"Mas matanda lang pala ako ng four years sa'yo," wika ni Jayden matapos nitong tanungin kung ilang taon na siya. Kahit lumilipad ang isip ni Tere kina Liam at Farrah ay nag-e-enjoy pa rin siya sa company ni Jayden. Hindi ito nauubusan ng kuwento. Laging may nakahanda na sasabihin sa tuwing natatahimik si Tere. Ngunit sa sandaling magkasama sila ay hindi niya naramdaman na pinagsasamantalahan siya ni Jayden. Kaya parang ayaw na tuloy niya maniwala sa sinabi ni Liam na playboy daw ito. "Oo, fifteen lang ako," sagot ni Tere. Pareho silang nakaupo sa duyan. "Ano nga pala ang course mo?" "MedTech. Gusto ko kasing maging medical laboratory scientist balang araw." "Wow. Medical Technology." Binalingan ito ni Tere. "But you want to be a doctor someday?" Humarap din sa kaniya si Jayden. "Iyon