CHAPTER 6

1164 Words
Pumasok naman agad kinabukasan si Cindy at di maipinta ang mukha. Galit ba s’ya o malungkot? Hindi nagkukwento at ‘di rin naman namin s’ya tinatanong kung anong nangyari sa kanila ni Marco . Iintayin namin na s’ya ang maunang mag-open up ng mga nangyari sa kanila nang gabing iyon. ‘Di sila nagpapansinan ni Marco at ‘di na rin kami nagpapansinan ni Carlo dahil sa mga nangyari. Lumipas ang ilang araw at parating na ulit ang sabado. Naalala ko ang plano namin na mg road trip sa Cavite na mukhang ‘di na matutuloy. Sayang yung mabubuong friendship sana pero nawala na agad at sayang dahil masaya pa naman silang kasama. Breaktime After kumain ay gusto ko lng sana lumabas ng building para umupo at makakita ng nature. Nakita ko si Drew sa likod ng office building na nakatambay lang sa maliit na garden kaya nilapitan ko s’ya at nakipagkwentuhan.  “Hi sir!” nakangiting bati ko sa kanya. “Ang ganda naman ng ngiti mo at blooming ka pa. May inspirasyon na ba?” pambobola n’ya. “Blooming? Walang inspirasyon at puro depression lang,” pagbibiro ko pa. “Mukhang malabo na mga plano natin na mag-road trip ha. Not in good terms na yata yung dalawang lovebirds.” “Oo nga, sayang ‘no. Pero malay natin baka in the near future matuloy din,” malungkot kong sagot pero positive vibe. “Sana nga at ituloy natin ‘yun. Ikaw, kung yayayain kita, sasama ka ba?” tanong n’ya. Napangiti ako at natigilan saglit. “Ahh, depende kung saan or kung sinong kasama pa or kung seryoso ba o drawing lang,” sagot ko na ‘di sigurdo. “Seryosong tanong ‘yon,” sabi n’ya pa. Napatitig lang ako sa kanya dahil ‘di ko alam ang isasagot ko sa mga ganung biglaang tanong. “Dipende,” tanging nasabi ko. Bigla ko lang naisip na tanungin s’ya. “Kung may magdadala sa ‘yo ng food sa bahay mo, magagalit ka ba?” “Hindi, matutuwa pa nga ako. Bakit, nagalit ba s’ya?” pag uusisa n’ya. “Oo at hwag na daw akong pupunta sa apartment n’ya. Please hwag mong sabihin na sinabi ko sa’yo kasi ang sensitive n’ya,” pag-eexplain ko. “’Di ko rin maintindihan ‘yang si Carlo. Ayaw pang mag move on sa dati niyang gf na iniwanan s’ya kaya woman hater na yata. Pagpasensyahan mo na at ayaw n’ya rin kasi na tinutukso s’ya tungkol sa babae,” paliwanag ni Drew. “Baka gusto n’ya sa lalaki s’ya tuksuhin.  Hwag mo kong isumbong at baka lalu pang magalit sakin.” Sa totoo lang ay cute rin naman itong si Drew. S’ya yung mukhang pinakamabait sa kanilang tatlo at palangiti pa. Ang ganda rin ng malamlam n’yang mga mata at makapal na kilay. Nahihiya ako tuwing tumitingin s’ya habang nag-uusap kami kasi parang nang-aakit ang mata n’ya. Sa dorm Mukhang kalmado naman si Cindy. Balak sana naming tanungin siya pero tumityempo pa lang kami. “Ano, may itatanong ba kayo?” napansin n’ya na balisa kami ni Mira. “Eh, ano bang nagyari?” pag-uusisa ni Mira. “Wala naman. Umasa lang ako pero pinigilan ko naman pero masakit pala,” malabong pahayag n’ya na may malungkot na boses. “Kala ko ba wala lang ‘yun at keri lang? Bakit may ganyan na ngayon?”  paalala pa ni Mira. “Noong una akala ko wala lang. Habang magkasama kami, pinaramdam n’ya sa akin na importante ako at feeling ko ay ako na ang pinakamagandang babae nung gabing ‘yun. Kaya parang tinamaan ako sa kanya at parang mahal ko na nga s’ya.” “Ayan na nga ba ang sinasabi namin. Marupok pala si sister. Playboy yun e, walang sineseryosong babae at relasyon,” paalala ko rin kay Cindy. “Alam ko naman kaso ‘di ko talaga napigilan kaya hwag n’yo na akong pagalitan please,” naiiyak na sagot n’ya. “Tapos, wala na? Good bye Philippines na si Marco sa ‘yo?” tanong ni Mira na may halong pangungutya. “Wala na s’ya pagkagising ko. Tapos tine-text at tinatawagan ko, parang nakapatay na ang cellphone n’ya.” “Ok lang yan sis at makaka move on ka rin at makakahanap ng iba,” ani Mira. “Ang worst pa, nung nagkita kami sa work, tinanguan n’ya lang ako. Parang walang nangyari. Ano, tropa lang?” saad pa ni Cindy. “Playboy nga kasi. Gawain n’ya na siguro ‘yan sa mga babae. Pakikiligin para ibigay ang gusto n’ya tapos good bye na,” pag-e-explain ko pa. “Siguro nga. Takot sa commitment kaya laro-laro lang ang ginagawa,” dagdag pa ni Cindy. “Makakatagpo rin yan ng katapat n’ya. Someday mare-realize n’ya na dapat nagseseryoso s’ya at ‘di pinaglalaruan ang mga babaeng marurupok kagaya ni Cindy,” pabiro ko. “Ahh talaga ha!” sabay kiliti sa tagiliran ko ni Cindy. “Joke lang! Strong girl ka nga eh,” pang aasar ko pa. “Kumain na lang tayo. Bumili tayo ng food sa convenient store,” sabat naman ni Mira. “Sige, ibili n’yo ako ng ice cream ha kasi sobrang lungkot ko talaga ngayon at ayokong lumabas,” paawang sabi ni Cindy. “Ano, swerte lang? Akina pambili at dagdagan mo ha para sa aming dalawa ni Armie,” pang-aasar pa ni Mira. “Malungkot na nga yung tao, pagagastusin nyo pa. Ilibre n’yo na ako.” “Bahala ka d’yan at maging malungkot ka na lang,” sabi ni Mira sabay tawa naming dalawa. “Ang sama n’yo talaga.” Habang nagdi-dinner sa dorm ay sabay na rin naming kinain ang snacks galing sa convenient store at panay kwentuhan pa rin kaming tatlo. “Sabado na ulit bukas mga sis! Anong plano? Hinde na matutuloy ang road trip natin. Uuwi ba kayo?” usisa ko. “Uuwi muna ako sa amin kasi gusto kong magpahinga sa Bulacan kahit isang araw lang para makapag isip-isip ng mga bagay-bagay,” sagot ni Cindy. “Isama mo na lang kami sa inyo. Sige na please, isama mo na kami. Kawawa naman kami na walang mapuntahan,” pamimilit ni Mira. “Hwag na, pahinga nga e. Aasikasuhin ko pa kayo at alagain kaya kayong dalawa. Paano ako makakapahinga kapag nandun kayo?” “Grabe! Ang sama naman ayaw mag-sama,” pangungunsensya ko sa kanya. “Hwag muna ngayon mga sis kasi I need some rest at Me time, ok. Para ma-refresh ang utak ko sa mga nangyari. Next time na lang isasama ko kayong dalawa, promise! Mag swimming tayo dun sa resort na malapit sa amin na maganda.” “Wish ko lang na sana matuloy ‘yan na magbonding tayong tatlo at mag boys hunting tayo. Masaya ‘yun tapos foodtrip ‘di ba?” gumana pa ang wild imagination ko. “Boys talaga ang pakay ha at infairness may point ka naman dyan,” pagsang-ayon pa ni Mira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD