Ikaapat na Kabanata
NASA MUKHA NI CAREN ang kalituhan nang hindi mahanap ang kanyang pangalan sa printed shift schedule ng Bistrong pinapasukan.
It supposed to be one of her working days in Kristopher's bistro. At ano ang ibig sabihin nito? A childish revenge of Kris dahil sa rejection niya rito? Kung ganoon man, bakit hindi siya nito i-terminate officially? Bakit walang warning?
Ngayon niya lubos na pinagsisihan ang hindi pakikipag-usap ng maayos kay Kris. Mas ngayon niya kailangan ng masasandalan.
"Rock..." Akmang lalapitan niya si Rocky na kapansin-pansin ang pag-ilap mula nang dumating siya sa bistro nang salubungin siya ng tumatayong manager. Si Anton na pinsan ni Kristopher.
"Sabado at usually ay may schedule ako, hindi ho ba, Sir Anton?"
In an apologetic tone ay tumugon ang manager. "Dumiretso ka sa opisina ni Kris, Caren. Ask him directly what ground did he get for your untimely termination."
Pinanlakihan ng mga mata si Caren. Oh, please. Not now. "Termination! S-sir Anton, higit kailanman ay ngayon ko kailangan ng trabaho. Nasa kulungan ang Papa at kailangan niya ng gamot."
Nasa mukha ni Anton ang pang-uunawa at pagkahabag para sa sitwasyon ni Caren. Ngunit maging ito'y walang magawa sa naging desisyon ni Kris na siyang may-ari ng bistro.
"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa Papa mo, Caren. Ang tanging maipapayo ko lamang saiyo ay kausapin si Kris. Batid kong mayroon kang espesyal na puwang sa puso ng pinsan ko kaya hindi imposibleng mapabago mo ang isip ng isang iyon."
Bumagsak ang balikat ni Caren atsaka makailang beses na pumikit. "Susundin ko ang sinabi mo, Sir Anton. Salamat."
Marahang katok ang ginawa niya sa pinto ng opisina ni Kris bago siya boluntaryong pumasok para lamang magulat sa nadatnang kaganapan sa loob.
She almost froze on her spot and scandalously gasped out loud.
"s**t!" Singasing ni Kris atsaka nagmamadaling itinaas ang nakaipong pantalon sa bandang tuhod nito. May nakaluhod na babae sa nakaparteng mga binti nito at nakapantay ang mukha sa bahaging kinaroroonan ng p*********i nito.
"Caren!" Naninitang tinig Kris matapos ayusin ang sarili ngunit hindi nagtagal ay naiwaglit din ang panic at naging banayad ang tingin sa kinaroroonan ni Caren.
"I interrupted you. Paumanhin." She tonelessly apologized. She felt disappointed towards Kris na nakilala niya bilang isang old-fashioned man at lumaki sa napakarelihoyosong pamilya at medyo nagtatagpo ang karakter nila sa aspetong iyon dahilan nga upang i-consider niya ang panliligaw nito.
"No... I mean, iyong nadatnan mo, walang ibig sabihin iyon, Caren. This girl is one of the applicants and she..." Hindi nito magawang ayusin ang pagpapaliwanag.
Caren couldn't help herself but to arched her brow tauntingly at Kris.
Awtokratikong pinalabas ni Kris ang aplikanteng sinasabi nito na kanina lamang ay dahilan ng mariing pagpikit ng mga mata nito at ng nakakaeskandalong halinghing mula sa bibig nito. This man could be uncivil at times.
"Bakit mo ako tini-terminate, Kris? I need this job now more than ever. Inatake sa puso ang asawa ng Lola Cornelia sa Amerika at imposibleng matulungan nila ang Papa sa kalagayan nito ngayon. Ako na lang ang inaasahan ng Papa, Kris bakit ngayon mo pa naisipang sipain ako sa Bistro?"
Noong araw ding natimbog ang kanyang ama ng mga awtoridad ay saka rin nakatanggap ng overseas call si Caren mula sa step-daughter ng Lola Cornelia niya na nasa Amerika. Ipinarating sa kanya ang masamang balita.
Ang kanyang Lola Cornelia ay ang ina ng kanyang Papa Carlos ngunit dahil sa pagiging rebelde ni Carlos noon pa mang binatilyo pa lamang ito'y naiwan sa Pilipinas si Carlos habang ang kanyang Lola Cornelia ay dinala sa Amerika ng retired American navy nitong asawa at doon na nga nanirahan.
Walang nakagisnang ina si Caren. Lumaki siyang iba't ibang babae ang dinadala ni Carlos sa bahay nila na ang kanyang Lola Cornelia pa ang bumili para sa kanilang mag-ama. Madalas ay hindi umaabot ng isang buwan at nagpapalit na naman ng live-in partner ang kanyang Papa.
Samantalang si Caren ay nakasanayan nang mag-crush in sa mga boarding house o apartment ng kanyang mga kalapit na kaklase. Sa paraan kasing iyon ay mas nakakapag-study siya ng maayos at payapa kaysa manatili sa bahay nila na nagmimistulang beer house sa tuwing naroon si Carlos.
"But you rejected me, Caren. Nakalimutan mo na ba? At nasapak pa ako ng isang barumbado sa restaurant sa pagnanais na habulin ka. And that's so humiliating on my part! Tiyak magmumukha akong lampa sa mata ng mga taga-Las Palmas kung sakali mang may nakakakilala sa akin na naroon din."
What she had seen in Kris' eyes was pure displeasure.
"That's all because you have offended me, Kris." She barked back, jaw almost clenching. "I'm sorry for that, okay. Sorry. Hindi ako pumarito para magmalaki saiyo, Kris. I'm in distress right now at alam mo iyon. Nakikiusap akong huwag mo muna akong tanggalin sa trabaho."
Walang imik si Kris na umupo sa working chair nito hanggang sa iangat nito ang mukha at hinuli ang mga mata ni Caren.
"You sound so desperate." He voiced out.
"I really am, Kris." Sinikap niyang kumbinsihin ang binata sa pamamagitan ng nagsusumamong mga mata.
Something strange sprawled in Kris' eyes until a creepy smile painted across his lips.
"Utos ng Mama ang tanggalin ka sa Bistro, Caren."
Napakurap ang dalaga. Paanong... Kris' mother had been so kind to her mula nang maipakilala siya rito ni Kris. At wala itong bukambibig kundi ang kagustuhan nitong maging daughter-in-law siya nito. What's with the sudden turn of events?
Katunayan niyan ay personal pa itong bumisita sa bistro upang kumbinsihin siyang maging date ni Kristopher sa isang malaking celebration na dadaluhan nito sa Las Palmas sa susunod na buwan. A grand birthday party of a certain Don Jose Luis Jaramillo at napapayag na nga siya ng ina ni Kris.
"As what my mother said, walang magandang idudulot sa reputasyon ng pangalan namin lalo na sa akin kung magiging konektado ka pa sa akin, Caren. Your father had been charged with conspiracy and committed criminal damage. Madudungisan ang pangalan kong tiyak oras na malaman ng mga tao na isang anak ng preso ang babaeng sinusuyo ko. Wala pa man ay tiyak na tatagilid ang napipinto kong kandidatura." Kris spoke nonchalantly.
Tila ito manhid at walang pakialam sa puwedeng idulot ng mga salita nito kay Caren. Hindi malaman ni Caren kung sama ng loob para kay Kris o ang kapaitang dulot ng kapalaran ang kanyang uunahin papapasukin sa kanyang dibdib. Alin man sa dalawa, natitiyak naman niyang pantay na hapdi lamang ang dulot niyon sa kanya.
Sa kabila niyon ay hindi nagawang pagpakita ng kahinaan si Caren. Not after this uncivilised man insulted her and his father!
"Ginagawa mong issue ang background ko ngunit 'di mo nagawang maisip na mas nakakasira ng puri ang ginawa mo sa babaeng iyon kanina? At alam kong alam mo na hindi na mabibilang sa daliri ang mga babaeng binayaran at ginamit mo! Now, what happened to those predominant bible old testament na pinagmamalaki mong nirerespeto mo? What if your mother knew about it? Sa palagay mo ba hindi iyon magiging mantsa sa reputasyong ibinibida mo?"
Horror stained his facial expression to the supreme level. Bukod doon ay ilang beses itong napalunok. And the panick in his face turned into an ounce of satisfaction on Caren's insulted being.
"You cannot tell that to the world, Caren. I knew you too well at hindi mo ugaling mang-agrabyado ng kapwa."
"Tama ka naman doon, Kris at hinihiling ko lang na sana ay ganoon ka rin. At sana lang ay hindi ka usigin ng konsensiya mo sa ginawa mong ito, Kris."
Walang lingon-likod na nilisan ni Caren ang bistro. She felt broke all over. And empty. And helpless. Mababaliw siya sa kakahanap ng solusyon para lamang mailabas sa kulungan ang ama.
BANDANG ALAS SINKO Y MEDIA sa kaparehong araw ay sumadya si Caren sa isang cabaret upang i-deliver ang mga in-order na fashion jewelries ng mga suki niyang mga GRO.
Nanggaling din siya sa ATM machine upang limasin ang maintaining balance ng kanyang savings. Iyon ang idinagdag niya sa pambayad sa kanyang supplier nang sa ganoon ay may mga extra jewelry siyang madala sa cabaret. Bakasakaling bumili ang ibang babae roon.
"Ay bet ko 'to. Pak na pak sa beauty ko sigurado." Isang set ng black pearl two chain necklace na may kasamang chandelier style na hikaw ang napili ni Pearl, bagong Guest Relations Officer sa nasabing cabaret. Excited nitong isinukat iyon.
"O, tingin dito mga 'day! Mukha na ba akong si Señora Santibañez? Shala ba?" Sumayaw ito sa intimate na paraan katulad ng karaniwan nitong performance sa club.
"Kamukha naman... no'ng sinakal ni Rosalinda si Anghelika. Ganoon ka." Hirit ni Emerald, isa ring GRO na tubong-Mindanao.
"Sa Marimar tayo, 'tsang! Kutusan kita e."
"S'ya ka. Si Thalia pa rin ang bida roon."
Umismid na lamang si Pearl atsaka muling gumiling sa harapan ng salamin.
"Bagay na bagay nga saiyo iyan, 'te. Doñahan ang dating mo. Kukunin mo rin ba? Bigay ko na lang sa'yo ng 850 kasama itong isa. Non-tarnish din 'yan." Susog ni Caren.
"Shutaaa! 850 'day! Katumbas na ng dalawang jugjug iyon 'no." Maarti nitong reklamo. "S'ya kukunin ko na. Kung 'di ka lang nagmana sa akin ng kagandahan, naku..."
"Ate Rubs, matik saiyo na itong ruby dangle. Thailand gold 'to kaya medyo pricey. 3 kiaw nalang 'to."
"Sama mo na iyong balance ko, tiba-tiba ako kagabi kay Patrolman e kaya laban."
May ngiting sumilay sa labi ni Caren na mabilis ding naglaho nang mapatingin sa babaeng papalapit sa kumpulan nila.
"Caren, sweetheart." Si Dahlia!
"Kumusta ho?"
Nakaroba ang babae at may mga foil sa ilang bahagi ng ulo tila may yinayari sa buhok nito. Bago lang ba si Dahlia sa cabaret? Hindi niya alam pagkat ngayon lang niya ito nakita rito sa ilang beses na nagawi siya sa lugar na iyon.
"Heto, walang pagbabago sa takbo ng buhay. Bueno, nakarating sa akin ang nangyari kay Carlos."
Hindi umimik si Caren habang maingat na inilalagay sa kanyang wallet ang kanyang kinita sa hapong iyon.
"Nasa Amerika ang nanay no'ng si Carlos, bakit 'di n'yo pyansahan?"
"Hindi bailable ang kaso." Tipid niyang sabi.
Tumikwas ang gilid ng labi ni Dahlia. "Ngunit maidadaan sa ibang paraan. Kung..."
Seryosong napatitig si Caren kay Dahlia, tila napukaw nito ang kanyang interes.
"Koneksyon sa loob, sweetheart. Iyon ang ibig kong sabihin."
At makahulugan nitong pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.