bc

HOMBRES ROMANTICOS SERIES: UNRAVELED

book_age16+
4.1K
FOLLOW
11.4K
READ
billionaire
contract marriage
heir/heiress
twisted
humorous
lighthearted
husband
gorgeous
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

SEXY ROMANCE

Batas sa angkan ng mga Jaramillo ang salita ni Don Jose Luis. Fixed marriages were handed down in the clan from age to age. At kahit ang pinakasuwail nitong apo na si Jaxx Junger Jozzwick ay walang lusot sa dikta nitong ipagkasundo siya sa babaeng ito mismo ang pumili na siyang ihaharap niya sa dambana.

Come hell or high water, nunkang magpapakasal siya sa kung sino lang! Isang araw habang iniinda ang nakakahapis na isiping iyon ay may nadatnan si Junger na babae sa loob ng opisina ng kanyang ama. Humihikbi't nagsusumamo. She's simply beautiful, pure and even without spending much time to getting to know her on a personal level, nahinuha ni Junger na ito ang susi sa kanyang suliranin.

"All you have to do is to marry me, Caren Arinque. Be my wife, save me from this burden and I'm gonna pay you a king's ransom in return, honey."

Papanig nga ba sa mga plano ni Junger ang pagkakataon o mabibigo siya sa kanyang assumption tungkol kay Caren Arinque?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Unang Kabanata “BATID KONG mahirap pero nangako ako sa sarili ko na makakapagtapos ako ng kolehiyo, Rocky. Maraming paraan atsaka ako magsusumikap na tuparin ang gusto ng Lola Cornelia. Ang makapagtapos ako ng abogasya at maging lawyer. That's her dream for me to be, Rock.” Ispiradong pangako ng beinte uno años na si Caren Arinque. Kung kailangan na segu-segundo niyang himukin ang kanyang sarili ay gagawin niya lalo pa’t nararamdaman niyang may duda ang maraming tao sa paligid niya. She had to trust herself more than anyone else. “Wala akong duda sa power mo, Caridad. Gusto ko na ngang isipin na immortal ka na sa lagay mong ‘yan, ‘day. But to be honest lang, mas lilinaw ang kinabukasan mo kung magsosolo ka na lang sa buhay.” Tila nagbibigay ng suhestiyon si Rocky. Panaka-naka itong susulyap sa kanya while totaling customers’ purchases. Kaklase niya si Rocky noong high school. Huminto ito sa taong kasalukuyan sa pag-aaral at anim na buwan nang cashier sa Bistro kung saan din siya suma-sideline bilang kahera rin. Beinte sinko oras ang naigugugol niya sa Bistro sa loob ng isang linggo. Bukod pa roon ay nagbebenta rin siya ng fashion jewelries online. Kung tutuusi’y hindi naman kailangan ni Caren ang isubsob ang sarili sa kung anu-anong sideline jobs dahil sapat na sapat na sanang pangtustos sa kanyang pag-aaral ang nakukuha niyang sustento mula sa kanyang Lola Cornelia. Ang kaso... Siniko siya ni Rocky kaya napilitan siyang ialis ang paningin sa nirereview na mga notes. Karaniwan niyang sinisingit ang studies niya lalo na kung matumal ang mga customer sa Bistro. Lumipad ang tingin niya sa entrada ng bistro. There was her father incoming. Nakaakbay sa kasama nitong babae na sa unang tingin ay maipapalagay niyang mas bata ng ilang taon kaysa sa kanyang ama. Maingay itong nakabungisngis habang nakapulupot sa kanyang ama na si Carlos. “Iyan ang ibig kung sabihin.” Ismid ni Rocky. “Lilimasin na naman niyang magaling mong erpat ang sahod mo hanggang sa susunod na buwan at nang makapagyabang sa babae n’ya. Kuu, Caridad! Kahit ako’y isinasama ko na sa panalangin iyang tatay mo at nang tumino naman. Kawawa ka na masyado.” Pinili na lamang ni Caren na hindi kumibo. Umupo ang dalawa sa paboritong puwesto ni Carlos Arinque sa bistro. Mas madalas ito sa naturang bistro kumpara sa kanyang doon nagtatrabaho. Kaagad namang nilapitan ni Caren ang ama. “Pa, kumusta ang check-up ninyo? Ano ho ang sabi ng doktor?” Noong nakaraang buwan pa kasi mula nang magsimula si Carlos na indahin ang p*******t ng dibdib at balikat nito. At nitong nakaraang mga araw ay nakaramdam din ito ng breathlessness kaya hindi nagdalawang-isip si Caren na ibigay ang ipinadala sa kanya ni Cornelia upang makapagpatingin ang kanyang ama sa doktor. Hindi pinansin ni Carlos ang tanong ng anak. “Dahlia, ito ang sinasabi ko saiyo’ng unica hija ko.” Napatiim-labi na lamang si Caren nang mapunang nasa ilalim na naman ng impluwensya ng alak ang kanyang Papa. “Oh! Hi, dear.” Hindi nagustuhan ni Caren ang ngisi ng babaeng kasama ni Carlos. Gusto niyang kilabutan sa paraan ng panunuri nito sa kanya na tila ba nakasalang siya sa metikulosong screening. “Bongga ang alindog nitong anak mo, Carlos. Premium type.” Tila may iniisip itong hindi niya maarok kung ano. Saang kabaret na naman kaya ito nakuha ng kanyang Papa? “Alam mo bang pangarap niyang maging abogado? Pero mariin kong pinapangaralan ang anak kong ito na kalimutan na ang abo-abogasya na iyan. Kalokohan!” Bahagyang napayuko si Caren. Mabuti na lamang at malayo sa bahaging iyon ang ibang customers. Halos masanay na siyang ipinapahiya ng kanyang ama ang sarili nito sa harapan ng mga tao. “May point naman ang Papa mo, sweetheart. Sa ganda’t alindog mo na iyan, hindi mo na kailangang isubsob ang sarili mo sa pag-aaral ng mga batas. May alam akong shortcut sa pag-asinso.” Ani Dahlia. Hindi mahina ang utak niya upang hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. “Oy, Dahlia. Tantanan mo itong anak ko. Hindi niya kailangan na ibilad ang kanyang sarili dahil kung tutuusin ay kaya niyang mapasakanya ang bistro na ito basta ba’y papayag siyang pakasal sa anak ng may-ari nito. Boto ako sa batang ‘yon kaya, Caren ayusin mo ang desisyon mo sa buhay.” Ang tinutukoy ni Carlos ay ang kanyang boss na si Kristopher. Persistent niya itong manliligaw. Kristopher was an average handsome guy at may obsession sa politika. Katunayan aymuntik nang mahikayat ni Caren ang sarili na sagutin si Kristopher hanggang sa tuluyan ngang tumabang ang pakikitungo niya sa binata matapos ang pag-uusap nila may tatlong araw na ang nakararaan. “Naka-oo na ako sa hinihiling ni Mama na isara ang bistro na ito after your graduation, Caren. My family's been certain to welcome you in our home.” Ginagap ni Kristopher ang kanyang kamay. Napayuko siya sa magkadikit nilang mga palad at pumatak ang ilang segundo o minuto ngunit wala siyang makapang kakaibang pintig sa kanyang dibdib. Paanong wala siyang nararamdaman para kay Kristopher gayung buo na ang kanyang pasya na sagutin ito at maging nobya nito. Why her heart acting so untamed? Matabang pa rin ang puso niya kay Kristopher. “We’ll get married there. Gusto ng Mama na ikaw ang humalili sa kanya bilang executive secretary ni Congressman Luciano. Unang kita niyo pa lang ni Congressman ay pumayag kaagad siya sa rekomendasyon ng Mama. Sa ganoong paraan ay mukhang hindi ako mahihirapan na makabingwit ng isang spot bilang konsehal sa darating na halalan.” Magaspang na binawi ni Caren ang kanyang kamay mula kay Kristopher. Bahagya namang nagulat sa kanyang reaksyon ang binata. “Nanliligaw ka pa lang, Kris but look at you! Plinano mo na ang future ko. Inilagay mo na sa kamay mo ang kinabukasan ko.” She sternly gazed at him. “Paumanhin pero malayo riyan sa mga sinabi mo ang gusto ko for my future. And I realized it now na wala pala akong mai-o-offer na puwesto para saiyo sa buhay ko lalo na future ko. We're not on the same track, Kris.” Mabalya siyang tumayo mula sa upuan na halos matumba. “And you can fire me anytime, Kris. Walang kaso sa akin iyon. Iyon lang ay kung papayag kang may nakabinbin akong cash advance na hindi pa nababayaran.” Hindi na nag-aksaya ng panahon si Caren at iniwan niya si Kristopher sa date nila. “Caren, wait. Hindi lang tayo nagkaintindihan. Caren...” Sinubukan ni Kristopher na habulin ang dalaga ngunit dahil sa pagmamadali’y nabangga niya ang isang lalaki. Tumilapon ang cellphone na nasa tenga nito. Napakahalaga pa man din ng tawag na iyon na naudlot. Sangkatutak na mura ang ipinaulan nito kay Kristopher. Bagama’t humingi ng paumanhin si Kristopher ay hindi naawat ang lalaki na sapakin ang pobreng si Kristopher. Humandusay ito sa marble floor ng restaurant nang walang kamalay-malay si Caren sa tinamo nito. “You ass! Ba't sinapak mo kaagad? Pambihira! Nawalan ng malay iyong pobrecito, Dirk!” “And this sonofabitch must be thankful na iyan lang ang napala niya. Now he's leading me to a deeper trouble. Fck! Naghahabol lang sa babae, naperhuwisyo pa ako.” “E, maganda iyong chikababe na hinahabol. I couldn't blame him for chasing the woman like a crazy dog. Darating ang araw na mas malala ka pa riyan, Jozzwick.” “Curse your goddamn mouth, Innocénti! That will only happen when lizards dance tango.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

His Obsession

read
90.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook