I sat on the kitchen chair and silently scooped for my food as I was surrounded by six maids. Naghihintay sa mga maaari kong iutos o ipakuha.
Habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko ay hindi ko naiwasang pagmasdan ang mga nakakalat na armadong tauhan ng asawa ko. Isang hilaw na ngiti ang aking pinakawalan at marahan na napailing.
Tulad nang sinabi ko, hindi na ito bago sa akin. Isang boss ng pangkat ng mafia si Valjerome kaya naman napakarami niyang tauhan dito sa mansion; tagaprotekta at tagapatay.
“Be ready.”
Nakuha ng boses ng asawa ko ang aking atensyon. Lumingon ako patungo sa kanya at nakita siya na seryosong naglalakad patungo sa hapagkainan. Nakadamit na siya ngayon nang maayos, isang puting vneck shirt at faded maong pants. Gusto ko pang matawa sapagkat kung umakto siya ay para bang wala siyang ginawa ni anong kasalanan sa akin.
I continued eating my food. “For what?” tamad kong wika.
Umupo siya sa katabi kong upuan at sinimulang ayusin ang kanyang pagkain. “It’s my parents’ anniversary. There will be a masquerade ball and they want us to be there,” pormal niyang ani at nagsimula na ring kumain.
Simpleng tango nalang ang aking pinakawalan at tahimik na sumabay sa kanya. Ganito kami palagi tuwing magkasama. Tila ba estranghero sa isa’t isa kahit pa ang totoo ay mag-asawa kaming dalawa.
“Ipahahatid ko sa `yong silid ang susuotin mo.” Tumingin si Valjerome sa akin habang pinupunasan ang kanyang labi.
Tulad kanina ay tipid na tango lang ang itinugon ko at saka uminom ng tubig sa `king baso. He was about to stood up from his seat when I lazily leaned against my chair and spoke.
“Are we going to pretend that lovey dovey couple thing again?” I asked sarcastically.
I saw his jaw clenched as he looked at me. “We’re leaving at 11pm,” he said instead of answering and left me alone in the kitchen.
Yeah, they were like that. Celebrating at midnight time.
Peke akong tumawa at napailing. “Sana palaging may party,” bulong ko sa `king sarili habang iniisip na ro’n lang umaayos ang pakikitungo niya.
- - -
WEARING a gold backless dress with a plunging neckline pair with my silver stilettos, I walked down the staircase confidently. Sa dulo niyon ay naghihintay si Valjerome na mariing nakatitig sa `kin. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong name-mesmerized siya sa awra ko.
I cleared my throat when I am finally in front of him and averted my eyes, awkwardness suddenly filled my system.
“Let’s go,” pagpapatibay ko sa `king boses at asta siyang lalampasan nang natigilan ako sa maingat niyang paghawak sa braso ko.
I glanced at him. He was staring at me as if he was memorizing all the sides of my face. Nahigit ko ang aking hininga nang mabagal siyang lumapit at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko sa aking leeg. Lalo pa akong nanigas sa pagkakatayo nang marahan na tumagilid ang kanyang ulo patungo sa `kin.
What is he doing?
Hindi ko na napigilan pang mapapikit nang tumama ang kanyang hininga sa leeg ko. May kung anong kiliti iyong idinudulot sa aking sistema na nakakapanindig ng balahibo ko. Nagmulat lamang ako ng mga mata nang naramdaman ko ang munting lamig na dumapo sa itaas ng aking dibdib—isang kwintas.
Ilang beses pa akong napakurap at hindi makapaniwalang tumitig doon. Valjerome distanced himself and looked at me emotionless.
“A-Ano `to?”
His forehead knotted and glanced on the necklace he just put. “Don’t you know what’s that?” he asked in sarcastic tone.
Ang kaninang kaba at alangan kong nararamdaman ay unti-unting nawala. I rolled my eyes at him and stared again on the necklace.
“Thanks,” I said simply despite of my hundred thoughts.
It was just a simple diamond infinity necklace, but it really means a lot to me.
This is the first time he bought something for me for all these years that we’ve been married. Madalas ay pera lang ang idinedeposito niya sa bangko ko at hinahayaan akong mamili sa gusto kong bilhin.
“Erase that smile of yours. Don’t misunderstood that thing. Binili ko lang `yan para maging agaw pansin at maipakita na binibigyan kita ng mga regalo bilang asawa ko. Let’s go.”
Ang kanina kong ngiti ay gano’n nalang kabilis napawi nang narinig ang kanyang sinabi. Pinanuod ko siyang maglakad palabas ng mansyon. Pagak akong tumawa at tumingala upang pigilan ang nagbabadya kong luha.
“Yeah right, Jazzie. What do you expect to your ruthless husband?” I murmured to myself and followed him after I composed myself.
Tahimik ang naging byahe namin sa loob ng kanyang limousine. Parehong nakatanaw sa magkabilang bintana at hindi kinikibo ang isa’t isa.
“Huwag kang lalayo sa akin kapag dumating tayo ro’n,” he said coldly as he remained his stare outside the window.
“Okay,” tipid na tugon ko at isinandal ang aking sarili sa upuan.
I am still tired, but I need to do this for his parents. Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking isip habang inaalala kung gaano kabuti sa akin ang mga magulang niya. I am an orphan, my father and mother died due to a car accident. Valjerome’s parents’ were the one who adopt me. Pinakain, dinamitan, pinaaral at marami pang iba. Noon pa man ay hindi na lingid sa aking kaalaman ang organisasyong pinatatakbo nila, masama man iyon para sa iba ay hindi ko iyon matingnan sa gano’ng paraan. Paano ko magagawa iyon gay’ong sila ang sumalba at nagbigay direksyon sa buhay ko?
Ilang minuto pa nga ay nakarating na kami sa event hall. Isinuot ko ang aking kulay gintong maskara na kalahati lang ang hagip sa mukha ko bago pa man ako lumabas ng sasakyan gano’n din si Valjerome at saka namin tinahak ang daan papasok nang magkasama. His right hand was wrapping around my waist possessively as if he was showing to everyone that I am his. Hindi man nakikita ang kabuuan ng mukha namin ay nahakot pa rin namin ang mata ng madla, marahil ay gano’n nalang talaga kalakas ang dating ng presensya niya. Mula sa upuan ng mga VIP ay mabilis na tumayo ang mga magulang ni Valjerome lalo na ang kanyang ina at saka kami sinalubong.
"Hija!" puno ng galak na tawag niya saka ako hinalikan sa pisngi, hindi man lang iniintindi ang anak niya sa aking tabi.
"Happy anniversary, Mama," tipid kong sambit at nginitian siya pabalik.
"Salamat. Walang kupas ang ganda ng katawan mo, hija. Hindi ko tuloy masisisi ang paninitig ng mga kalalakihan dito sa `yo,” namamangha na tudyo ng ginang.
Nakisabay nalang din ako sa pagtawa niya kahit pa ramdam ko ang madilim na awra ng asawa ko.
"Dyrhaia, bakit hindi mo muna sila paupuin nang makakain na sila," usal naman ng tatay ni Valjerome at tipid akong tinanguan.
I bowed my head as respect and smiled a little.
"Bakit ba ang tagal niyo? Akala ko ay hindi na kayo pupunta," pagkausap ni Mama kay Valjerome.
He let out a chuckle and kissed his mother’s cheek. "I’m sorry, Mom. Pinagpahinga ko muna po kasi ang asawa ko bago kami pumunta rito. Katatapos niya lang sa photoshoot niya kanina," mahinahong paliwanag niya at saka hinigpitan ang pagkakapulupot ng kanyang kamay sa `king bewang.
I tried hard not to rolled my eyes.
"We’re still not late after all. Speech niyo lang naman ang nalampasan namin," he added, teasing his mom.
I always see this side of him every time we’re with his parents’, but I am still in dazed for every smile he put on his lips.
"Sige na. Maupo na kayo at kumain,” paanyaya ng ama ni Valjerome.
Agad naman naming sinunod ang kanyang gusto. Naupo kami at kumain ng light snacks since kumain na kami sa bahay. Naroon ang munting kwentuhan sa pagitan namin ng kanyang mga magulang. As usual puro buhay naming mag-asawa ang itinatanong nila.
“Kailan niyo ba kami bibigyan ng apo, hija?” nakangiting usisa ng ama ni Valjerome na naging dahilan ng pagkasamid ko sa sariling laway.
Mabilis naman akong binigyan ng tubig ni Valjerome at hinagod nang marahan ang aking likod.
“Okay ka lang, hija?” nag-aalalang tanong ni Mama.
I nodded and tried to smile. “Okay lang po,” tugon ko at umayos sa pagkakaupo.
“Ano ka ba naman, Civor? Binibigla mo naman ang mga bata,” pamumuna ni Mama kay Papa.
Bahagyang umawang ang labi ni Papa at napatingin sa aming dalawa ni Valjerome. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng asawa ko, ang alam ko lang ay nakamasid siya sa akin bagamat hindi ko siya tinitingnan.
“Dalawang taon na silang mag-asawa, mahal. Oras na para bigyan nila tayo ng apo,” tudyo ni Papa.
Pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon.
“Next month.”
Pare-pareho kaming napatingin kay Valjerome nang seryoso siyang umimik.
I raised an eyebrow at him.
What is he talking about?
I was caught off guard when he suddenly pulled my nape for a deep kiss. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng t***k niyon sa bawat pagdampi ng labi ni Valjerome sa akin. Nakakahibang, nakakapanghina.
He slowly broke his kiss and darkly stared around before sitting back properly on his seat. “Expect your apo next month,” usal niya na tila napakadaling bagay lang iyon at saka sumandok sa dessert na nasa harapan ng kanyang plato.
My mouth parted with disbelief. Mas lalo pang nag-init ang aking mukha sa pag-iisip sa kanyang sinabi.
Oh ghad! Tell me he’s just acting.