CHAPTER 10 TRUE FEELINGS

2133 Words
“Hinahanap ka ni Armie at ang lungkot n’yan kanina noong wala ka,” pang-aasar ni Marco. “Baliw ka, hindi kaya. At bakit naman ako malulungkot? Masaya nga pagwala s’ya,” depensa ko sa sinabi ni Marco sabay hampas sa braso n’ya. “Na-miss mo na ako agad. Saglit pa lang akong umalis,” pang-iinis ni Carlo sa akin. Napatingin na lang ako ng masama kay Carlo sabay irap dito. “Kayo talaga, inaaway n’yo nanaman si Armie,” sagot ni Drew sabay upo n’ya sa tabi ng upuan ko. Mga ilang oras pa na kwentuhan at inuman, asaran at tawanan. ‘Di ko pinapansin si Carlo at si Drew naman ay panay kwento sa akin. Maya-maya ay nagyaya si Drew na maglakad-lakad sa may beach at si Marco naman ay nagpaalam na para magpahinga sa tent nila. Naiwan naman si Carlo na mag-isa sa table pagtayo naming lahat. “Ikaw Carlo?” yaya ni Drew. “Matutulog na rin ako,” sabay tayo at alis papuntang tent nila. Nagpa-iwan muna ako sa pwesto naming at nagbukas na lang muna ako ng f*******: para mag browse ng mga posts. Nag-iisip din ako kung susunod ba ako sa may beach pero napapagod na akong maglakad. Naupo pa ako saglit at tumingin lang sa mga bituin.  Maaga-aga pa din kasi at ‘di pa ako inaantok. Naisip ko na pumunta na lang din malapit sa beach para sundan yung dalawa. May iba pa namang guests na nakatambay din sa beach. Ang iba pa nga ay nakahiga sa nakalatag na kumot at ang iba naman ay nakaupo habang nagkukwentuhan. Natanaw kong naglalakad ang dalawa na naghaharutan pa na medyo malayo na. Mukhang masaya sila at ako naman, mag-isang nagmumuni-muni at naglalakad-lakad. Humihiling sa langit at mga bituin na magkaroon din ako ng kasama sa aking pagmo-moment pero hwag na si Drew dahil napapagod ang utak ko sa mga kwento n’ya sa sobrang dami. Kaya hindi na rin ako lumapit sa kanila. Umupo ako sa may malapit sa dagat. Tinatanaw ang dagat na wari’y dumaramay sa aking pag-iisa at nalulumbay na puso. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng pagkabagot dahil ako lang mag-isa. Nakakailang na lahat sila ay may mga kasama kaya patayo na sana ako nang, “Aalis ka na?” sabi ni Carlo na sumunod din pala at umupo s’ya sa tabi ko. “Oo, kasi nandito ka na. Akala ko ba matutulog ka na at bakit nandito ka?” mahinahon kong sagot na may konting pagtataray lang. “Naiisip kasi kita kaya ‘di ako makatulog at baka kung saan-saan ka na dinala ni Drew,” malambing na sagot n’ya. “Tss, ano nanaman ba itong trip mo Carlo? Bakit nagpapa-cute ka sa akin ngayon? ‘Di mo naman ako gusto ‘di ba? “Kinilig ka ba? Joke lang ‘yun. Ang dali mong pasakayin,” panunuya nanaman n’ya. “Ikaw ang napaniwala ko na naniniwala ako sa ‘yo. ‘Di ako madaling maniwala ‘no. Asa ka,” natatawang sabi ko.  “Tayo na. Gusto mo ako ‘di ba?” maangas na sabi n’ya. Napatawa ako ng slight. Oo kinilig ako pero pang-eechos nanaman n’ya ito kaya ‘di na lang ako sumagot. “Ano, gusto mo ba ako?” pangungulit pa n’ya. Medyo marami rin s’yang nainom kaya nabibiro n’ya ako ng ganito pero kung hindi ay puro pang-iinis lang ang alam n’ya. “Bakit naman kita magugustuhan?” tanong ko sa kanya. “Sagutin mo kaya yung tanong ko. Bakit tanong din ang sagot mo?” aniya. “Lasing ka na ‘no? Paano magiging tayo, eh, hindi mo naman ako gusto ‘di ba?” paliwanag ko sa kanya. “Paano kung gusto na rin kita,” pagpapa-cute n’ya pa. Kinikilig na talaga ako. Pero alam kong pinapasakay n’ya lang ako. “Itulog mo na lang ‘yan. ‘Di mo ko mapapasakay sa mga ganyan mo,” sabay tayo ko para iwanan na s’ya. Tumayo na rin s’ya at hinawakan ang kamay ko. “Isipin mo na totoo ako ngayong gabing ito at ang mga sinasabi ko,” sabay yakap sa akin ng mahigpit. Napaluha lang ako ng bahagya ng naramdaman ko yung kahit konti sa puso n’ya. Totoo man yun o hindi at dahil na rin siguro nahulog din agada ko sa malambing na tono ng boses niya. “Bakit umiiyak ka? Joke lang yun. Sabi mo hindi ka mabilis mapasakay,” pagbibiro nanaman n’ya. Patuloy na dumaloy ang luha ko. ‘Di ko na alam kung dahil ba sa may naramdaman akong sincerity sa kanya sa mga huling sinabi niya o dahil sa sakit na naramdaman ko dahil drama n’ya lang pala para pasakayin ako. ‘Di ko na alam ang totoo. Basta na iyak lang ako at ‘di ko na ito mapigilan pa. Patuloy s’ya sa pagsasabi n’ya na “Naniwala ka ba? Joke lang ‘yun!” patuloy din ang pag-iyak ko na lalung tumindi pa na may kasama ng hikbi. ‘Di ko na talaga mapigilan ang emosyon ko. Nag-panic s’ya at ‘di n’ya alam ang gagawin. Sorry s’ya ng sorry pero ‘di ako tumitigil sa pag-iyak. Hanggang sa niyakap n’ya lang ulit ako at paulit-ulit s’yang nag-sorry sa akin. Kumawala ako sa mga braso n’ya at naglakad na pabalik sa tent habang umiiyak pa rin ngunit sinundan n’ya ako. “Gusto ko nang magpahinga kaya umalis ka na,” sabi ko. “I’m sorry. Hwag ka nang umiyak please!” pag-aalala n’ya. ‘Di ko na s’ya pinansin at pumasok na ako sa tent. Nandun na rin pala si Mira para magpahinga. “Anong nangyari sis? Si Carlo nanaman ba? Talaga yung lalaking yun,” mahinang sabi n’ya na pagalit. “Bukas na lang sis. Pahinga na tayo,” pag-iwas ko na magkwento dahil maiiyak lang ako lalo. Lumabas ako ng tent para hindi magising si Cindy sa hikbi ko at ‘di mag-alala si Mira. Nagpakalma lang ako ng konti at pumasok na rin sa tent para magpahinga.   True Feelings Carlo: Tinanghali ako ng gising at panay na pala ang tawag sa akin sa opisina. Nagmamadali akong bumangon at naligo. Maya-maya ay may kumatok sa pinto at si Armie pala. Matagal-tagal na ring hindi nagku-krus ang mga landas namin. Malamang ay lagi n’ya akong iniiwasan kaya natuwa ako ng makita ko s’ya sa aking apartment kaya pinag-antay ko s’ya hanggang sa makapagbihis ako. Gustong-gusto ko talaga s’yang iniinis at marinig ang mga pagtataray n’ya kapag nagkikita kami. Parang musika sa aking tenga ang boses niya at nakakalimutan ko si Jenny kapag nag aaway kami ni Armie.  Balak ko talagang isabay na s’ya sa pagpasok sa opisina na kaangkas sa motor ko at ‘yun nga ang nangyari. Hiking Pumuweto kaming mga lalaki sa may bandang likuran ng mga babae para alalayan sila. Nakita kong maliliksi ang mga babaeng kasama namin at ‘di na kailangang alalayan pa. Maliban sa isang ito na weak sa lakaran at akyatan. Mukhang maiiwan at baka ‘di pa umabot sa tuktok at halos malayo na ang agwat ng ibang hikers sa amin. Naiinip na rin ako sa ganitong kabagal na lakad kaya hinawakan ko na siya sa braso sa may pulsuhan malapit sa kanyang kamay para mapabilis kami sa paglakad. May mga times na sa kamay ko s’ya nahahawakan para alalayan s’ya. Bakit ba ganito? Kahit nasisiyahan akong kasama siya ay kailangan ko siyang iwasan pero lagi pa rin kaming nagtatagpo. Noon ay palangiti s’ya pero habang tumatagal ay lagi na lang nakasimangot at nakairap sa akin. Tumatalab na nga siguro ang mga pangbubwisit ko sa kanya pero ‘di ko namamalayan na habang iniinis ko s’ya at sinusungitan ay nahuhulog na pala ako sa kanya. Sa camp site, nakita kong ngpe-prepare sila ng aming kakainin. Lalapit sana ako para tumulong pero naunahan na ako ni Drew. Kaya nang nakita kong nakaupo na sila sa hapag ay lumapit akong bigla at umupo agad sa tabi n’ya dahil baka maunahan nanaman ako ni Drew sa pagtabi sa kanya. Gusto ko s’yang iwasan pero naiinis ako na may katabi at kausap s’yang ibang lalaki. Sinimulan ko nanaman s’yang asarin pero parang bale wala lang sa kanya dahil hindi s’ya madaling mapikon at gumaganti lang din s’ya ng pang-iinis sa akin. Ang cute n’ya habang nagsasalita, ang lambing ng boses n’ya kahit paminsan ay nagtataray s’ya. Ang mga mata n’ya naman ay nang-aakit kapag nahuhuli kong nakatitig s’ya sa akin. Gusto kong halikan ang mga labi n’ya pero pinipigilan ko ang sarili ko sa sakit na pwedeng mangyari kung iibig akong muli. At ayoko ng maranasan pa ulit iyon ngunit ang hirap n’yang iwasan. Lagi s’yang sumusulpot at parang gusto kong palagi lang na nasa tabi n’ya. Papuntang convenient store, hindi s’ya sumama nang niyaya ko s’ya. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagagalit na talaga s’ya sa akin na kagagawan ko rin naman. Pero lalo akong nainis nang makita ko na sumunod sila. Sumama s’ya kay Drew at Marco, samantalang kanina ay ayaw n’yang sumama sa akin. Nginisian ko lang s’ya nang magtama ang aming mga mata. Sign na ‘di ko nagustuhan ang ginawa n’ya.  Biglang umulan kaya naisip kong asarin s’ya muli. “Malas ka talagang kasama,” ang sabi ko. Nagkatinginan naman ang mga kasama namin kung anong ibig sabihin ng sinabi ko kaya tumahimik na lang ako at ‘di na nagsalita pa. Pagbalik namin sa camp site ay nagpasukan na sa tent ang mga kasamahan namin. Umulan ng malakas kaya magpapahinga na siguro ang lahat at ako naman ay nagbihis muna ng pantulog na puting tshirt at itim na pants. Ayoko na sanang sumali pa pero naisip kong magkatabi nanaman sina Armie at Drew. Magkukwentuhan at maghaharutan pa kaya nagpasya ako na lumabas ng tent at sumali na rin sa kanila. Nagkayayaang maglakad sa tabi ng beach. Matutulog na daw si Marco at sumunod na din ako sa kanya. Habang pabalik na ako sa tent ay natanaw ko si Armie na nakaupo pa rin sa pwesto namin at ‘di sumama kina Drew para maglakad. Pinagmasdan ko s’ya at inintay ko kung babalik na rin ba s’ya sa kanilang tent para magpahinga. Maya-maya ay tumayo s’ya at naglakad papunta sa beach na mag-isa. Parang ang lungkot ng mukha n’ya. Medyo nakainom na ako at inaantok na talaga pero parang may humahatak sa aking mga paa na pumunta rin sa may beach para samahan s’ya. Inabutan ko s’yang nakaupo sa may buhangin na bumubulong-bulong sa hangin kaya nilapitan ko s’ya at kinausap. ‘Di ko namalayan ang mga salita na kusang lumalabas sa aking bibig. Tinutukso ko s’ya kung hanggang saan s’ya bibigay at maniniwala sa pangbobola ko. Alam kong may gusto s’ya sa akin noon pa at madalas kong mahuli na nakatingin s’ya at napapangiti kapag nakikita n’ya ako kahit nabubwisit na s’ya sa mga pang-iinis ko. Patuloy ko s’yang biniro pero matigas s’ya at mahirap bolahin. Nilambingan ko pa ang boses ko para bumigay s’ya kaya niyakap ko na s’ya nang sinabi kong “Isipin mo na totoo ako ngayong gabing ito.” Nang biglang bumigay s’ya. Nakita ko na tumulo ang luha n’ya at natakot ako kaya binawi ko ang sinabi ko. “Bakit umiiyak ka? Joke lang ‘yun. Sabi mo hindi ka mabilis mapasakay,” sambit ko. Lalo s’yang umiyak at ‘di ko na alam ang gagawin ko. “Ano bang mga nasabi ko?” Niyakap ko na lang s’ya para kumalma pero balewala. Nag-sorry din ako ng paulit-ulit pero ayaw n’yang tumigil sa pag-iyak hanggang sa pinaalis n’ya na ako. Wala na akong magawa kaya bumalik na lang ako sa tent naming na naguguluhan at nag-aalala. Sa dami kong nainom ay nakatulog na ako agad. Pag-gising ko ay bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi at ang mga salitang nasabi ko sa kanya. ‘Di ako makapaniwala sa mga nasabi at nagawa ko. Ang tanga ko. Bakit ko pa ba s’ya tinukso? Naawa talaga ako nang umiyak s’ya at feeling ko ay sobrang sama ko na sa kanya. Na-guilty ako. Bahala na nga.. Magaling naman ako sa pag-iwas kaya iiwasan ko na lang s’ya o kaya ay parang wala lang. Nagka-amnesia lang at nakalimutan ko ang lahat. ARMIE: Nakatulog ako habang ako ay umiyak.  Pag-gising ko ay bigla kong naalala ang mga sinabi ni Carlo na parang may tumusok sa puso ko kaya napaluha ako ng bahagya. Naiinis ako dahil bumigay ako at nakita n’ya ang pag-iyak ko na hindi n’ya dapat nakita. Alam ko naman na pinagti-tripan n’ya lang ako kagabi pero marupok din pala ako. Natatawa siguro s’ya na naisahan n’ya nanaman ako. Ang tanging paraan na lang na dapat kong gawin ay iwasan s’ya at di s’ya pansinin na parang walang nangyari at panaginip lang ang lahat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD