Chapter 14

2567 Words

MAGANDA ang gising ni Tere kinabukasan. Halos mag-uumaga na kasi nang maghiwalay sila ni Liam. Napasarap ang pagmo-movie marathon nila kaya hindi nila namalayan ang oras. Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay lumabas na ng kuwarto si Tere. Kinatok niya sa kuwarto nito ang kuya niya pero walang sumasagot. Kaya marahil ay nasa ibaba na ito. Pababa na siya sa hagdan nang makita niya ang ina ni Liam. Bihis na bihis. "Good morning po, Tita Mercedes! You are so pretty today," walang halong kaplastikan na bati niya rito at humalik sa pisngi. "Natutuwa talaga ako sa'yo, hija. Kasi gumaganda ako kapag nasa paligid ka." Nagbeso rin ito sa kaniya. "Ang sarap mong maging anak. Bukod sa maganda na, mabait pa." Tipid na ngumiti si Tere. "Thank you po, Tita. Kung buhay lang po si Mama, sana gano'n din a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD