“Mira, bangon na. ‘Di ka ba papasok?” pasigaw na panggigising ko.
“Inaantok pa ako eh at masarap pang matulog,” sagot n’ya.
“Ano ka ba Mira? Male-late na tayo. Teka, ano na kaya ang nangyari kay Cindy? ‘Di ba nag tetext sayo?”
“Wala namang text sa ‘kin hwag kang mag-alala nag-enjoy siguro yung bruha na ‘yon.”
“Bumangon ka na nga at Lunes na lunes. Sayang ang isang araw kung aabsent ka kaya mamaya ka na lang bumawi ng tulog,” pamimilit ko pa.
‘Wait lang, mga 5 minutes pa.”
“Ay sus! Humirit pa. Bilisan mo na at baka ma late pa tayo. Trainee pa lang absent na agad,”
paalala ko.
Sa office
“Oh, ayan na pala si Armie at Mira,” bungad na sabi ni Drew.
Nagtataka at kinakabahan kami dahil bakit kami iniintay ng aming visor at head.
“Armie, alam mo daw kung saan ang apartment ni Carlo,” tanong ng visor namin.
“Yes po ma’am, alam po namin ni Mira. Bakit po?”
Hindi pa kasi s’ya pumasok at may mga files kasi s’ya na kailangang ipa-approve sa team. Nasa hard drive n’ya at kailangan ‘yung makuha at ito namang si Drew, maaga kasi pumasok. Ok naman daw si Carlo kanina kaso wala pa at ‘di sumasagot sa text at tawag. Urgent na kasi ‘yang project na ‘yan kaya kailangan mong puntahan si Carlo. Hinde pwedeng umalis si Drew at si Marco naman, hindi rin pumasok. Importante yung files kaya ‘di pwede basta ipakuha kung kani-kanino kaya ikaw na ang pumunta at magtaxi ka na para mabilis ha. Ok?
“Ok po ma’am. Kami po ba ni Mira?” tanong ko dahil ayokong pumunta doon mag-isa.
“Ikaw na lang at umalis ka na agad ha. Bilisan mo at napaka-urgent noon,” pag-aapura pa ni ma’am sa akin.
“Yes po ma’am. Aalis na po, now na,” pagmamadaling sabi ko.
Agad akong pumara ng taxi at tinungo ang apartment ni Carlo. Medyo madilim na kagabi pero mabuti na lang at madali kong natandaan ang lugar.
Sa apartment
“Carlo… Sir Carlo. Tao po? Hellooooo!!!”
“Teka, ayan na. Sandali lang,” mahina n’yang sagot na parang may sakit nga.
Binuksan ang pinto at pinapasok niya ako sa loob.
“Anong nangyari sa ‘yo? May sakit ka ba? Ok ka lang ba?”
“Ang sama ng pakiramdam ko at nilalagnat. Bakit ka pala nandito?” malamya n’yang sagot.
“May pinapakuha sila na files daw na nasa hard drive mo. Urgent daw kasi ‘yon kaya pinapunta ako dito ni Ma’am.”
“Ay, oo nga pala, ipapa-approve ‘yun ngayon. Pakikuha mo na lang d’yan sa drawer sa study table,” sabay higa n’ya sa sofa.
“Ahh ok, heto na. Sige alis na ako agad ha at urgent daw kasi ito. Ano, ok ka lang ba? Uminom ka ba ng gamot? Kumain ka na?” pagmamadaling tanong ko.
“Hinde pa,” malamya n’yang sagot.
“Balikan kita mamayang break time. Alis na ‘ko. Bye.”
Nagmamadali akong umalis at pumara ng taxi pabalik ng opisina. Naawa ako kay Carlo dahil ‘di pa kumakain at ‘di pa umi-inom ng gamot.
Sa opisina
Dala ko na ang hard drive at ibinigay sa technical team at ako naman ay umupo na sa aking table.
“‘Di pumasok si Cindy, anyare kaya? Hoy, Armie, naririnig mo ba ‘ko?” pabulong na tanong sa akin ni Mira.
“Ano ba yun? May sinasabi ka ba?”
“Sabi ko ‘di pumasok si Cindy at absent na agad,” pag-ulit niya sa sinabi niya na pabulong.
“Hayaan mo s’ya kasi pasaway sila. Si Marco hindi rin daw pumasok, pagod siguro,” pangising sabi ko.
“Bakit pala hindi rin pumasok si Carlo?” usisa pa ni Mira.
“May sakit, nakakaawa nga e. Sana nadalan ko siya ng food kanina kaso nagmamadali naman ako para kunin yung files.”
“Mag pa-food deliveryna lang s’ya. Kaya n’ya naman ‘yon, masyadong concern sis?” ani Mira.
“Puntahan ko kaya mamayang break time at dalan ko ng gamot at food,” sobrang pag-aalala ko kay Carlo.
“Asus! Ang caring mo naman girl at ang sweet pa,” pangungutya pa ni Mira.
“Naaawa lang ako. Sige na mamaya na nga lang tayo mag-usap baka mahuli pa tayong nagkukwentuhan.”
Break time
Nagmamadali akong lumabas at pumunta sa convenient store para bumili ng ilang foods gaya ng cup noodles, sandwhich, rice with ulam at drinks. Bumili din ng gamot sa botika at agad sumakay ng taxi papunta sa apartment ni Carlo.
Pagdating sa apartment ay kumatok ako ng ilang ulit ngunit walang sumasagot. Kinabahan ako kung may masamang nangyari na kay Carlo pero nag-intay pa ako ng ilang minuto saka may lumapit na ale.
Hinahanap mo ba yung nkatira d’yan? Yung pogi. Ano nga ba ang pangalan nun? Ca…”
“Si Carlo po,” sabat ko naman.
“Ay oo, Carlo nga. Pogi nung batang yun e. Nakita ko lumabas kanina.”
“Nakapang-opisina po ba na damit?” usisa ko.
“Ahh ehh, ano nga ba? Parang naka-tshirt lang at maong pants. Nagmamadali pa nga at parang may sumundong babae na maganda na parang girlfriend,” pahayag ng ale.
“Ganon po ba? Eh sige po.” paalam ko sa kausap.
“Ahh ganon ba. Eh ano ka ba n’ya, kapatid? May dala ka bang pagkain para sa kanya?” pag-uusisa naman n’ya.
“Sige po mauna na ‘ko baka kumain na ‘yun sa labas at may kasama pala,” pag-iwas ko na rin sa mga tanong n’ya.
“Sige iha, sasabihin ko na lang na nagpunta ka. Ano bang pangalan mo?”
“Hwag n’yo na pong sabihin na may nagpunta. Sige po at salamat po,” pagpapaalam ko agad.
Sayang naman ang effort sa pagpunta, wala naman pala s’ya. Nag-taxi pa ako at ang mahal ng pamasahe ko. May girlfriend na pala ang mokong na’ yun pero ok na rin ito. Madami naman akong food at ako na lang ang kakain ng lahat ng binili ko.
Pagbalik sa opisina
“Bakit late ka na? Over break ha,” paninita ng Visor namin.
“Konting minuto lang naman po ma’am.” pangangatwiran ko.
“Konti lang ba yun, halos 15 minutes na wala ka,” galit na sabi n’ya.
“Ma’am sorry talaga kasi naghatid kasi ako ng food kaso wala naman yung dinalhan ko. Sorry na ma’am,” pag-amin ko para ‘di na ako mapagalitan na ikapapahamak ko pala.
“Kay Carlo ba? Aminin mo na,” usisa n’ya.
“Opo ma’am. Hwag n’yo na pong sabihin kahit kanino at secret na lang po natin ha ma’am. Please!” pagmamakaawa ko para ‘di n’ya ipaalam sa iba.
“Eh ayun, pumasok na at magha-half day na lang daw s’ya. So, Hinde ka pa pala kumakain?” pag-aalala n’ya sa akin.
“Ok lang po ako ma’am. Mamaya na lang po sa uwian,” nahihiya kong sagot.
“Sige na kumain ka muna. Hwag ka nang makulit at bilisan mo lang. Mga ten minutes ha,” pamimilit n’ya talaga.
“Ok po maam. Sige po. Thank you po.”
Sa technical room
‘Di ko akalain na ibibisto pala ako ni Ma’am Lorna kay Carlo at sa team niya.
“Hoy Carlo, may pinagalitan akong trainee dahil sa’yo.”
“Sa ‘kin po? Sino? Bakit po?” pagtataka n’ya.
“Nag-over break dahil dinalan ka raw ng pagkain sa apartment mo,” pagdetalye n’ya sa mga nangyari.
Naghiyawan pa ang ibang nasa tech department sa kwento ni Ma’am Lorna at panunukso kay Carlo.
“Parang kilala ko na ‘yon ha. Iba ka talaga pre,” pagbibiro pa ni Drew.
“Mga sira talaga kayo. Naawa lang siguro kaninang may sakit pa ako,” explain ni Carlo.
Sa desk
“Pinagalitan ka ni Ma’am? San ka ba galling at ang tagal mong bumalik?” usisa ni Mira.
“Kwento ko sa’yo mamaya sa cr. Sobrang nakakahiya at nakakainis.”
Maya maya sa cr
“Talaga girl?”
“Oo, nakakainis. Sayang ang effort tapos napagalitan pa ko. May kasamang girl daw sabi nung kapitbahay,” malungkot na sabi ko kay Mira.
“Omg! Nang dahil sa pag ibig.”
“Ang ingay mo!!! Kainis ka. Baka may makarinig sa ‘yo,” saway ko kay Mira.
“Tayong dalawa lang dito. Tara na nga at mamaya ulit. Kwento mo pa sakin,” natatawang sabi n’ya.
Sa hallway pabalik sa opisina
“Hello Armie! Ikaw ha,” nakangising sabi ni Drew habang naglalakad papalayo sa amin ni Mira.
“Bakit? Hoy! Bakit?” pagtataka ko.
Ngumiti lang s’ya sabay kindat sa akin. Kinabahan ako ng slight na baka alam na nila ang nangyari.
“Ang daldal naman ni Ma’am Lorna sabi ko i-secret lang,” pabulong ko sa aking sarili.
Uwiaan na
“Sis daan muna tayong grocery bago umuwi,” pagyaya ko kay Mira.
“Antok na antok na ako sis. Una na ko ha, ikaw na lang muna.”
“Ok. Pahinga ka agad at may bibilhin lang ako,” sabi ko.
Paglabas ng building ay nakita ko si Carlo na parang may hinihintay. Nahihiya akong magpakita pero wala naman akong ibang madadaanan kaya ‘di ko na lang s’ya papansinin para ‘di ako mapahiya. Nang nasa labas na ako ay biglang hinila n’ya ako sa braso at dinala sa may gilid ng building. Galit na galit s’ya na mahina lang ang boses para walang ibang makarinig sabay sabing,
“Ayoko nang pumupunta ka sa apartment ko at magdadala ng kung anu-ano.”
Nagulat ako at natigilan. ‘Di ko alam kung anong isasagot sa kanya.
“Kaya ko ang sarili ko kahit may sakit ako at ‘di ko kailangan ang tulong mo,” dagdag pa n’ya.
“Ok, pasensya ka na,” malumanay na sagot ko habang nangingilid ang luha ko dahil sa masakit na salita n’ya at sa nakakatakot n’yang tingin sa akin
Saka n’ya lang binitawan ang braso ko sabay alis n’ya. Grabe ang kaba ko at ‘di ako makaalis sa kinatatayuan ko at inisip ang mga sinabi n’ya. Na realized kong ‘di pala lahat ng tao ay maa-apreciate ang ginagawa mo.
“Mali ba ang ginawa ko?” Tanong ko sa sarili ko.
‘Di na ako tumuloy sa grocery at dumiretso na sa dorm. Pagdating ay humiga agad ako sa kama na parang pagod na pagod. Tulog na si Mira kaya wala naman akong mapagsabihan ng nangyari at si Cindy naman ay wala pa rin sa dorm at ‘di malaman kung nasaan.
‘Di ako makatulog dahil sa mga sinabi n’ya at kung bakit s’ya nagalit. Concern lang naman ako at ‘di ko alam na mamasamain n’ya pala ang ginawa ko na ‘yun. ‘Di n’ya rin dapat nakita na paiyak na ko. Nauna kasi ang takot at pag-aalala ko. Kung alam ko lang na mangyayari yun ay baka naunahan ko s’yang sampal. Sobrang nainis ako sa sarili ko ng araw na iyon dahil hindi ko sumagot sa mga paratang n’ya at bakit naman ako magso-sorry, wala naman akong ginawang masama.
*CARLO
Pinuntahan ako ni Jenny sa apartment ko. Gusto n’ya raw na mag-usap kami at formal na makipag-break sa akin. Sobrang badtrip ako ng araw na ito at masama pa ang pakiramdam ko. Sinabayan pa ng tuksuhan sa opisina dahil sa pagpunta ng trainee na iyon sa apartment ko. Ano bang problema n’ya? Bakit kasi kailangan n’ya pang pumunta? Magiging issue pa ito dito sa kumpanya at ayokong makipag close sa kaninong babae. Nakakasakit silang lahat ng ulo. Paiibigin ka, tapos papaasahin pero iiwan lang naman pala katulad ng pag-iwan sa akin ni Jenny.
Kailangan ko syang makausap na tigilan n’ya na ang paglapit sa akin. Inabangan ko s’ya sa labas ng opisina at pinagsabihan kaso ‘di ko akalain na magiging gano’n pala kasakit ang mga masasabi ko sa kanya. Nabigla ako sa mga sinabi ko. Nakita ko sa mga mata n’ya na pabagsak na ang luha n’ya dahil siguro sa sobrang nagulat at natakot s’ya sa akin. Nainis ako sa sarili ko pero sa isang banda ay Mabuti na rin at ‘di nya na ako lalapitan pa.