Chapter 4

1153 Words
Sa loob ng bar: Tinanggal agad ni Cindy ang kanyang wrap around dress at para makita ang kanyang sexy dress na nasa loob nito. Nagulat sina Marco, Drew at Carlo at nanlaki ang mga mata nila sa pagkakatitig sa katawan ni Cindy. “Grabe’ to, bigla-bigla. Magpasintabi ka naman iha,” pabirong sabi ni Marco “Order na tayo yung malamig na beer. Ang init pala dito,” pabiro rin ni Drew “Malisyoso kasi kayong dalawa,” tugon naman ni Carlo sa dalawang kaibigan “Ikaw na talaga ang good boy, Carlo.” “Wala naman ‘to, Sir Marco. Grabe kayo ha. Konting skin lang naman. Tsaka good boy talaga yang si Sir Carlo.” “Hoy Cindy, konti nalang kita na kaluluwa,” paalala pa ni Mira “Hayaan mo s’ya at bagay naman. Pkitaan mo nga din sila,” sabat naman ni Armie na ipinagtanggol pa ang kaibigang si Cindy. “Kita na nga mga bilbil ko, oh.” “Sumayaw na lang muna tayo mga sis. Tara na bilis! Maganda ang tugtog yung favorite kong BTS na dynamite. Lika na Armie,” anyaya ni Cindy sa mga kaibigan “Ayan na, wait naman.” Naiwan ang tatlong boys sa table at nagsayawan kaming tatlong girls para samahan namin si Cindy to protect her na rin sa ibang boys. Nararamdaman namin ang pagtitig ng ibang boys kay Cindy dahil napakasexy naman kasi kahit ‘di gaanong kagandahan ay agaw pansin ang hubog ng kanyang katawan. “Girls, ok lang ako. ‘Di naman ako lalapit sa kung sino-sinong lalaki pero kung si Marco sana, ok na ok na sa ‘kin. ‘Di na ko mgpapakipot pa dahil sobrang gwapo  kaya n’ya. Kayo na lang kay Carlo dahil mukhang wala akong mapapala d’on “Grabe ang landi!” sabay kurot ni Mira sa bewang ni Cindy Napansin ko rin ang pagtitig ni Marco sa kanya pero bali-balita ang pagka-playboy nito at madami nang naging girl friends na ‘di seryoso. Umupo na kami pagkatapos ng dalawang tugtog at tumabi talaga ‘tong maharot na Cindy na ito kay Marco. Labas ang cleavage at ang hita. Halata na ring nagfi-flirt na sila sa isa’t-isa dahil nakaakbay na si Marco sa kanya na wari mo’y mag-jowa na ang dalawa.  Medyo napaparami na rin ang inom ng mga boys. Halos magkadikit na ang mga mukha nina Cindy at Marco at iba na ang titigan nila sa isa’t-isa. Hinila namin sa cr si Cindy para kausapin “Hoy kumalma ka nga girl. Ang harot mo,” puna ni Mira sa kanya. “Ikaw ang kumalma d’yan dahil wala naman ‘to. Trip-trip lang at hwag nga kayong mag-alala,” paliwanag ni Cindy sa amin “Bahala ka d’yan. Awatin mo ‘to, Armie, nakakahiya,” naiinis na sabi ni Mira dahil sa pinaggagagawa ni Cindy. “Cindy, may work bukas. Dahan-dahan ang inom,” paalala ko sa kanya. “Kaya ko ‘to mga sis. Anu ba kayo? S’ya nga pala mga sis, ‘di ako sasabay sa pag-uwi mamaya ha.” “At bakit? Saan ka pa pupunta? May after party kayo ni Marco?” galit na parang interrogator na ‘tong si Mira. “Oo na. Si Marco kasi, niyaya ako sa place niya.” “Ay, tanga. Sama agad girl? ‘Di na nagpakipot,” sa inis ko ay nasabihan ko na rin siya ng gan’on. “I need this mga sis. Sige na please. Hwag na kayong magalit.” “Sabi nang ikalma mo ‘yang sarili mo at baka pagsisihan mo ‘yan bandang huli. Syempre sa una puro ‘yan sarap pero ‘pag iniwn ka, baka cry cry ka dyan.” wala nang pasintabi ang bibig ni Mira para lamang ma-discourage si Cindy na sumama kay Marco. “Basta no regrets. It’s my choice and it’s final. Wala nang makakapigil pa so, just support my descision.” “O s’ya, sige na. Do whatever you want pero hwag kang iiyak s huli kundi papaluin ka namin ni Mira. Kung ‘di ka na talaga magpapaawat at desidido ka na d’yan sa gagawin mo, ano pang magagawa namin?” paalala ko muli. “Ikaw Cindy, ha. Basta binalaan ka namin. Ang tigas ng ulo mo,” galit pa rin na paalala ni Mira. “If he’s a playboy, then I’ll be his playmate,” natatawang sabi n’ya pa. Nagkatinginan lang kami ni Mira at umikot ang mga mata sa inis na rin kay Cindy na matigas ang ulo at ayaw making sa amin ni Mira. “Kaso, paano tayo? Byahe tayo pauwi, Mira? “Ano pa nga ba?” Pagbalik namin sa table ay mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga boys. Niyaya ni Drew si Mira na sumayaw at muling naglandian sina Marco at Cindy sa couch. Medyo awkward ang sitwasyon namin ni Carlo. Ang suplado n’ya kasi at ang tahimik kaya wala kaming mapag-usapan pero pinilit kong tanung-taningin siya at kausapin siya. “Carlo, paano pala ang pag-uwi namin sa dorm mamaya? Anong pwede naming sakyan?” “Ha? Ihahatid na lang namin kayo mamaya. Hwag kang mag-alala,” tugon naman nito. “Mukhang may ibang plano na kasi sina Marco at si Cindy kaya hindi na raw tayo maihahatid.” “Ah ok. Mag-taxi na lang tayo, marami pa d’yan sa labas. Sabay-sabay na lang tayo at doon rin naman ang daan pauwi sa apartment namin. So, sa palagay mo may something ba yung dalawa?” “Parang ganun na nga. Halata naman oh.” “Matinik talaga sa babae ‘yan si Marco kaya ingat-ingat lang kayong mga girls.” “Kaso, wala na at huli na ang lahat.” Napatawa s’ya at kinilig naman ako sa pagtawa niya. Parang napakahirap kasi sa kanya na tumawa o ngumiti man lang. Pagbalik nina Mira at Drew ay nagyaya na si Carlo umuwi dahil may pasok pa kami kinabukasan. “Oh, paano mga pre, mauuna na kami ni Cindy. Girls, sorry ha, bawi ako next time,” paalam ni Marco. “Ingat kayong dalawa. Be safe,” paalam pa ni Mira sa dalawa at napangiting naiirita na si Cindy. Magka-akbay na ang dalawa at kami naman ni Mira ay bitter sa isang side dahil sa pagtutol namin sa pagsama ni Cindy kay Marco. Sabay-sabay na lang kaming apat na nag-taxi at syempre si Cindy ay sa car ni Marco sumakay. Naunang bumaba ang dalawang boys dahil mas malapit sila sa bar. “Ingat girls. Text kayo kapag nasa dorm na kayo ha,” paalam ni Drew. Sabay picture naman ni Carlo sa taxi ng plate at body number nito. “Nkaka-touch naman at nakakakilig. Ang bait nung dalawa kasi my care sa atin,” sabi pa ni Mira. Naghagikgikan kami ni Mira sa loob ng taxi sa kilig. Pagdating sa dorm ay nagpahinga na kami pagkatapos kong magmessage kay Drew na nakauwi naman kami nang maayos.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD