CHAPTER 3

1459 Words
The party goes on. Nagsimulang magsayawan ang mga dumalong magkakapareha kasabay nang pagsasayaw ng mga magulang ni Valjerome. Hindi ko maiwasang mapangiti at mainggit sa mag-asawa. It's their 50th anniversary today, yet the love in their eyes were still intact. "You're drinking too much," bulong ng isang malalim ba boses sa gilid ko. I slowly glanced at him and smiled. "Pati ba naman ito ipagbabawal mo rin?" Pagak akong tumawa at naiiling na nilagok ang shot ng whiskey na aking hawak. Lasing na nga siguro ako sapagkat nasasagot ko siya nang pabalang na walang kaba na nararamdaman. Ganito naman lagi kapag tinatablan ako ng alak. Para bang isa iyong pintuan na binubuksan ko mula sa silid na aking pinagkakulungan. Hindi ko alam kung pang-ilan ko na ito. Ang alam ko lang ay idinadaan ko sa pag-inom ang nararamdaman kong frustrasyon ngayon. Sa asawa ko. sa kwintas at sa pagsasama naming dalawa. "Oh, hijo. Bakit hindi mo isayaw si Jazzie? Lumalalim na ang gabi, sayang naman kung hindi niyo susulitin ang pagpunta rito," usal ng ama ni Valjerome nang bumalik sila sa lamesa namin. Madaling araw na po. "Jazzie's tired, dad," simpleng tugon ni Valjerome habang malambing na nakaakbay sa akin. I wanted to scoffed, but I refused to. Sadyang ayaw niya akong isayaw. "Excuse me, restroom lang ako," magalang kong paalam sa lahat kasama na ro'n ang asawa ko. "Samahan na kita," aniya at mabilis na umalalay sa aking pagtayo. "I can handle," agap ko at bahagya siyang itinulak upang magkaroon ng distansya sa aming dalawa. Nakamaskara man ay hindi pa rin nakaligtas sa akin ang pag-igting ng kanyang panga. "I will go with you," he said in dismissive tone and guided me for a walk. Nakagat ko nalang ang ibaba kong labi at nagpatianod sa paghila niya. Nang narating namin ang banyo ay hinayaan niya akong pumasok mag-isa, sumandal siya sa pader na tila ba sa gano'ng paraan ipinararating sa akin na hihintayin niya ako. Napanguso ako at ginawa ang dapat gawain. Umihi ako at saka nag-retouch ng kaunti. Hindi ko man gusto na palaging nag-aayos ng mukha ay wala akong magagawa dahil may imahe rin akong dinadala. Nang nakuntento sa aking itsura ay napagdesisyunan ko nang lumabas ng banyo. Gano'n nalang ang pangangatog ng aking tuhod sa nasaksihan, mapait akong ngumiti at nagsimulang maglakad paalis—iniwan ang asawa ko na may kahalikang iba mula sa kanyang lugar. Sa halip na bumalik sa lamesa kung nasaan ang mga magulang ni Valjerome ay nagtungo ako sa mini bar counter na nasa gilid. Agad akong humingi ng margarita sa bartender at mabilis itong nilagok sandaling ipinatong niya iyon sa ibabaw. Not minding the lime on it, or neither the salt. Nakailang order pa ako hanggang sa naramdaman ko na ang pag-ikot ng aking paningin. Saglit akong tumawa sapagkat ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako pinupuntahan ng asawa ko. Hindi niya ba ako makita? O hindi niya lang sadya ako hinahanap kasi may ginagawa siyang milagro ngayon? With that thought, I drank another shot. Oorder pa sana akong muli nang may lumapit sa gilid ko na lalaki at inialok ang kanyang kamay sa akin. I stared at him with my dizzy eyes. Naka maskarang itim ang kalahati niyang mukha ngunit hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko. His ocean blue eyes captivated my attention. "Why don't you dance with me, gorgeous lady? I swear it's more fun rather than drowning yourself in alcohol," he uttered with a manly voice. Hindi ako agad nakasagot at nanatili lang nakatitig sa magaganda niyang mga mata. I was about to speak when a strong arm wrapped around my waist possessively. Napapikit nalang ako at napasandal sa kanya, sa amoy palang ay kilala ko na ang presensya ng asawa ko. "You are hitting on my wife, mister," matigas na ingles ni Valjerome. Namayani ang katahimikan sa kanila. Tanging tunog sa paligid lang ang aking narinig kaya naman unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. I saw the guy staring at me instead of talking to my husband. "You don't deserve someone like him," he said and walked away. Ramdam ko ang panggigigil ni Valjerome base sa mabibigat niyang hininga. Nasisigurado ko na kung hindi ako nakasandal sa kanya at mabilis niyang nasundan ang lalaki at pinatay. I just closed my eyes again and let myself jailed by his body. Naramdaman ko ang maingat niyang pagkarga sa akin kaya naman marahan ko muling idinilat ang aking mga mata. Our eyes met. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mukha ngunit pinili ko nalang ngumiti ng tipid. "No one deserves you better than me," I whispered and finally drifted to oblivion. - - - I woke up as if my head was being hit by a loader. "Fvck!" I cursed out and massage my temples. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at gano'n nalang ang gulat ko nang nakita si Valjerome na nakatayo sa gilid ng aking kama. Nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa at nakita ko ang munting pag-igting ng kanyang panga. "Get up and eat. Pupunta na akong trabaho," aniya sa walang emosyon na paraan. Ilang beses akong napakurap at napatitig sa kanya. Ano raw? Am I hallucinating? Nagsasabi siya sa akin ngayon? "Hindi ka ba magsasalita?" kunot-noo niyang tanong. Napatikhim naman ako at umiwas ng tingin. "I-ingat," nauutal kong sambit sa mababang tono. I heard him scoffed. Nagulat ako nang bigla siyang yumuko at hawakan ang aking baba patungo sa kanya. "Is that all?" he asked while staring at me. Napalunok ako. "A-ano..." I trailed off. Ano ba ang dapat kong sabihin? "Pasalubong?" I added. He raised an eyebrow and released me slowly. I heard him cursed silently as he brushed his hair using his fingers. "What will you do today? I heard you cleared your schedule," kaswal niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin nang naalala ang dahilan kung bakit ko ipinalinis ang schedule ko ngayong linggo. "Wala. Magpapahinga lang ako rito, medyo napagod ako sa sunud-sunod na shoot," I lied. He stared at me. "A-Ano... mag-aayos na ako at bababa para kumain." Mabilis akong bumangon at nagtungo sa banyo upang makaiwas sa kanya. Humarap ako sa malaking salamin at gano'n nalang ang pamumula ng aking mukha nang napansin na nakapambahay na ako ngayon. Binihisan niya na naman ako! I jumped a little when I heard a knock outside the bathroom. "Bakit?" kagat-labing usisa ko. "I'm going," he informed. Hindi ako agad nakasagot. Rinig ko ang yabag niya papaalis nang mabilis kong buksan ang pinto. Tumigil siya sa paglalakad at kunot-noo na lumingon sa akin. "A-Ano... maaga ka bang..." I bit my lower lip and met his gaze, "uuwi mamaya?" maingat kong sunod. He didn't answer, he just keep staring at me like I am a solving puzzle. "I'll try," tipid niyang sagot at saka tuluyang lumabas ng silid ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang bumabalik sa loob ng banyo. Maybe he also remembered what we have today that's why he's acting nice. Masaya akong naligo at nag-ayos ng sarili. Nasa loob palang ng silid ay pinagpaplanuhan ko na ang lulutuin ko para mamayang gabi. Valjerome maybe a mafia boss, but he still have his legal company to take care. He's running a company named ABCD Construction Corporation—a leading engineering and infrastructure firm here in the Philippines. I blow dry my hair and finally exited my room. Nakangiti pa akong sumisipol habang naglalakad sa pasilyo ng palapag nang natigilan ako sa paglabas ng isang babae sa silid ng asawa ko. Lahat ng naramdaman kong saya at galak ay gano'n nalang kabilis nawala. Muling nanumbalik ang ala-ala ko kagabi nang natitigan ko ang mukha niya. She's that girl. Ang kahalikan niya sa labas ng cr. Palihim akong ngumiti nang mapait at walang gana na nagpatuloy sa aking paglalakad. Nakasalubong ko pa ang kanang kamay ni Valjerome na si Jaime na umaakyat ng hagdanan. I know at that moment, Valjerome ordered him to kill the girl. "Oh, hija. Kumain kana, marami akong niluto ngayon," puno ng galak na salubong sa akin ni Manang. I forced a smile and sat on the chair. Wala sa sarili kong nilunok ang mga pagkain, mukhang napansin ni Manang ang pagiging matamlay ko kaya naman umupo siya sa katabi kong upuan at marahang hinaplos ang balikat ko. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang usisa niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Binati ka ba ng iyong asawa?" maingat niyang tanong. Natigil ako sa pagsandok at nanginginig na binitawan ang hawak kong kutsara. I glanced at Manang and smiled again despite of a lone tear fell on my cheek. "Hindi niya po 'ata natatandaan na wedding anniversary namin ngayon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD