CHAPTER 1
“Perfect!” masiglang sigaw ng manager kong si Azy nang natapos ang shoot.
Naglakad ako patungo sa dressing room at pagod na umupo sa harapan ng isang vanity mirror, agad nagsilapitan sa akin ang tatlo kong PA para intindihin ako. Powder dito, lipstick doon, tipikal na eksena para sa akin na isang modelo.
“Oh my ghosh! Isa ka talagang definition ng perpekto, Jazzie,” ani Azy na nakabuntot sa akin.
Napangiwi ako at pasimpleng napailing. Kung alam mo lang, kung alam niyo lang.
“Maganda, sexy, mayaman at marami pang iba na talaga namang kinahahangaan ng kalalakihan,” patuloy niyang saad habang nakaturo pa sa kabuuan ko.
I rolled my eyes at him on the mirror and let out a deep breath. “Stop it, Azy. You knew how much I hate it,” I uttered, talking about the compliments he gave.
Tinarayan niya naman ako at flinip ang imaginary long hair niya. “Haay nako, Jazzie. Hindi ko alam kung humble ka lang ba talaga o kinaiinisan mo ang katotohanan. Nako! Kung ako ang may gan’yang mukha at pangangatawan, hindi ko lang iyan sa catwalk irarampa. Kahit sa kusina, salas o cr pa man," mahabang saad niya at humagikhik ng tawa sa huli.
“Puro ka kalokohan, Azy Angelo,” naiiling kong ani.
Mabilis pa sa alas kwatrong sumama ang mukha niya. “Oh my ghosh! My ear, oh my ghosh!” pag-iinarte niya habang nakatakip ang daliri sa kanyang tainga.
Tipid akong natawa sa kanya at saka kinuha ang cellphone ko na kasalukuyang umiilaw sa ibabaw ng vanity mirror.
My face became emotionless when I saw the name on the screen. Tamad kong swinipe ang answer button at inilagay ang telepono sa tainga ko.
“Are you done?” a cold baritone voice spoke on the line.
“Yeah,” I simply answered and signalled my PAs to stop.
Lumayo naman sila sa akin at hinayaan ako na kusang mag-ayos ng aking mga gamit.
“Jaime will pick you up,” he said and then the line ended.
Napahinga nalang ako nang malalim at inilagay ang telepono sa aking bag. “May schedule ba ako this week?” usisa ko at tiningnan si Azy sa salamin.
He pouted. “Iyong sa Paris sana kaso ayaw mo namang tumanggap ng international photoshoot,” tunog naninisi at tampo niyang wika.
It's not that I don’t like it.
“Sobrang dami mong offers abroad pero ni isa ayaw mong tanggapin. Sobrang laki ng pinakakawalan mong opportunity, Jazzie,” pagpapaalala niya sa akin.
Pilit akong ngumiti at isinukbit ang aking bag. Naglakad ako palapit sa kanya at marahang hinaplos ang balikat niya.
“Kuntento na ako rito sa Pilipinas, Azy.”
He stared at me and sighed. “Kung iyan talaga ang desisyon mo, wala na akong magagawa pa. Vacant ang sched mo this week tulad nang hiniling mo,” aniya.
Muli akong ngumiti at nagpasalamat bago tuluyang namaalam. Limang body guard ang agad na pumalibot sa akin sandaling lumabas ako ng gusali na kinaroroonan ko. May ilang camera pa ang agad na nagkislapan habang naglalakad ako patungo sa sasakyan na pinadala ng kausap ko kanina.
Gano’n nalang ang labis kong gulat nang nadatnan ang hindi inaasahang tao sa loob ng sasakyan sandaling idineposito ko ang aking sarili sa back seat. I cleared my throat and composed myself as I leaned against the seat.
“You really like camera, huh?” the man beside me spoke.
Iniwasan kong paikutin ang aking mga mata at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan kung saan tanaw ko ang tatlong paparazzi na nakabantay sa akin kanina. Hindi nila kami nakikita sapagkat tinted itong sinasakyan ko.
“I’m a model, Valjerome. It’s natural,” I reasoned out.
As if you didn’t know how much I wanted to be a model since then.
Or maybe...
You just forget.
Hindi naman siya umimik pa at sinenyasan ang tauhan na magsimulang magmaneho. Ramdam ko ang pagsandal niya sa upuan, hindi ko siya pinagkaabalahan pang lingunin sapagkat unti-unti kong naramdaman ang pagod sa dalawang oras na pagharap sa camera kanina.
I was about to close my eyes and took some rest when he spoke again.
“You’ve got an offer at Paris?” he asked coldly.
Nagpakawala ako nang malalim na hininga at saka siya tamad na nilingon, agad niya namang sinalubong ang paningin ko.
Hindi na ako nagtataka kung paano niya nalaman. Knowing him and his connections, wala na talagang kataka-taka. Mas magugulat pa ako kapag wala siyang alam tungkol sa mga dumadating sa akin na offers.
“Huwag kang mag-alala, I turned down the offer,” mapait kong tugon.
“Good,” he simply said and went back to his position.
I just shook my head and continued what I was about to do earlier, take a nap.
“Dito ka lang, hindi ka aalis. Hindi ka lalayo,” I heard him whispered before I drifted to oblivion.
- - -
“MA’AM.”
Nagising ako sa isang marahan na tapik sa aking balikat. Agad kong inilibot ang aking paningin at napansin na narito na ako sa aking silid, sa bahay ng asawa ko.
Tama, kasal na ako sa lalaking kasama ko kanina, kay Valjerome.
Tipid akong ngumiti kay Manang Fe, katiwala rito sa mansyon, at mabagal na bumangon.
“Ano pong oras na, Manang?” magalang kong tanong at saka inayos ang suot kong roba.
Natigilan pa ako sandali at pinag-initan ng pisngi sa pag-iisip na Valjerome na naman ang muling nagbihis sa akin.
That jerk!
“Alas dyis na ng gabi, hija. Pinagising ka sa akin ni Sir upang pakainin,” ani Manang.
“Narito pa po ba siya?” usisa ko.
Maaaring nasa iisang bahay kami ngunit magkabukod kami ng tinutulugan, bagay na siya mismo ang gumusto.
“Oo nasa kanyang silid kasama—” Natigilan ang matanda at alanganing napayuko.
I sighed and tapped the old woman’s shoulder. Pilit akong ngumiti sandaling iniangat niya ang paningin sa akin.
“Ayos lang, Manang. Sanay na po ako kaya hindi niyo na kailangan pang ilihim,” ani ko.
Naaawa niya naman akong pinagmasdan. “Bakit hindi ka nalang humiwalay, hija?” tanong sa akin ni Manang Fe.
I averted my gaze. “Mahal ko po, e.” I looked at her and forced a smile when the pity in her eyes doubled.
“Kaya ko pa naman pong tiisin,” dugtong ko.
Bumuntong hininga si Manang Fe at saka ako ginawaran ng isang yakap. “Nawa’y may patunguhan ang pagtitiis mo sa kanya,” mahinang anas niya.
Imposible pero sana nga.
“Mauna na po kayo sa baba, susunod po ako,” ani ko sandaling humiwalay ako sa kanya.
Tinanguan naman ako ni Manang at ginawa ang aking sinabi. Saglit ko pang inayos ang sarili ko sa salamin, nangunot ang aking noo nang napansin ko ang pagkawala ng aking mga make up sa mukha. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon sa pag-iisip na si Manang ang nagtanggal niyon sapagkat imposibleng malaman ni Valjerome ang mga gano’ng bagay.
Pagpapalit lang ng damit ko ang ginagawa niya.
Nang makuntento sa aking itsura ay lumabas na rin ako ng silid ko. Natigilan pa ako sa paglalakad sandaling tumapat ako sa kwarto ni Valjerome, isang mapait na ngiti ang aking pinakawalan nang narinig ko ang mahihinang ungol mula roon.
Hindi na ito bago sa akin pero nagagawa pa rin akong masaktan sa ganitong sistema. Dalawang taon na ang nakakalipas buhat no’ng ikasal kaming dalawa, dalawang taon na pagtitiis sa pagdadala niya ng iba’t ibang babae rito sa mansyon. Dalawang taon na pagtatanong kung bakit nangyayari ito sa akin, sa amin. Kung ano ba ang naging pagkakamali ko at itinatago niya ako bilang asawa, pero hanggang ngayon nananatiling blangko ang kasagutan.
Nabalik ako sa wisyo nang biglang bumukas ang pintuan niya. Nakatayo at seryoso s’yang nakatitig sa akin habang walang suot damit bukod sa boxer niya.
Ako na ang kusang nag-iwas ng tingin at saka nagpatuloy sa paglalakad. Bago pa man ako makalayo ay narinig ko ang pagtawag niya sa isang tauhan at pag-uutos na dispatyahin ang babaeng nakasiping niya.
Pagak at mahina akong natawa habang naglalakad paibaba sa hagdanan. Hindi na bago sa akin ang makarinig ng gano’ng utos mula sa kanya. He’s a mafia boss after all, a ruthless one. And I, Jazzie Zamora, is his wife.