Linggo ng umaga, 10 am. Kagigising ko lang. Kung hindi sana nag-party kagabi ay nasa
bahay sana ako sa Cavite ngayon. Hindi na rin ako nagbalak umuwi dahil mata-traffic lang ako.
Gusto ko pa sanang maghiga ng matagal sa malambot kong kama at kumain ng lutong-bahay ni
Lola. Kaso heto, nandito ako sa dorm, nandito kaming tatlo. Ako si Cindy at si Mira.
Wala rin masyadong tao rito kapag Linggo. Halos lahat ay umuuwi sa probinsya tuwing
Sabado ng gabi. Nagkayayaan na lang kaming tatlo na kumain ng lunch sa isang mall. Sabay gala
na rin, window shopping at grocery para sa mga personal needs namin for one week.
“Tara kain tayo sa labas, mag-mall tayo,” yaya ni Cindy sa amin na mukhang bored na
dito sa dorm.
“Saan? Manlibre ka!” sagot agad ni Mira.
“Hoy grabe Mira, ako lang ba ang may sweldo?” pataray na nagbibirong sabi ni Cindy. “Tara na kasi. Sa mall na tayo mag lunch nakaka-bored dito sa dorm.”
Nag-ayos na kaming tatlo para sa aming pagpunta sa mall. Una naming ginawa ay kumain.
“Ang cute talaga ni Sir Carlo, ‘di ba? Tinitingnan niya kaya ako kagabi,” kompiyansang sabi sa amin ni Mira.
“Grabe Mira ha! Gandang-ganda sa sarili girl!” pabirong sabi ko.
“Totoo nga. Nahuhuli ko kaya siya na pasulyap-sulyap sa akin kagabi. ‘Di ko lang pinapansin at baka isipin niya na interested ako sa kanya. Ano ako easy to get?”
“Ayaw mo pa? Ikaw na nga ang titnitingnan,” muling sagot ko.
“Pwede naman. Ang ganda ko kaya.” Dagdag pa niya.
“Sige na nga. Ikaw na ang maganda at balingkinitan ang katawan,” may pagka-sarcastic na biro
ko.
“Kung ayaw n’yong maniwala, bahala kayo d’yan,” pagmamalaki pa ni Mira.
“So anong ibig mong sabihin? Crush ka ni Sir Carlo?” sabat naman ni Cindy na nagdududa sa mga pahayag ni Mira.
“Baka nga. Sa palagay ko,” halatang kilig na kilig ang bruha sa mga pantasya n’ya.
“Ang arte-arte at ang ganda-ganda kasi,” pang-iinis ko pa sa kanya.
“Hoy, mga maaarte, tara na nga. Mag-ikot-ikot na nga muna tayo tapos last na tayo mg grocery ha. Tama na yang Carlo na ‘yan,” sabat naman ni Cindy.
“Magkape rin tayo mamaya bago umuwi ha,” mungkahi ko.
“Ang gastos naman Armie! Mayaman ba tayo?” paninita ni Cindy. “Minsan lang naman ito.
Tsaka sa susunod mag-uuwian na tayo ng Saturday sa kanya kanyang bahay.”
“Ok fine. Sige na nga sis,” pagpayag na din si Cindy sa akin.
“Baka manlilibre si Armie ng coffee? Thank you in advance,” pagbibiro pa ni Mira.
“Naku Mira, libre kita ng asukal. Mag take out ka pa,” pang-aasar ko sa kanya.
Pagkatapos naming bumili ng kung anu-ano, ay nag-grocery na kami. Hapon na at
kulimlim kaya parang ang sarap tumambay at magkape. Sa isang coffee shop, um-order kami ng
tig-iisang kape at cake. Kwentuhan pa rin tungkol sa work, sa buhay at syempre about sa mga
boys.
Maya-maya ay may napansin si Cindy. Mga sis, look n’yo kung sinong pumapasok
ngayon dito. Since s’ya yung nakaharap sa my pintuan at magkatabi naman kami ni Mira sa kabilang side. Paglingon namin ay nakita namin sina Carlo, si Marco at si Drew na papasok din dito sa coffee shop.
“Nandito rin pala ang mga trainees natin. Hi mga sis!” bati sa amin ni Sir Marco.
“Hello po mga kuya!” sagot namin.
Pagka-order ng coffee nila ay in-approach kami ulit ni Sir Marco.
“Dito na lang din tayo umupo. Mukhang masaya dito sa tabi ng mga girls.”
“Sige po. Dito na lang din kayo,” kinikilig na pagyaya ni Mira.
Umupo silang tatlo sa mga bakante pang upuan sa tabi namin. Medyo awkward ang feeling, parang triple date kami.
“Saan kayo galing? Nagshopping ba kayo?” tanong ni Sir Marco.
“Window shopping lang at grocery po sir,” sagot naman ni Mira.
“Hwag n’yo na akong tawagin na Sir. Wala naman tayo sa work. Marco na lang since ‘di naman
nagkakalayo mga edad natin.”
Halos ‘di nga siguro nagkakalayo ang agwat ng edad nila sa amin. Mga 1-2 years lang
siguro. Sila ang mga pinakabata sa team nila at mga gwapo pa.
“Mamaya saan kayo? Balak sana naming pumunta sa bar mamayang gabi. Tamang inom
lang. Chill-chill. Sama kayo para madami tayo. Para din masaya,” pag-anyaya ni Marco sa amin.
Hindi kami makasagot. Nag-aalangan kami dahil may work pa kinabukasan.
“Hinde naman sobrang late. Mga 10-12 lang uwian na. Pwede rin magdinner muna tayo para
matagal pa ang bonding natin. Paliwanag pa ni Marco.
“Sige, ok yan Sir Marco. Ano girls? Go na tayo ha. Sama tayo ha,” excited na sagot ni Mira.
“Ok lang. Since nagdecide ka na para sa amin eh. Nakakahiya naman tumanggi sa mga boys,”
pagsang-ayon na rin ni Cindy kay Mira.
“Ayos! Hoy kayong dalawa rin ha. Nakakahiya sa mga girls. Baka kayo pa ang KJ dyan,” paninitang sagot ni Marco.
“Oo. Ok kami na kasama sila. Basta walang magagalit na boyfriends. Baka bigla na lang may
sumapak sa atin,” sagot ni Drew.
“Wala po kaming mga bf. We’re all single ladies!” harot na sagot ni Cindy.
Nag-suggest ako na uuwi muna kami sa dorm kasi madami kaming dalang groceries.
Magkita-kita na lang mamaya sa place na pupuntahan. Nag-offer naman si Carlo na ihatid
muna kami sa dorm at sabay-sabay na lang pumunta sa place na sinasabi nila. Kinilig ako ng
slight lang nang mag-offer pa s’ya ng ride sa amin. Ang bait naman pala n’ya.
“Sige may car naman kami at para ‘di na kayo mahirapan sa byahe. Tsaka para sure na sasama kayo mamaya,” sabi ni Marco.
“Hindi na magbabago ang isip namin. Pwera lang pala yang si Armie. ‘Pag humiga na yan sa
kama, ayaw ng bumangon at manonood na ng Kdrama,” pang-iinis pa ni Cindy sa akin.
“May tama ka talaga. May tatapusin pa sana akong kdrama. Ilang episodes na lang kasi yun,” sagot ko kay Cindy.
“Mahilig ka pala sa kdrama,” sabat naman ni Carlo.
“Ikaw rin ba?” nakangiting tanong ko kay Carlo.
“Ah hindi, hindi ako mahilig dyan,” pagtanggi n’ya.
Napangisi naman ang dalawang girls na halata ang pang-iinis sa akin.
Parang gusto ko pa naman sana na magpahinga ng mahaba at manood ng kdrama. Kaso
napasubo na sa lakad na ito. Go! na din kasi minsan lang may magyaya. Aarte pa ba ako?
Sayang ang pagkakataon na makasama si Carlo. Makakapag-bonding kami at baka mapansin n’ya na ako.
“Sige sa susunod ko na lang tatapusin ang kdrama ko. Nakakahiya naman sa inyo ‘pag ‘di
ako sumama at baka malungkot pa kayo,” Pabiro kong sagot.
“Ay sus! Kunyari ka pa sis. Eh ‘di ba crush mo nga itong si sir.” Agad kong tinakpan ang bibig ng
madaldal na si Mira sabay sabing,
“Hindi po. Nagbibiro lang itong si Mira. Wala po yun.”
“Sino ba sa aming tatlo ha? Baka si Carlo?” tanong na pang asar ni Marco.
“Naku hindi po talaga Sir. Wala po. Promise!” agad na pag-de-deny ko.
“Ang daldal mo,” pabulong ko kay Mira sabay kurot sa kanya.
Sa loob ng sasakyan ay panay pa rin ang tukso sa akin ni Marco habang nagtatawanan
naman ang iba maliban syempre kay Carlo.
“Tumigil na nga kayo sa pang-aasar. Hindi naman daw ako ang crush,” pagsaway ni Carlo sa dalawang boys.