Halos tatlong buwan na kami sa trabaho at medyo bihasa na kami sa mga pinagagawa sa amin at alam na namin ang work flow. Magaang na para sa amin ang aming trabaho at wala naman gaanong pressure.
Mabilis naman naka move on si Cindy sa mga nangyari at ‘di na s’ya affected kay Marco. Casual lang sila sa isa’t-isa pero hindi na rin kami nagkikita-kita para lumabas ng weekend.
Kami naman ni Carlo ay nag-iiwasan din at ‘di nagpapansinan. Maybe, we’re meant to be this way. Para kaming sasabog pagmagkasama. Away, bangayan, sumbatan. ‘Di ko na rin kaya ang laging pagsusungit n’ya. Napaka-moody n’ya at ayoko ng negative vibes n’ya baka malosyang agad ako sa kanya.
Isang umaga habang paalis pa lang ako sa dorm ay nagtext sa akin ang Head namin. Hindi nanaman daw pumasok si Carlo at ako nanaman ang inutusan nila para puntahan s’ya sa apartment n’ya.
“Armie asan ka? Late ka na ha.”
Sorry po. Na-late po kasi ng gising Ma’am.
“Pumunta ka ulit sa apartment ni Carlo at may papakuha akong files dahil mukhang ‘di nanaman papasok yung lalaking ‘yon. Tinatawagan ko na pero ‘di sumasagot. May kailangan s’yang ipasa na urgent at Ikaw lang ang nakakaalam ng apartment n’ya. In return ‘di na kita lalagyan ng late sa record mo.”
“Hwag na po ako Ma’am, please! Ang sungit po ‘non”
“On the way ka na rin ‘di ba? Hwag nang maraming tanong. Pumunta ka na agad kung ayaw
mong mapagalitan ng Head natin.”
“Hay, ayoko pa naman sanang pumunta doon at baka magalit nanaman yung masungit na ‘yon.Tsaka, ok na kami na walang communication sa isa’t-isa,” sabi ko sa sarili na naiinis sa sitwasyon.
Pero napilitan na rin akong pumunta sa apartment ni Carlo para mabawi ang late ko at para magkaroon ng malaking chance na ma-regular ako sa work kung wala akong late record. Pagdating ay kumatok ako sa pinto ng apartment at binuksan n’ya naman agad ito.
Nakatapis nanaman s’ya at bagong paligo pa lang. Nakita ko nanaman ang abs nya at firm na ma-muscle n’yang braso.
“Ayoko ng makita ang mga bagay na ito,” bulong ko sa sarili.
“Bakit nandito ka nanaman? Stalker ka ba? Sabi ko na hwag ka nang pupunta dito ‘di ba?” pagsusungit n’ya nanaman.
Kung pumasok ka ng maaga, hindi sana ako pupunta dito. May pinapakuha lang si Ma’am na files kaya bigay mo na sa akin. Bilis!” pagsusungit ko din.
“Sige na, pumasok ka muna,” anyaya n’ya.
“Hindi na. ibigay mo na yung file para makaalis na agad ako,” pagtanggi ko na pumasok sa loob ng apartment.
“Kung ayaw mo hwag. Bahala kang mainitan dyan sa labas.” sabay pasok n’ya sa loob ng bahay pero iniwan n’ya ang pintong nakabukas kaya pumasok na rin ako dahil maaraw sa kinatatayuan ko.
“Wala ka namam palang sakit. Dapat tumawag ka sa office na mala-late ka lang,” panenermon ko sa kanya habang papunta ako sa study table niya.
“Sino ba may sabing may sakit ako? Na-late lang ako ng gising, pumunta ka na agad. Nasasanay ka ng pumupunta mag-isa dito. ‘Di ka ba nahihiya?” pang-iinis nanaman n’ya habang hinaharang ako at di makalapit sa table niya
Excuse me! Ang kapal mo. Oo, nakakahiya talaga at nahihiya ako sa sarili ko kung bakit pinapatulan pa kita. Eh, di ka naman worth na kausapin tsaka, para sabihin ko sa ‘yo na pag-utusan lang ako. Akala mo ba na gusto kong pumunta dito?” ‘di ko maiwasang talakan s’ya dahil sa mga sinabi n’ya.
“Baka nga. Baka gusto mo lang akong makita,” pang aasar n’ya pa.
“Bakit ko naman gugustuhing makita ka? Sino ka ba at nakakainis ka kaya. Padaanin mo kaya ako para makuha ko ng yung files,” sagot ko naman.
“Talaga ba,” sabay lapit ng mukha n’ya sa mukha ko.
Itinulak ko naman s’ya papalayo sa akin.
Sabay sabi ko na,” Ano ba yan? Basa. Ewww. Magbihis ka na nga at mahiya ka naman sa akin.”
“Ang arte gusto rin naman. Ano ba ‘yang dala mo? Para sa akin ba ‘yan?” usisa n’ya sa dala kong snacks.
“Hinde ‘no, pabili lang ‘to.. Ang tagal mo, ibigay mo na kasi,” pang aatat ko sa kanya.
“Akala ko para sa akin yan kasi baka hinde pa ako kumakain katulad nung last na punta mo at baka bumalik ka pa dito mamaya,” patuloy na pang-iinis n’ya.
“Wala akong pake sa ‘yo kung magutom ka. Magpasundo ka na lang sa ibang babae kung gusto mong kumain. Alam mo nagtatagal tayo at mapapagalitan na ako tsaka ayaw mo naman ng mga bigay ko ‘di ba?” paalala ko, sabay taas ng isang kilay ko.
“Ahh yung cake ba? ‘Di kasi ako mahilig sa sweets, sorry ha. Tsaka nagselos ka ba nang may kasama akong ibang babae?” sarcastic na pag-sosorry n’ya.
“Selos? Bakit? Kung ayaw mo naman pala ng sweets, eh ‘di hwag ka ng mag-expect. Ano, matagal ka pa? Magbihis ka nga.” sasabog na talaga ako sa pagkabwisit sa kanya. Ang galing n’ya talaga sa pang-iinis sa akin.
“Heto na nga magbibihis na. Ang daldal mo kasi at ang selosa mo. Intayin mo na ako,” paninisi n’ya pa sa akin.
“Ako? Ibigay mo na kasi at kailangan na daw yung files at para makaalis na ko,” pangungulit ko sa kanya.
Hindi n’ya inintindi ang sinabi ko at nagpatuloy lang s’ya sa pagbibihis at ayaw n’yang ibigay ang files na hinihingi ko. Hinanap ko sa drawer niya ngunit wala ang files.
Pagkatapos n’ya magbihis,
“Ano na, Carlo?” pagmamadali ko sa kanya.
“Tara na nga. Sumabay ka na sa akin para ‘di ka mapagalitan,” sabi n’ya.
“Alangan naman na magpaiwan ako dito ‘di ba.”
Akala ko ay sasakay kami ng taxi ngunit bigla s’yang sumakay sa isang motor at pinaaangkas n’ya ako dito. Nag-alangan pa ako nung una pero ayoko na ring magtagal pa sa byahe at sumakay sa mahal na taxi. Sumakay na rin ako at iniilagay n’ya ang mga kamay ko sa bewang n’ya.
“Kumapit kang maigi at baka mahulog ka.”
Binibilisan n’ya ang patakbo sa motor para kumapit pa ako ng mahigpit sa bewang n’ya. Takot din naman akong mahulog kaya no choice ako sa pagkapit sa kanya. Napapatili na lang ako minsan kapag sumisingit s’ya sa mga sasakyan sabay hampas sa balikat n’ya.
“Hwag ka nang magmadali at late na rin naman tayo,” sigaw ko para marinig niya.
“Ano?” sabi niya.
“Hwag mong bilisan, damuho ka!” naiinis na sabi ko
Pero lalo n’ya lang binilisan ang pagpapatakbo at pagsingit sa mga kotse. Pagbaba ko sa motor at paghubad ng helmet ay hinagis ko ito sa kanya. Agad akong pumasok sa building papuntang elevator dahil ayokong may makakita sa sa amin na magkaangkas kami sa motor at sabay kaming papasok sa opisina. Nakakahiya at baka mapagchismisan pa kami.
Ang tagal ng elevator kaya nag-abot din kami sa loob nito. Medyo punuan at nagpumilit pa s’yang sumakay. Medyo masikip kaya sinasadya n’ya na magkadikit ang mga braso naming at siksikin ako. Pagdating ay nauna pa s’yang pumasok sa loob ng opisina at nagpahuli ako ng kaunti para hindi halatang sabay kami pumasok. As usal, walang pansinan pa rin sa loob ng opisina.
“Bakit ngayon ka lang? Saan ka pa galling?” usisa ni Cindy.
“Paano ba naman inutusan ako ni Ma’am na pumunta sa apartment ni Carlo para kunin ko raw yung files kasi akala nila, ‘di s’ya papasok at sakto naman na paalis pa lang ako sa dorm. Tapos itong Carlo na ito eh, papasok naman pala at mala-late lang.”
“Ibig sabihin sabay kayong pumasok?” muling tanong ni Cindy.
“Oo, pinaangkas pa ako sa motor n’ya. Parang may sayad ‘di ba?”
“Ang sweet naman. Niyakap mo ba habang nakaangkas ka? Pagkakataon na ‘yun girl at baka meant to be!” kinikilig na sabi n’ya.
“Imposible. Kung alam n’yo lang kung paano kami magbangayan. Nakakabwisit s’ya at ang sungit n’ya at kanina ang bilis ba namang magpaandar ng motor,” paglalabas ko ng sama ng loob.
“Broken hearted nga raw kasi ‘di ba? ‘Di maka-move on sa ex kaya masungit. Kanina pala sa meeting may team building daw tayo sa Friday at Saturday. Tapos sabay outing na ng Sunday. Exciting diba!” pagbabalita ni Mira.
“Anong exciting do’n? Papahirapan tayo doon. Hiking, tapos mag-tetent,” apila ni Mira.
“Malay mo naman baka masaya at nandun si Marco,” kinikilig na sabi ko.
“Hay naku, never mind. Naka move on na ko sis at wala na s’ya sa akin.”
“Ang taray ha. Ikaw na talaga sis,” sagot ko.
“Baka ikaw Armie ang sumaya pagkasama mo ulit si Carlo,” panunukso ni Mira.
“Naku, ang sungit kaya no’n at baka itulak ko pa s’ya sa bangin. Tsaka may sumundo daw na babae nung isang araw ‘di ba kaya baka may girlfriend na ulit at pa-hard to get s’ya.
“Para raw hard to forget,” sabay tawa nilang dalawa.
“Ewan ko sa inyo mga loka-loka.”
FRIDAY MORNING
Maaga ang alis para sa team building. Tatlong van kami para sa buong department na papuntang Batanggas na may 2-3 na oras na byahe ang tagal sa tantya ko.
Magkasama kami ni Mira sa van at si Cindy naman ay sa ibang van nakasakay. Sumakay din sa van namin sina Drew at Carlo. Sa likod kaming dalawa pumuwesto ni Mira at tumabi sa akin si Drew at si Carlo naman ay napaupo sa harapan namin. Medyo maingay sa loob dahil sa daldalan ng iba naming mga kasama perovsana ay makatulog pa ako sa byahe kahit kaunti.
“Kamusta na kayo? ‘Di na tayo naka-alis ulit.” pagbati sa amin ni Drew.
“Oo nga eh. Sayang masaya pa naman ‘yon lalo na kapag kasama ka,” pambobola ko sa kanya.
“Next time ituloy natin at tiyak namasaya ‘yon,” dugtong pa n’ya.
“Sige, pwede naman kaso busy yata kayo sa work.”
“’Di naman masyado. Boring nga pag-weekend kasi walang magawa at nakakasawa nang kasama yung dalawa.”
“Lumalabas pa pala kayong tatlo? Tapos may kasamang mga girls siguro,” pang-iintriga ko pa sa kanya.
“Inom-inom lang pagsobrang bored pero walang kasamang girls. ‘Tsaka ‘di naman kayo sumasama.”
“Ano bang activities mamaya?” pag-usisa ko at para may idea ako sa mga gagawinsa team building.
“Iba kasi ngayon. May hiking daw tapos magte-tent. Ewww nga e,” maarteng sagot n’ya.
“Bakit ewww?”
“Malamok for sure tapos mainit sa tent,” sagot naman n’ya.
“Ang arte arte naman! Kutis mayaman,” pabiro ko.
“Sensitive kaya ang skin ko. Baka kagatin ako ng mga insects.”
Nag stop over muna kami para mag almusal sa isang fast food. Hindi tumabi sina Drew dahil ayaw siguro ni Carlo kaya sa iba sila pumuwesto ng upuan. Habang nakapila ako at si Mira, ay pumila na din sina Drew at Carlo.
“Saan kayo nakaupo?” tanong ni Drew.
“Sa banda roon. Ayun si Cindy. Join kayo sa amin,” yaya ni Mira.
“Baka masikip na at doon na lang kami sa kabila,” sagot naman ni Drew.
Kinalabit ko si Mira para matauhan s’ya na may conflict kami ni Carlo at di kami pwedeng magkasama.
“Ay, oo nga masikip na kapag magkakasama tayo. Sige dun na lang kayo,” sabay sabi ni Mira.
Pagkaorder ay umupo na kami sa tabi ni Cindy para kumain at pagkatapos ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming service. Ganoon pa rin na magkatabi kami ni Drew na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Mukhang ‘di ako makakatulog o makakanood ng kdrama man lang dahil sa kakulitan at kadaldalan ni Drew. Mabuti pa si Mira na nakahilig na sa tabing bintana ng van.
May dala akong mga snacks at binigyan ko rin sila sa loob ng van. Inabutan ni Drew si Carlo pero tinanggihan n’ya lang. Mabuti na lang at hindi ako ang nag-alok sa kanya.