“Pumunta ka ulit sa apartment ni Carlo at may papakuha akong files dahil mukhang ‘di nanaman papasok yung lalaking ‘yon. Tinatawagan ko na pero ‘di sumasagot. May kailangan s’yang ipasa na urgent at Ikaw lang ang nakakaalam ng apartment n’ya. In return ‘di na kita lalagyan ng late sa record mo.”
“Hwag na po ako Ma’am, please! Ang sungit po ‘non”
“On the way ka na rin ‘di ba? Hwag nang maraming tanong. Pumunta ka na agad kung ayaw
mong mapagalitan ng Head natin.”
“Hay, ayoko pa naman sanang pumunta doon at baka magalit nanaman yung masungit na ‘yon.Tsaka, ok na kami na walang communication sa isa’t-isa,” sabi ko sa sarili na naiinis sa sitwasyon.
Pero napilitan na rin akong pumunta sa apartment ni Carlo para mabawi ang late ko at para magkaroon ng malaking chance na ma-regular ako sa work kung wala akong late record. Pagdating ay kumatok ako sa pinto ng apartment at binuksan n’ya naman agad ito.
Nakatapis nanaman s’ya at bagong paligo pa lang. Nakita ko nanaman ang abs nya at firm na ma-muscle n’yang braso.
“Ayoko ng makita ang mga bagay na ito,” bulong ko sa sarili.
“Bakit nandito ka nanaman? Stalker ka ba? Sabi ko na hwag ka nang pupunta dito ‘di ba?” pagsusungit n’ya nanaman.
Kung pumasok ka ng maaga, hindi sana ako pupunta dito. May pinapakuha lang si Ma’am na files kaya bigay mo na sa akin. Bilis!” pagsusungit ko din.
“Sige na, pumasok ka muna,” anyaya n’ya.
“Hindi na. ibigay mo na yung file para makaalis na agad ako,” pagtanggi ko na pumasok sa loob ng apartment.
“Kung ayaw mo hwag. Bahala kang mainitan dyan sa labas.” sabay pasok n’ya sa loob ng bahay pero iniwan n’ya ang pintong nakabukas kaya pumasok na rin ako dahil maaraw sa kinatatayuan ko.
“Wala ka namam palang sakit. Dapat tumawag ka sa office na mala-late ka lang,” panenermon ko sa kanya habang papunta ako sa study table niya.
“Sino ba may sabing may sakit ako? Na-late lang ako ng gising, pumunta ka na agad. Nasasanay ka ng pumupunta mag-isa dito. ‘Di ka ba nahihiya?” pang-iinis nanaman n’ya habang hinaharang ako at di makalapit sa table niya
Excuse me! Ang kapal mo. Oo, nakakahiya talaga at nahihiya ako sa sarili ko kung bakit pinapatulan pa kita. Eh, di ka naman worth na kausapin tsaka, para sabihin ko sa ‘yo na pag-utusan lang ako. Akala mo ba na gusto kong pumunta dito?” ‘di ko maiwasang talakan s’ya dahil sa mga sinabi n’ya.
“Baka nga. Baka gusto mo lang akong makita,” pang aasar n’ya pa.
“Bakit ko naman gugustuhing makita ka? Sino ka ba at nakakainis ka kaya. Padaanin mo kaya ako para makuha ko ng yung files,” sagot ko naman.
“Talaga ba,” sabay lapit ng mukha n’ya sa mukha ko.
Itinulak ko naman s’ya papalayo sa akin.
Sabay sabi ko na,” Ano ba yan? Basa. Ewww. Magbihis ka na nga at mahiya ka naman sa akin.”
“Ang arte gusto rin naman. Ano ba ‘yang dala mo? Para sa akin ba ‘yan?” usisa n’ya sa dala kong snacks.
“Hinde ‘no, pabili lang ‘to.. Ang tagal mo, ibigay mo na kasi,” pang aatat ko sa kanya.
“Akala ko para sa akin yan kasi baka hinde pa ako kumakain katulad nung last na punta mo at baka bumalik ka pa dito mamaya,” patuloy na pang-iinis n’ya.
“Wala akong pake sa ‘yo kung magutom ka. Magpasundo ka na lang sa ibang babae kung gusto mong kumain. Alam mo nagtatagal tayo at mapapagalitan na ako tsaka ayaw mo naman ng mga bigay ko ‘di ba?” paalala ko, sabay taas ng isang kilay ko.
“Ahh yung cake ba? ‘Di kasi ako mahilig sa sweets, sorry ha. Tsaka nagselos ka ba nang may kasama akong ibang babae?” sarcastic na pag-sosorry n’ya.
“Selos? Bakit? Kung ayaw mo naman pala ng sweets, eh ‘di hwag ka ng mag-expect. Ano, matagal ka pa? Magbihis ka nga.” sasabog na talaga ako sa pagkabwisit sa kanya. Ang galing n’ya talaga sa pang-iinis sa akin.
“Heto na nga magbibihis na. Ang daldal mo kasi at ang selosa mo. Intayin mo na ako,” paninisi n’ya pa sa akin.
“Ako? Ibigay mo na kasi at kailangan na daw yung files at para makaalis na ko,” pangungulit ko sa kanya.
Hindi n’ya inintindi ang sinabi ko at nagpatuloy lang s’ya sa pagbibihis at ayaw n’yang ibigay ang files na hinihingi ko. Hinanap ko sa drawer niya ngunit wala ang files.
Pagkatapos n’ya magbihis,
“Ano na, Carlo?” pagmamadali ko sa kanya.
“Tara na nga. Sumabay ka na sa akin para ‘di ka mapagalitan,” sabi n’ya.
“Alangan naman na magpaiwan ako dito ‘di ba.”
Akala ko ay sasakay kami ng taxi ngunit bigla s’yang sumakay sa isang motor at pinaaangkas n’ya ako dito. Nag-alangan pa ako nung una pero ayoko na ring magtagal pa sa byahe at sumakay sa mahal na taxi. Sumakay na rin ako at iniilagay n’ya ang mga kamay ko sa bewang n’ya.
“Kumapit kang maigi at baka mahulog ka.”
Binibilisan n’ya ang patakbo sa motor para kumapit pa ako ng mahigpit sa bewang n’ya. Takot din naman akong mahulog kaya no choice ako sa pagkapit sa kanya. Napapatili na lang ako minsan kapag sumisingit s’ya sa mga sasakyan sabay hampas sa balikat n’ya.
“Hwag ka nang magmadali at late na rin naman tayo,” sigaw ko para marinig niya.
“Ano?” sabi niya.
“Hwag mong bilisan, damuho ka!” naiinis na sabi ko