Ikatlong Kabanata
MAINGAT NA ipinarada ni Junger ang kanyang puting Lexus LC sports car sa tabi ng napakapamilyar na Mitsubishi Pajero.
Joyful and carefree memories rushed through him with the sight of his mother's favorite car. Iyon ang natatanging sasakyan na naipundar ng kanyang mga magulang na hindi galing sa bulsa ni Don Jose Luis kundi katas ng pagsisikap ng kanyang amang si Jakob mula sa payak nitong negosyo.
Labag sa kalooban ni Don Jose Luis ang pag-iibigan ng kanyang mga magulang. Nagtanan lamang ang mga ito ayon na rin sa kuwento ng kanyang ina. Sa katunayan ay may isip na siya noong muling nakatapak ang kanyang inang si Jimena sa lupain ng mga Jaramillo ngunit hindi kailanman ang kanyang ama.
Lumabas si Junger mula sa kanyang sports car atsaka sumandal doon. Nagpasyang doon na lamang hihintayin si Jakob at nang maiwasan na rin niyang abalahin ang mga saleslady ng hardware store na pag-aari ng kanyang ama.
Karaniwan kasi, out of geniality, ay hindi niya maiwasan na makipag-flirt sa mga saleslady ng Papa niya lalo pa’t mga kadalagahan iyon at may ibubuga.
“Mga anak pa ang mga iyan ng mga kauna-unahang namasukan sa amin ng Mama mo noong kabubukas pa lamang nitong hardware. Kaya huwag mo na silang ituring na iba, Junger. Hands on yourself, son and don't enchant those girls into your wicked game. Are we clear?” ang palaging babala ni Jakob sa anak nang minsang nalaman nitong isang sales clerk nito ang hindi pinalampas ng anak during the store's anniversary celebration a year ago.
Sumilip si Junger sa kanyang relong pambisig. Sampung minuto na hindi pa bumaba ang kanyang ama’y papasukin na niya ito. It was almost 4:30 o'clock in the afternoon at naglalaro sa kalahating oras ang ibabiyahe nila patungo sa sementeryo.
Kakaangat lang ng mukha ni Junger mula sa kanyang wristwatch at balak sanang kalagin ang ikatlong butones ng kanyang button-down shirts nang mapadako na lamang basta ang kanyang atensiyon sa babaeng nakikipag-usap sa guwardiya na nakaposte sa claiming section ng hardware store.
Suddenly the air corrupted from his lungs at ibig niyang mapangiwi sa kakatwang reaksyon ng kanyang sarili.
He couldn't be mistaken. Iyon din ang babae sa restaurant ni X!
Wala sa loob na tumuwid ang gulugod ni Junger. Lecherously, he became an ultra-serious planet watcher, wanting best quality views of planet through a telescope. And that girl is the view.
Wearing a neutral-colored campus outfit, a high-necked top tucked into a high-waisted skirt at sa bewang nito’y may nakataling plaid longsleeves shirt. She was wearing no accessories, just a pair of washed sneakers and a canvas backpack at tila ilang oras nang hindi nasusuklay ang wavy at mahaba nitong buhok.
Junger unstoppably grinned upon realising that the girl is a kolehiyala. Such an innocent bunny!
At nagkrus muli ang landas nila. It could mean a little something, he presumed. Walang mawawala kung susubukan niyang lapitan ang babae.
Natagpuan na lamang ni Junger ang sarili sa harapan ng guwardiyang kanina lang ay kausap ng babae.
“Iyong babaeng kapapasok lang, hindi iyon customer, hindi ba?” He intended to sound uninterestingly.
Sandaling nilingon ng guwardiya ang tinahak na daan ng babaeng tinutukoy ni Junger. May pagtataka sa mukha nito ngunit hindi ipinahalata sa takot sa anak ng amo.
“Hindi ho customer, Sir Junger.” Magalang na sabi ng guwardiya.
“Ano ang pakay no’n dito kung ganoon?”
“Nakiusap hong makausap si Sir Jakob. Nagpupumilit at mangiyak-ngiyak kaya pinapanhik ko na ho sa opisina ni Sir Jakob pero hindi ko na ho naitanong ang sadya niya sa Papa ninyo.” Marahang napakamot sa ulo ang guwardiya. “Itatanong ko pa po ba, Sir?”
He winced mentally. “S’ya! Huwag ka nang mag-abala. I'll go ask her myself.”
It wasn't his intention to snob his father's employees ngunit sa paghahangad na maabutan at makadaupang-palad ang naturang babae ay hindi niya magawang batiin pabalik ang sino man.
INIPON NANG lahat ni Caren ang lakas ng loob na mayroon siya. Ilang hikbi ang kumawala mula sa kanyang bibig bago niya nagawang kumatok sa opisina ni Jakob Jozzwick.
Isinabit ang kanyang ama ng mga itinuring nitong mga barkada sa car cloning scam ng grupo ng mga ito. At ang huling naging biktima ay si Jakob Jozzwick at idiniin sa kaso ang kanyang ama.
“Have a seat, hija. What can I do for you?” Bahagyang nakahinga si Caren sa maayos at malumanay na pagtanggap ni Jakob Jozzwick.
All she thought na isang tyrant businessman ang kanyang makakaharap ngunit tila nagkamali siya.
“Anak po ako ni Carlos Arinque, iyong isa po sa sinampahan ninyo ng kaso dahil sa pagnanakaw ng kotse ninyo.” Sinikap ni Caren na ituwid ang pananalita sa kabila ng panginginig ng mga labi.
“Oh.” Manghang usal ni Jakob Jozzwick. “At ano ang totoong sadya mo saiyong pagparito, hija? What can I say, I only did what is right. Nagkasala ang Papa mo sa batas, hija and I can't tolerate that kind of wrongdoing.”
Sa pagkakataon na iyon ay pinalaya na ni Caren ang emosyong lumulunod sa kanya sa nakaraang tatlong araw. She dropped on her knees, freed her sorrowful tears and begun to plead.
“Hija! Hindi mo kailangan ang lu—”
“C–colorectal cancer, stage four...” sa basag at nahahapis na tinig ay umpisa ni Caren. “No one, maging ang doktor na sumuri sa Papa’y hindi masabi kung gaano na lamang katagal ang pananatili niya sa mundo.”
Ang papel kung saan nakatala ang diagnosis ng kanyang ama’y hirap niyang iniabot kay Jakob. “Hija, please, tumayo ka riyan.”
“Wala naman na akong choice maliban sa ihanda ang sarili ko sa kung ano man ang itinakda sa Papa. Pero kakapalan ko na po ang mukha ko, Sir Jakob. Gusto ko pong pagsilbihan at alagaan ang Papa hanggang sa huli niyang...” Pumiyok ang kanyang boses, lalong napahagulhol si Caren habang iniinda ang labis na p*******t ng kanyang dibdib.
“Hindi po maaatim ng konsensiya ko na hindi ko magampanan ang nalalabi kong responsibilidad bilang isang anak. Kaya nagmamakaawa po ako sa inyo, Sir Jakob. Nagmamakaawa po akong iurong ninyo ang kaso laban sa Papa. Kahit ako na lamang po ang sumalo sa parusa sa kanya, nakahanda po ako.” She was rising a damn miracle sa ginagawa niya. Walang reglamento na maaaring magbigay-daan sa iminumungkahi niya but she's too desperate. Too broke and mindless to deal with this dilemma. Nalulusaw ang talino’t prinsipyo niya.
“Oh God, hija...”
“Pa, what exactly is happening in here?”
A rough and slightly hoarse voice of a man unexpectedly boomed inside Jakob Jozzwick’s office. At sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kinilabutan si Caren sa boses na iyon dahilan upang pilitin niyang ikalma ang sarili mula sa pag-iyak.
“Nariyan ka na pala, Junger.” At muling ibinaling ni Jakob ang atensiyon sa nakaluhod na dalaga. “Hija, get up.” Banayad nitong utos at tangka siyang tulungang tumayo.
“Pa, let me.” Hindi malaman ni Junger kung saan niya napulot ang pagiging gentleman at nagpresinta siyang konsortehan ang estrangherong babae na tumayo.
He appeared behind her and the moment he touched her pretty elbow, something warm stirred from his core. Sultriness rushed through his veins and ran straight to the very center of his thighs.
You're in trouble, boy!
“Why the hell you're on your damn knees? Pa?!” Junger’s voice thundered suspiciously.
“Oh, dear son. Quit giving me that suspicious look as if I'm a philandering bastard.” Manghang sita ni Jakob sa anak.
Noon naglakas-loob si Caren na iangat kay Jakob ang tingin. “Mukhang may mas mahalaga po kayong bisita, Sir Jakob. Babalik na lamang po siguro ako.”
Caren cleared her throat, feeling uncomfortable having a man's warm and firm hand around her elbow. Hindi niya gusto ang init na inilalaan nito sa sistema niya. The man's touch made her heart pumped differently at nakakalito iyon lalo pa’t bahagya siyang disoriented gawa ng pamomroblema sa ama.
“S–salamat...” ang tanging naitawid ni Caren nang sandaling pumihit siya at tuluyang makaharap ang lalaking tinawag na anak ni Jakob Jozzwick na nagmagandang-loob na alalayan siyang tumayo.
She had to raised her chin just to have a full view of his face. At siya’y natuod! Suddenly oxygen got stolen from her lungs, so as words failed her.
Did God meticulously sculpted and pared this man for century to perfection? Or is he the God himself? Why, this man possessed an ambitious character.
“It wouldn't hurt to blink, missy. Did I grow an extra p***s on my forehead?” Gagad nito na nagpabalik sa kanya sa ulirat.
She blinked every ounce of odd feelings away and gathered her wits. She intended to neglect the man for he became the reason of her stammering senses. At siya’y magalang na nagpaalam kay Jakob Jozzwick, nangakong babalik at magsusumamong muli hanggang sa iurong nito ang kaso laban sa ama.
Samantalang ang mag-ama’y tahimik na nagkatinginan sa loob ng opisina ilang minuto matapos umalis ng babae. Ngunit nagawang makiusyuso ni Junger tungkol sa naging pakay ng babae sa kanyang ama.
And he fell into silence while massaging his peppered stubbles after listening to his father.
“Hindi ko gusto ang naglalaro sa mga mata mo, Jaxx Junger. She's too innocent and submissive for your type.”
Submissive... Hindi ba nga at iyon ang hinahanap niya na makakalutas sa kanyang problema? She must be the answer to his wicked prayer.