Ikalimang Kabanata “WHY? TUTAL susunduin din lang ako ng Mommy, bakit ‘di ka na lang sumabay, Cah?” Nakanguso ang kaklase niyang si Louise dahil muli siyang tumangging sumabay dito sa hapong iyon. Kapag nalalapit ang exam ay karaniwan na nilang napagkakasunduan ang mag-group study. Madalas ay sa condo ni Louise Raval sila lumalagi dahil ang Mommy lang nito ang kasa-kasama ni Louise sa condo. Saktong lugar kung saan sila makakapag-aral ng tahimik. Bukod pa roon ay malapit din iyon sa university na kanilang pinapasukan. “Oo nga, siswa! Sumabit ka na sa beauty namin para less hassle. Heller! Gagastus ka pa ng pamasahe at pagod sa biyahe. Ang layo pa naman ng bahay mo sa condo nitong si Louise.” Segunda pa ng gay friend nilang si Reymondo Montealto habang panay ang dukot ng chips sa loob n