Despite of my loneliness, I still forced myself to prepare a dinner date when the night came. Hoping that he'll celebrate with me on this special day.
Nang nakuntento sa gayak ng kusina ay napagdesisyunan kong umakyat muna sa kwarto para magpalit ng damit. Somehow, I felt a little excitement as I search for a dress.
Kinuha ko ang isang pinkish na above the knee tube dress at dinala ito patungo sa banyo. I took a shower and fixed myself after. Sandali pa akong naglagay ng powder sa mukha at kaunting liptint sa `king labi bago ako dali-daling kumilos nang narinig ang pagdating ng sasakyan ni Valjerome.
Kinakabahan man ay hindi ko maiwasan na mangiti, iniisip na tumagal pa rin kami ng ganito katagal sa kabila ng turing niya sa akin.
Naglakad ako patungo sa aking bintana at sinilip ang pagdating niya. Ang natitira kong galak ay mabilis na nabura sandaling lumabas siya ng kanyang sasakyan habang nakapulupot ang isang babae. Nakagat ko ang aking labi nang nagsimula silang maghalikan na tila ba sila lamang ang tao sa palagid. Napahawak ako sa aking dibdib at mariin na napapikit kasabay nang pagpatak ng mga luha ko.
"H-Happy anniversary..." Basag na bulong ko at nagmadaling maglakad patungo sa aking kama.
Padapa akong humiga at hinayaan na umagos ang aking mga luha. I cried over my pillow and silently asked myself why.
Why can't he love me back?
Why can't he try loving me?
Nanatili ako sa gano'ng sitwasyon hanggang sa napagdesisyunan kong lumabas ng silid. I was walking silently on the hallway until I stopped at Valjerome's room. Mapait akong ngumiti habang iniisip ang eksena na nangyayari sa loob ng silid niya. Sa halip na lunurin ang sarili ko sa harapan ng pintuan niya ay ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa nakababa na ako ng hagdanan. Hindi man ako binibigyang pansin ng mga tauhan na nagkalat ay batid kong naroon ang awa nila para sa akin.
"Hija," naroon ang pagdamay sa boses ni Manang sandaling lapitan niya ako.
I forced myself to smile. "Kumain po ba siya?" pilit kong pagpapatatag sa aking boses.
Marahan na umiling si Manang. "Agad silang nagtungo sa kanyang silid. Ni hindi man lang nakita ang inihanda mong surpresa sa kanya," aniya. "Gusto mo bang katukin ko siya at pababain dito?"
Mabilis akong umiling. "Huwag na po. Mas m-mabuti na rin na h-hindi niya nakita dahil... a-ako pa rin ang magiging kahiya-hiya sa huli," garalgal kong sambit.
Huminga nang malalim si Manang at saka ako niyakap. "Humiwalay ka nalang, anak," bulong niya sa akin.
I slowly shook my head and bit my lower lip to surpress my tears.
Kaya ko pa. Kakayanin ko pa.
Kumalas ako kay Manang at ngumiti. "Matulog na po kayo. Ako na po ang bahala sa kusina, iinom lang din po ako ng kaunti bilang pampaantok."
Malamlam niya akong tiningnan at hinaplos ang aking mukha. "Basta nandito lang ako, hija."
Marahan akong tumango bilang pag-intindi sa sinabi niya.
Tulad nang sinabi ko ay inasikaso ko ang paglilinis sa kusina. Inilagay ko sa tupperwares ang ilan sa putaheng niluto ko habang ang iba naman ay ipinakain ko sa mga tauhan ni Valjerome. Pagkatapos niyon ay nagtungo ako sa mini bar counter ng bahay at kumuha ng isang alak.
I started drinking as I let myself drown on my own thoughts. Inaalala ang mga pagkakataon na nagpapanggap kaming nagmamahalan sa harapan ng ibang tao dahil iyon lang ang ala-ala na masasabi kong masaya sa buong pagsasama namin. Nasa ikatlong bote na ako ng alak nang naamoy ko ang pamilyar na amoy ni Valjerome. Gamit ang liyo at namumungay kong mata ay nilingon ko siya nang naupo siya sa katabi kong high chair.
"You should sleep. Marami ka nang nainom," malamig niyang sambit habang nakatitig sa akin.
I scoffed and laughed sarcastically. "As if you care, Valjerome." Umiling ako at saka nagsalin muli ng alak sa aking baso.
"Enough, Jazzie," matigas niyang sambit kasabay nang pagpigil sa kamay kong kuhanin ang baso na puno ng alak.
I stared at his hand and chuckled painfully. "Now you're holding me," namamangha at malungkot kong saad bago iniangat ang paningin sa kanya.
Nagsimulang mag-ulap ang aking mga mata habang natingin sa kanya. "Why? Bakit hindi nalang ako ang ikama mo, Valjerome? Kaya ko rin namang ibigay sa 'yo ang ibinibigay nila. Kaya ko namang punan ang pangangailangan mo bilang lalaki kaya bakit hindi nalang ako ang sipingin mo?" puno ng hinanakit kong wika at tuluyang napaiyak.
Hindi naman siya kumilos sa kanyang pwesto. Hinayaan niya lang ako na umiyak nang umiyak at magsalita nang magsalita.
"I love you. Mahal kita, e. Mag-asawa tayo kaya bakit kailangan mo pa akong ganituhin? Nagkasala ba ako sa 'yo? May nagawa ba ako para parusahan mo ako ng ganito?" sinubukan ko siyang hampasin sa dibdib ngunit dahil sa kalasingan ay napasubsob nalang ako ro'n.
I cried hard to let him knew my pain. Hindi siya nagsalita, sa halip ay marahang pumulupot ang kamay niya sa akin bilang suporta.
"I'll bring you to your room," namamaos niyang sambit habang nararamdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok.
Hindi naman ako umimik at tahimik lang na humikbi sa dibdib niya. Nanatili kaming gano'n sa loob ng ilang minuto hanggang sa maingat niya akong buhatin. I leaned my head against his chest and closed my eyes as he started walking.
"Can you stay with me for tonight?" I murmured, still not opening my eyes.
Hindi na ako umaasa na pagbibigyan niya ang hiling ko. I knew he'll object, but I still want to try.
He didn't answer my question until I felt him depositing me on my bed. Hindi ko na sinubukan pang idilat ang mata ko at patagilid na lamang na yumakap sa aking unan. Naghihintay na umiyak muli sandaling lumabas siya ng silid.
Nahigit ko ang aking hininga nang lumubog ang kabilang parte ng kama ko. Marahan akong nagmulat at astang lilingon nang agad siyang magsalita.
"Just sleep, Jazzie. Don't ever dare to look back," he said lazily with his bedroom voice.
Ilang beses akong napakurap habang bumabalik sa maayos na pagkakatalikod mula sa kanya.
"Rest now, Jazzie, or else I'll leave this fvcking room," he warned.
Mabilis pa sa alas kwatro kong ipinikit ang aking mga mata. Sa kabila ng sakit at pagkabigong naramdaman ko ay hindi ko pa rin maiwasang matuwa sa katiting na panahong inilaan niya sa akin.
"Goodnight, hubby..." Wala sa sariling bulong ko bago ako tuluyang mapunta sa kawalan.
The next morning I wake up with a throbbing head and a broken heart as I saw an empty space beside me.
Yeah, right. Everything will stay the same.