CHAPTER 9 HIKING

2109 Words
Dumating na kami paghi-hikingan naming pass 7am. Medyo mainit na at nakakapagod ito for sure. Matapos malaman ang mga rules and regulations sa pag-akyat ay go na agad kaming lahat. Aakyat lang tapos konting pahinga, bababa na at pupunta naman sa camping site. Medyo nahihirapan ako dahil hingalin talaga ako at mabagal pang lumakad at umakyat. Ang ibang boys ay nasa likuran namin para umalalay at ang iba naman ay nasa unahan para mahatak at bumilis ang flow ng hiking. “Hoy, hintayin n’yo naman ako. Bakit ba kayo nagmamadali?” sabi ko sa dalawang girls. “Hindi kami nagmamadali, mabagal ka lang. Panay higa ka kasi at kulang ka sa exercise,” maagang pang-aasar agad ni Cindy. “Thank you sa suporta mga, sisi!” Nainip na kaya nilampasan na rin ako ng ibang boys pero ok lang naman ako na maglakad mag- isa sa hulihan para walang pressure at mae-enjoy ko pa ang nature. Nasa likod ko pa si Drew kaso ay tinawag s’ya ni Ma’am Lorna para magpaalalay s’ya dito dahil crush na crush n’ya talaga si Drew kaya naiwan nang mag-isa sa likod si Carlo. “Mauna ka na rin kung naiinip ka. Kaya ko naman,” maagang pagsusungit ko at baka maunahan n’ya pa akong magsalita. “Ang bigat na kasi ng katawan mo at kain ka kasi ng kain sa loob ng van kanina,” sagot n’ya. “Eh, ano naman sa kanya? At bakit s’ya tumitingin habang kumakain ako?” nasabi ko sa sarili ko. “Mauna ka na at ‘di ko naman kailangan na may umalalay sa akin,” sabi ko pa. “Inaalala lang kita at mukhang lalampa-lampa ka kasi. Baka kasi madulas ka at bumalik ka nanaman sa ibaba kaya naaawa ako sa’yo,” pangangatwiran n’ya pa. “Salamat sa concern ha at wala kang pake,” sarcastic kong sagot.  Nakakaasar talaga s’ya at antipatiko pa. Pasalamat na lang s’ya at gwapo s’ya kung hindi, hindi ko talaga s’ya papansinin. Ayoko na ring makipagtalo sa kanya kaya tahimik na lang ako. Nang bigla n’yang hawakan ang braso ko sa may pulsuhan at pilit n’ya akong isinasabay sa bilis ng lakad n’ya. “Hwag ka nang mag-inarte at ayokong makipagtalo ngayon kaya bilisan na natin,” paalala n’ya na parang boyfriend ko s’ya. Ayoko din mapagod sa pakikipagtalo sa kanya kaya tahimik lang kaming umakyat na matiwasay. Walang asaran o sumbatan o ano pa man. Inalalayan n’ya lang ako kapag medyo mataas ang bato na sasampahan o kaya ay may maputik na parte. Inabutan ko s’ya ng mineral water kahit alam kong tatanggihan n’ya pero nagulat ako ng tanggapin n’ya ito. One and a half hour bago kami nakaakyat. Pang huli na kami ni Carlo dahil sa bagal ko pero yung iba siguro ay isang oras lang ay nasa tuktok na. “Binagalan mo talaga ‘no,” pangungutya nanaman ni Cindy. “Hoy, hindi kaya. Hindi na nga ako nagpahinga para bumilis na sa pag-akyat,” hingal na sabi ko at paliwanag ko. “Tuwang-tuwa si girl oh! Uyyy,” pakilig na sabi ni Mira. “Nagkusa kaya s’yang hawakan ang kamay ko at s’ya ang nagprisinta na alalayan ako. Ewan ko ba d’yan kay Carlo, magsusungit tapos s’ya rin naman ang lapit ng lapit. ‘Di maintindihan.” “Tama na nga yang Carlo na ‘yan.  Ang ganda dito at ang ganda ng view tara na at mag-picture na tayo. Bilisan n’yo,” pagaapura ni Cindy. Maya-mya ay nag-announce na konting saglit na lang ay kailangan na naming bumaba para hindi kami abutin ng sobrang init sa tanghali. Mas madali na kaming nakababa at sabay-sabay na kaming tatlong girls at si Carlo at Drew ay malayo na ang agwat sa amin. Sa camp site: Magtatayo kami ng kanya-kanya naming tent at kaming tatlong girls ang magkakasama sa isang tent. Sina Marco, Carlo at Drew naman ang magkakasama sa kabilang tent. Kadadating lang ni Marco kaya ‘di sya nakasama sa hiking. Nagpe-prepare naman ang group namin para sa lunch na ilalagay sa tatlong long table. Pumuwesto ako sa paggagayat ng itlog, kamatis, manga at kung anu ano pa. Tumabi sa akin si Drew at nakigayat na rin.  “Marunong ka ba n’yan?” tanong ko sa kanya. “Medyo lang. Kaya ko ‘to.”  “Manggugulo ka lang yata dito eh,” pang-aasar ko habang tinitingnan kung tama ang ginagawa n’ya. Si Carlo sana ang gusto kong lumapit kaso ang ilap n’ya at panigurado naman na iniiwasan n’ya ako. Nagkulitan lang kami ni Drew habang naggagayat at masaya rin naman ako kapag kausap s’ya kahit sobrang daldal at kulit n’ya. Inayos na namin ang food para sa aming lunch. Sa aming table ay katabi ko si Mira at umupo na agad kami kahit nag-aayos pa ang iba. Si Drew naman ay kausap na ibang co-worker namin na babae at napapansin ko na madalas s’yang inaapproach ng isa pa naming kasamahan na babae maliban pa kay Ma’am Lorna. Tinabihan ako ni Carlo pero ‘di kami nagpapansinan. Mya-maya ay nagstart na rin kaming kumain at humabol naman si Drew at sa tabi ni Carlo s’ya napaupo. “Dahan-dahan lang ang kain, tumataba ka na,” pang-asar nanaman ni Carlo. Umiiwas s’ya sa akin pero gusting-gusto n’ya akong asarin kapag may pagkakataon. Tiningnan ko s’ya ng masama at nagbuntong hininga ako sabay irap sa kanya. “Ayaw mo ba akong tumaba?” malambing kong sagot para asarin s’ya. Pinipigilan kong sagutin s’ya pero nakakainis kasi talaga s’ya. “’Di kita magugustuhan kahit sexy ka,” prangkang sagot n’ya. Naghiyawan ang mga katabi namin sa mesa na parang nanonood ng nag-aaway na kapitbahay. Ang sakit n’yang magsalita at personalan na. Pero kalma lang ako dahil ‘di naman ako pikon pero pag s’ya ang nagsalita, nasasagad na talaga ang pasensya ko. “Sure! Sino ba naman talaga ako para magustuhan mo?” pangungunsenya ko sa kanya. “Napipikon ka na ba?” tanong pa n’ya na pang-iinis. “’Di naman ako pikon and I’ll take it positively. Hwag kang magsisisi kapag sa susunod ay gusto mo na ako pero ‘di rin kita magugustuhan. ‘Di rin ako madaling makalimot sa mga bad comment sa akin.” “Ok, noted po ma’am,” Sagot pa n’ya. Tawang-tawa naman ang mga katabi naming sa pag-aasaran naming dalawa ni Carlo. Umalis ako para kumuha ng drinks at nakita ko na sinundan n’ya ako ng tingin. Akala n’ya siguro ay tuluyan na akong aalis sa hapag. “Ano sa palagay n’ya, weak ako sa asaran? At lalong ‘di ako weak sa kainan.”  Pagbalik ko ay may dala akong apat na juice at binigyan ko pa rin s’ya kahit inaasar n’ya ako palagi. “Uminom ka muna at baka mabulunan ka sa kadaldalan mo,” ganti ko sa mga pang-iinis n’ya. Napangisi lang s’ya sabay inom ng juice. Proceed na kami sa groupings after kumain ng lunch at naka-apat na games kami nang hapon iyon. Physical and mental games ang mga pinaglabanan ng bawat groups na puro tawanan at mga kalokohan lang naman ang mga nagawa namin. ‘Di maiwasan ang magdayaan pero ‘di naman naming ito sineseryoso. Pure bonding lang at para sa masayang samahan. Hapon na agad at ang bilis ng oras kapag nage-enjoy sa ginagawa. Kailangan na naman namin mag-prepare ng food para sa dinner tapos groupings daw ulit sa gabi dahil may light activities na lang daw ang gagawin mamaya para maagang makapahinga na rin. Mga inihaw ang foods namin ng dinner. Chicken, liempo at hipon at may mga pinoy side dishes na itlog at kamatis, talong at bagoong. After kumain ay pumunta kami sa isang open place na may mga Capiz lantern sa paligid at may mga upuan at mesa rin na naka-ready. Kwentuhan lang, tawanan, na may konting inuman din. In-inform kami na wala naman talagang activities ngayong gabi at bahala na kaming magpahinga or magbonding lang sa isa’t-isa. Inutusan si Marco na bumili ng dagdag na drinks since late naman s’yang dumating at ‘di s’ya sumama sa hiking. May dala rin kasi s’yang sariling sasakyan kaya sinasama n’ya si Carlo papunta sa convenient store para bumili. Pero biglang tinawag si Marco ng head namin. “Marco halika muna. Si Carlo ba yang kasama mo? S’ya na lang muna ang pabilihin mo ng drinks at may pag uusapan lang tayo saglit.” sabi ng head namin Bigla namang hinila ako ni Carlo sa aking braso. “Samahan mo ako para may taga bitbit,” pag-utos n’ya sa akin. “Talaga? Tagabitbit? Ang ganda ko namang tagabitbit ‘no. Hoy, Carlo, Para sabihin ko sa ‘yo ha, hindi mo na pwedeng gawin ang gusto mong gawin sa akin. Pinaglalaruan mo ba ako?” pagsusungit ko pa sa kanya. Umalis na s’yang mag-isa na parang napikon sa sinabi ko. “S’ya pa ang galit ngayon,” saad ko. Maya-mya ay nagyaya na ‘din sina Drew at Marco para sumunod sa convenient store dala ang isang van. May iba pa daw na bibilhin at sumama naman sina Mira at Cindy at pilit din akong isinama. Sumama na rin ako at wala na akong nagawa. Pagdating sa convenient store ay hinila nila ako pababa kahit ayaw ko na sana dahil makikita ko pa si Carlo. Pumili na sila ng mga bibilin na drinks at snacks.  Nagtingin na din ako at pumili ng mga gusto kong bilhin para sa akin. Nagkatinginan kami ni Carlo sabay ngisi n’ya na nang-iinis. “Magbabayad na ako at isabay mo na ‘yang mga nakuha mo,” alok ni Drew. “Hwag na. Ako na dito,” nahihiyang sabi ko. Kinuha n’yang pilit ang mga dala ko. Wala na akong nagawa kundi ang ibigay ang mga ito at ngumiti na lang dahil makakalibre ako ng snacks. Palabas na sana kami pagkatapos magbayad pero biglang bumuhos ang ulan kaya napatigil kami. ‘Di na muna kami lumabas ng convenient store at napatingin si Carlo sa akin. “Malas ka talagang kasama,” pag-uumpisa nanaman n’ya. “Ikaw nga ang malas eh,” sagot ko naman. “Anong ibig n’yong sabihin? May issue ba kayong dalawa sa ulan,” usisa ng chismosong si Marco. Walang sumagot sa aming dalawa ni Carlo habang nakatingin silang lahat sa amin. Nag-stay pa kami saglit at nagpatila ng ulan sa loob ng convenient store. Umupo muna kami at kumain ng ice cream sa loob habang nakatingin sina Mira at Cindy na parang nang-iintriga. “Kainin mo itong isa, baka matunaw,” alok ko kay Drew. “Ayoko ng sweet.” sabi pa n’ya. “Kainin mo na kasi matutunaw lang sayang,” pamimilit ko pa. “Akin na nga kung ayaw n’yo,” sabay kuha ni Carlo. Maya-maya pa ay tumila na ang ulan. Pagbalik naming sa camp site, nagpasukan na sa mga kanya-kanyang tent ang ibang mga co-workers namin dahil sa ulan. Ang dami pa naman naming biniling drinks at snacks. “Tayo-tayo na lang. Masaya naman kahit konti lang tayo. Yayain na lang natin yung mga may gusto na lang mag-inom at maki-bonding sa atin,” sabi ni Drew. Nag-ayos na sila ng table na gagamitin namin at kami naman ay dumaan muna sa aming tent. “Hihiga na ako mga sis, kayo na lang ha. Inaantok na kasi ako. Gusto ko ng matulog tsaka naiilang ako kay Marco at ayoko muna s’yang makita ulit,” paalam ni Cindy. “Tara na, akala ko ba naka-move on ka na kay Marco. Konti na nga lang tayo, ‘di ka p sasama. Inom-inom lang naman tsaka kwentuhan,” pamimilit ni Mira. “Hindi na. Kayo na lang at pagod na talaga ako. Bukas na lang promise,” sagot ni Cindy. “Sige, bahala ka. Ok ka lang ba dito mag-isa?” tanong ko. “Oo naman. Sige na punta na kayo doon. Baka mainip sila at baka matulog na rin yung mga ‘yon,” sagot muli ni Cindy. Pinuntahan na namin ni Mira ang mga boys. Sinabi namin na matutulog na si Cindy at ayaw nang sumama. “Baka may ayaw makita,” pabiro ni Drew. Natawa lang si Marco at napailing at napansin ko na wala si Carlo. “Asan ang bestfriend ko? Matutulog na?” pagbibiro ko. “Pupunta lang daw sa tent at may kukunin,” sagot naman ni Drew. Maya-maya naman ay parating na si Carlo sa pwesto naming at akala ko ay matutulog na talaga s’ya. Napangiti ako ng bahagya pero hindi ako nagpahalata dahil ang gwapo n’ya sa puting tshirt na kanyang pantulog at itim na pajama. Dahil doon ay hindi ko maiwasan ang pagsulyap-sulyap sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD