa isang evacuation center at doon din kami dinala ng nasakyan kong rescue. Ayaw ko sana s’yang lapitan pero nakukunsensya naman ako na pabayaan na lang s’ya kaya nilapitan ko saya at niyaya sa bahay ni Tita para makabawi rin sa atraso ko sa kanya. Pagdating sa bahay ay nagpalit na kami ng tuyong damit. Pinatulog na s’ya ni Tita sa isang kwarto at ako naman sa kabila. Maya-maya ay narinig ko na bumukas ang pinto. “Lumabas siguro s’ya at bakit naman kaya?’ Di ako mapakali kaya lumabas din ako at nakita ko s’ya sa kusina na umiinom ng tubig. Napansin ko na maganda rin pala sya. Simple lang at ‘di nag mamake-up. Nilapitan ko s’ya at kinausap pero halos walang lumabas na salita sa aking bibig. Naramdaman ko ang ginaw dahil sa suot kong sando pero tinitiis ko dahil gusto ko pang manatili sa kusina na kasama s’ya kahit hindi kami nag-uusap. May bigla akong naramdamang saya sa aking puso habang katabi s’ya. Alam kong hindi ito dapat para sa akin. Nagtatalo ang isip at puso ko kung aalis o mananatili pang katabi n’ya pero isip ang pinairal ko at nagpasya na akong pumasok na lang sa aking kwarto Kinabukasan, kailangan ko ng magmadaling umuwi. Ayoko nang makasama pa s’ya ng matagal. Pagkakain ay naligo agad ako at paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakatitig s’ya sa aking katawan. Nahiya ako ng bahagya pero inasar ko pa s’ya bago ako nagbihis. Hinintay ko s’ya para sabay na kaming lumabas dahil wala pa si Tita. Pagdating ng jeep ay hindi s’ya sumakay sa sinakyan ko. “San pa kaya s’ya pupunta?” tanong ko sa sarili. Nagkape muna ako sa isang coffee shop sa isang mall bago umuwi sa apartment. Nakita kong papasok s’ya pero ‘di n’ya ako pinansin. Maya-maya ay may inabot si Armie sa akin. Pasasalamat n’ya daw sa akin dahil isinama ko s’ya sa bahay ng aking Tita at bigla na din s’yang umalis. Inabot ko ang cake na bigay ni Armie sa kabilang table. Alam kong makikita n’ya ang gagawin ko. Gusto kong magalit pa rin s’ya at ‘di n’ya ako lapitan. Hindi pwedeng mahulog ang loob n’ya sa akin at ako din sa kanya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD