Pag-uwi sa dorm ay binaba lang namin ang mga pinamili at nagbihis agad kami ng
pangmalakasan naming party dress. Ang sexy ni Cindy. Dress na mababa ang neckline, labas ang
dibdib ng bahagya at ang mini skirt, mini na nga ay may slit pa.
Luluwa panigurado ang mga mata ng mga boys mamaya. Si Mira naman ay naka-off
shoulder na blouse na naka-tuck in sa kanyang mini skirt. At ako naman ay naka black sleeveless
dress with cardigan para conservative pero ‘di mukhang manang. I-ready din ang mga high
heels para sa todong pag papa-impress sa mga boys at pag-party mamaya. Nag-iintay naman sa
sasakyan ang tatlong boys na kasama namin papunta sa bar.
“Hoy Cindy, mag-blazer ka nga. Kakain muna tayo ng dinner hindi agad sa bar. Baka ma
busog agad ang mata nung tatlo sa kakatingin sayo,” pang-asar na puna ni Mira.
“Opo. Naghahanap na nga ng pantakip. ‘Di naman ako lalabas ng ganito agad. Syempre
mysterious muna tapos magugulat na lang sila,” sagot ni Cindy sa kanya.
“May pang-gulat effect pa ha! Iba ka talaga sis,” sabi ko naman.
“Syempre naman. Todo na ‘to mga sister! This is it! Magkaka-jowa ako today,” malakas na fight
ing spirit ni Cindy.
“Ewan ko sa inyo. Tara na nga at baka mainip na sila kakaintay. Mag-behave kayong
dalawa ha. Baka first time n’yo sa bar at magkalat pa kayo,” tila pabiro na pang-aalipusta sa
amin ni Mira.
“Hoy Mira ano kami? Inosente. Feelingera ka! Bakit nakapasok ka na ba sa bar?”
sagot ni Cindy sa panglalait ni Mira.
“Hindi pa nga rin. Char lang yun. Basta hwag kayong maharot sa mga boys ha.
kukurutin ko kayo,” pagbabanta pa ni Mira.
“Yes po Ma’am Mira. Hindi po kami maghaharot. Pero baka yung labas ang cleavage ang
makurot mamaya,” Sabi ko kay Mira na may patama kay Cindy.
“Ay sus! Inggit naman kayong dalawa. Wala kasi kayo nito,” pagmamalaki pa ni Cindy.
“Sige ikaw na!” sagot naman ni Mira sa kanya.
Walang humpay na asaran at kulitan kaming tatlo bago pa makapagbihis at makaalis sa
dorm. Pagkaayos namin ay sumakay na kami sa SUV ni Marco, nasa harap si Carlo at sa likod
naman si Drew. Kaming tatlo sa gitnang upuan. Nag-suggest si Marco na mag-dinner sa resto na
malapit lang sa bar. Masarap daw ang food doon at mura lang. Sumang-ayon na lang din kami
sa suggestion niya.
Habang kami ay naguusap-usap at nagkukulitan sa loob ng sasakyan, si Carlo naman ay
tahimik lang habang nag-ce-cellphone. Ayaw niyang makihalubilo sa amin at makipagkulitan.
Sa Restaurant
Nauna si Marco at pinagbuksan niya pa kami ng pinto. Nag-bungisngisan nanaman
kaming tatlo dahil sa pagka-gentleman niya. Umupo kaming tatlong girls na magkakatabi at
kaharap namin ang tatlong boys. Nasa harapan ko si Drew. Cute din naman siya, palangiti at
tinatanong ako ng kung anu-ano.
“Taga saan ka Armie,” usisa ni Drew.
“Sa Cavite po.” Sagot ko naman.
“Ahh ok. Balita ko siga daw mga tao dun e.”
“Naku Sir Drew, ‘di yan totoo. Mababait kaya ang mga taga-Cavite. Punta kayo sa’min para malaman nyo,” paliwanag ko.
“Sige ba. Oh guys, nagyayaya sa kanila. Sched na natin to. Road trip naman.”
Biglang nagka-idea si Drew ng biglaang gala sa aming lugar.
“Agad-agad?” gulat na sabi ko. “Parang sumakit yata bigla ang ulo ko ha.”
“Sige, go yan! Basta gala join ako,” excited na sagot naman ni Mira.
“Kelan sis? Next Sunday na agad,” pagsang-ayon naman ni Cindy.
“Ano bang specialty dun?” tanong pa ni Marco.
“Wala nga po. Walang masarap na food sa amin. ‘Di rin po masaya sa amin,” sagot ko para ma-discourage silang pumunta. “Mag-tagaytay na lang tayo para malamig tapos inom ng kape. ‘Di ba guys?” suggestion ko pa.
“Pwede naman. Pagkatapos mag-lunch sa inyo, saka tayo mag-Tagaytay. ‘Di ba Carlo? Panis nanaman laway nito. Ayaw magsalita,” pangungutya nanaman ni Drew kay Carlo.
“Oo. Nakikinig lang ako dito. Hwag n’yo na nga akong pansinin.”
“Ganyan yan si Carlo may sariling mundo,” sabat pa ulit ni Drew.
“Mahiyain lang talaga ako, ok?” pangangatwiran naman ni Carlo.
“Sige na girls. Boring kaya dun sa amin. Walang magawa kapag day off. Go na ha, Armie!
pamimilit naman nitong si Mira.
“Naku Mira, as if na matuloy yan. Matagal pa yun.1 week pa kaya. Tsaka my sched na ko e, yung
kdrama ko natengga na. Kailangan ko na ‘yun matapos. Pagtutol ko sa binabalak nilang lakad.
. “Tigilan n’yo na ‘yang kdrama. Nakakabaliw ‘yan,” Saad ni Sir Marco.
“Grabe ka Sir Marco! Masaya kaya manood. Nakakakilig,” paliwanag ko. “Mag-kmovies din tayo
isang bes. Tapos kain ng pizza. Food trip.”
“Pwede. Doon tayo sa apartment ni Carlo,” Sabat ni Drew.
“Depende,” maikling sagot ni Carlo na parang di sang-ayon sa suggestion ko.
Dumating na ang order namin na food. Kumain na agad kami habang nagku-kwentuhan
pa rin tungkol sa pagpunta nila sa amin.
“Basta yung sa Cavite gusto ko ‘yun,” sabat pa rin ni Mira.
“Ako din! Masaya ‘yun road trip to tagaytay ha,” pagsang-ayon pa ni Cindy.
Hindi na ako umimik dahil igigiit lang nila ang gusto nila. Hindi talaga ako sang-ayon sa
pagpunta nila sa amin. Mahirap kaya mag-asikaso ng bisita na makukulit.
Hindi na kami pinagbayad ng mga boys sa food. Silang tatlo na daw ang bahala.
Ang babait at generous pa. Happy naman kami at feeling prinsesa kaming tatlo ngayong araw na ito.
Naiwan kaming dalawa ni Carlo sa table habang nag-cr yung dalawang girls, nagbanyo
rin si Drew at si Marco naman ay sa cashier nagpunta.
“Taga Cavite rin ako eh. Sa Dasma,” biglang sabi sa akin ni Carlo.
“Ah, sa Kawit naman ako,” nahihiyang sagot ko.
“Hindi ka ba umuuwi sa inyo?” Usisa pa ni Carlo.
“Pag-weekend lang. Kaso ‘di ako nakauwi kahapon dahil sa dinner party,” sagot ko na malamya
at pa-girl kay Carlo.
Agad naman dumating ang iba pang mga kasama namin kaya naputol na ang usapan
naming dalawa. Sasabihin ko pa naman sana na sabay kaming umuwi kahit magkaiba ang way
namin. Kahit mag-ilang sakay pa ako para lang makasabay ko siya sa bus.
Nagkayayaan na papunta sa bar na walking distance lang from the restaurant. Kailangan
ding makauwi agad para hindi mapuyat dahil may pasok pa kinabukasan.