Tinulang Manok 7

1722 Words
Magkakasunod akong napalunok ng laway. Hindi puwedeng basta na lang akong ipakulong ng lalaking ito. Saka, sinauli ko na naman ang kwintas, ah? Alam ko ring nakita nito iyon sa kotse niya. "Mr. Anderson, wala naman akong ninakaw sa 'yo. Kaya puwede ba huwag mo akong takutin!" galit-galitang sabi ko. Pero ang totoo ay kabado ako. "Wala? Sure ka, Ms. Bombie?" pamang-uyam na sabi ito sa akin. Nasa mukha din nito ang pagka-disgusto sa akin. "Bombie, anak ko!" Nagitla ako sa boses ng aking ina, kasabay noon ang mga katok sa pinto ng kwarto ko. Agad naman akong tumalikod para buksan ang pintuan. Subalit may pumigil sa akin. Mula sa aking likuran. Parang nagtaas ang mga balahibo ko sa aking katawan. Dahil sa taong nasa likod ko. Sobrang dikit din niya sa akin. Hindi sapat at mga kasuotan namin para mag-init ako ng 'di ko mawari. Ang mas malala pa ay ang mainit na hininga nitong tumatama sa aking batok. Kaya tuluyang nagtaasan ang mapipinong balahibo ko. "Ikaw pa lang ang babaeng naglakas loob na pagnakawana ko. Titiyakin kong makukulong ka, Ms. Bombie..." Parang lalong nangilabot ang buong katawan ko sa boses nito. Kakaiba kasi ang dating nito sa akin. Parang inaakit ako na iwan. "Puwede ba, lumayo ka sa akin, Mr. Anderson! Wala akong kasalanan sa 'yo!" pagtataboy ko rito, kahit kabado ako ng mga oras na ito. "Tingnan natin..." pabulong na sabi nito. Pagkatapos ay naramdam ko na lang na nawala ito sa aking likuran. Dahan-dahan naman akong pumihit paharap para tingnan ito. At ang nakita ko na lang ay ang paggalaw ng kurtina ng bintana ng kwarto ko. Parang nabunutan ako ng tinik dahil wala na ito sa aking silid. "Anak, naririnig mo ba ako?!" tanong sa akin ng Inay ko. Malakas na rin ang boses nito, habang panay katok sa pinto ng kwarto ko. "La-Labas na po ako, Inay," mabilis na sagot ko sa aking ina. Kapagkatapos ay agad kong binuksan ang pinto para makipag-usap kay Inay. Nakita kong bihis na bihis na ito. "Inay, hindi ba ako puwedeng sumama sa inyo?" malungkot na tanong ko. "Bombie, hindi naman kami magtatagal doon. Saka, nag-usap na kami ni Lord Anderson. Siya na raw ang bahala sa 'yo. May tiwala kami roon. Kahit hindi iyon ngumingiti ay mabait naman ang Amo ng Itay mo," anas ng Inay ko. Alam kong sinabi lang nitong mabait ang lalaking iyon para hindi ako mangamba. Sila may tiwal sa kumag na iyon. Pero ako--- Wala kahit kaunti. Lalo at nagbabanta itong ipapakulong daw ako. Naku! Ang sarap sunugin ng buhay! Mayamaya pa'y lumapit na rin sa amin si Itay. "Anak, kami ay aalis na. Sana'y magpakabait ka naman dito. Saka, nakikiusap ako sa 'yo, Bombie, huwag mo namang isabong nang isabong ang aking manok. Baka sa kawali lang mapunta!" sermon ng aking itay sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, Mahal ko? Ito bang anak mong si Bombie ay nagsasabong pa rin hanggang ngayon?!" palatak na tanong ni Inay sa aking Itay. Hindi rin maipinta ang mukha nito. "Ah. . . Eh. . . Inay, nagbago na ako. Hindi na ako nagsasabong ngayon! Sige na po, umalis na kayo at baka naiinip na si Mr. Anderson!" pagtataboy ko sa aking mga magulang. Para maiwasan ang sermon. "Aray!" malakas na sigaw ko. Paano ba naman, hinila ng inay ko ang aking tainga. "Umayos ka Bombie, araw-araw kaming tatawag sa 'yo. At malalaman din namin ang mga pinag-gagawa mo rito. Kaya umayos kang bata ka!" palatak na naman ng inay ko. "Inay, mabait na ako ngayon. Kaya wala kang dapat na alalahanin sa akin. Saka, aalis na lang kayo tatalakan mo pa ako," anas ko at talagang pinalungkot ko pa ang aking mukha. "Naku! Hindi mo ako madadaan sa iyong mga paawa epek, Bombie!" Napanganga na lang ako sa sinabi ni Inay na paawa epek. Saan kaya nito narinig ang mga katangang iyon? Balak ko pa sanang magsalita nang umalis na sila sa aking harapan. Gusto kong magtatalong sa tuwa nang marinig kong tuluyan nang umalis ang kotse na sinasakyan ng ama at ina ko. "Yes! I'm free!" malakas na sigaw ko. Sabay talong nang ilang beses. Pagkatapos ay nagmamadali akong pumunta sa aking silid para magbihis ng damit. Balak kong lumabas ngayon para pumunta sa sabungan. Kahit ano'ng oras ay puwede akong umuwi lalo at wala naman dito ang mga magulang ko. Nagmamadali akong pumunta sa likod bahay para kuhanin ang manok na aking isasabong. Hindi naman ito malalaman ni Itay. Maliban na lang kung may magsusumbong. May ngiti sa mga labi ko nang lumabas ng munting gate namin. Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan kong sabungan kaya maglalakad na lamang ako. Subalit bigla akong nakaramdam na parang mayroon sumusunod sa akin. Kaya naman dahan-dahan akong naglakad para makiramdam sa buong paligid. Bigla rin akong lumingon sa likuran ko ngunit wala akong makitang ibang tao. Kundi ako lamang ang nandito. "Peste! Ka-araw-araw minumulto ako, ah!" malakas na pagkakasabi ko. Iiling-iling na lang ako at muling pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa. . . "Holdap 'to! Ibigay mo sa akin ang dala-dala mong manok..." pabulong na sabi ng lalaking nasa likuran ko. Napahinto tuloy ako sa paglalakad. Sobra rin akong na-shock. "Mr. Holdaper! Huwag naman itong manok. Hindi kasi ito sa akin," anas ko. Ayaw kong gumawa ng ano mang gulo. Lalo at nadama kong mayroon nakatutok na bagay sa tagiliran ko. "Alam kong wala kang pera kaya ang manok na lang ang kukunin ko," anas nito sabay agaw sa tandang na manok na hawak ko. Hindi naman ako makahuma dahil mas lalo pang dumiin ang bagay na nasa tagiliran ko. "Baka naman puwede natin itong pag-usapan, Mr. Holdaper," nakikiusap na sabi ko. "Wala nang usap-usap, babae. Mabuti nga at manok lang ang kinuha ko sa 'yo, hindi ang suot mong bra..." muling bulong nito sa akin malapit sa may punong tainga ko. Parang lalo naman akong nangilabot. Peste! Hindi kaya gahasain din ako? Pero hindi ko iyon mapapalampas. Kahit mamatay ako ay ipagtatanggol ko ang aking p********e. "Huwag kang mag-ilusyong gagahasain kita, babae. Dahil hindi ikaw ang tipo ko," wala prenong anas ng lalaking holdaper. Kuyom ang mga kamao ko. Sa totoo lang ay gusto ko nang suntukin ito. Kaya naman naghanda ako. Maliksi akong bumaling sa lalaking holdaper, hindi ko alintana ang hawak nitong patalim. Subalit nakita ko na lang ang likod nito. Malalaki rin ang mga hakbang nito papalayo, hanggang sa tuluyang maglaho sa aking paningin. "Hoy! Ibalik mo sa akin ang manok ko!" malakas na sigaw ko. Nagmamadali rin akong tumakbo para habulin ito. Kaya lang ay tuluyan na itong naglaho na parang bula ng sabon. Nanlulumong napaupo ako sa malaking bato. Malalagot ako nito kay Itay. Ang manok pa naman na iyon ay palagi nitong hinihimas at kinakausap tuwing umaga. Ano'ng idadahilan ko sa matandang iyon. Naku naman! "Ms. Bombie Bomerrio, Inaaresto ka namin sa kasong robbery na isinampa sa 'yo ni Attorney Anderson." Mabilis pa sa alas-kwatrong bumaling ako sa lalaking nagsalita mula sa likuran ko. Parang gusto kong mahimatay nang bumungad ka agad sa akin ay ang mga pulis. Teka totoo ba ito? Hindi kaya isang masamang panaginip lang ang lahat? "May dala kaming warrant of arrest. Puwede kang kumuha ng iyong abogado, puwede ka ring manahimik at huwag magsalita," tuloy-tuloy na litanya ng pulis. Nang mga oras na ito ay hindi ako makapagsalita. Nakamasid lang ako sa pulis na naglalagay sa akin ng posas. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na makukulong ako dahil sa pagnanakaw ko ng chocolate at kwintas. Ngunit sinauli ko naman ang kwintas, ah? Maliban na lang sa chocolate dahil kinain ko na. s**t talaga, oh! Masama ang loob ko habang papalapit kami sa prisento na kung saan ako ikukulong. Nakakatiyak akong sobrang mag-aalala sa akin sina inay at itay. Oras na malaman nilang nakakulong ako. Mabuti na lang at wala sila rito. Pagdating naman sa prisento ay agad akong ikinulong. Dahil mamaya raw ay parating na ang taong nagpakulong sa akin. Naikuyom ko tuloy ang aking mga kamao. Asar na asar ako sa lalaking Iwan na iyon. Lumipas ang halos isang oras. "Ms. Bomerrio, may dalaw," anas ng pulis sa akin. Pagkatapos ay binuksan ang bakal na pinto, na kung saan ako nakakulong. Agad akong dinala sa taong dumalaw sa akin. Naku po! Dahil likod pa lang nito ay nakakasura na. Ngunit kailangan kong magtimpi. Susubukan ko ring magmakaawa rito. Maliksi akong naupo sa katapat na upuan nito. "See, sabi ko naman sa 'yo ipapakulong kita," mapang-uyam na sabi nito sa akin. "Wala akong kasalana sa 'yo. Dahil binalik ko na ang kwintas!" mariing sabi. "Kahit binalik mo, nagnakaw ka pa rin. Ang chocolate naman ay hindi mo pa binabalik, babae. Hindi mo ako malilinlang!" "Okay, fine! Ako na ang nagnakaw. Ano'ng gusto mo? Lumuhod ako sa harap mo, Mr. Anderson?" Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin dito. "Hmm! Why not! Pero mamaya na tayo mag-usap tungkol sa ibabayad mo sa akin. Kumain ka muna. Dinalhan kita ng pagkain mo alam kong gutom ka na," anas nito sa akin, sabay lagay ng dalawang tupperware sa harap ko. Kumunot ang noo ko dahil dinalhan ako ng pagkain. Ano kaya ang nakain nito? "Wala ba itong lason?" baliw na tanong ko sa lalaki. Habang binubuksan ang takip ng tupperware. "Remember isa akong lawyer. Kaya hindi ko dudungisan ang aking kamay ng maruming dugo mo. Sige ka kumain ka na, ako nagluto niyan," anas ng lalaki. "Talaga lang, ah?" tanging nasabi ko. Pagkatapos ay muling bumaling sa tupperware. Nakita kong tinulang manok ang laman nito. "Native ang manok na iyon alam kong magugustuhan mo," nakangising sabi sa akin ni Anderson. Parang may kakaiba sa ngiti nito. Hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa paa ng manok. Nakita ko lang naman ang kulay blue na singsing na suot ng manok ni Itay. Hindi naman puwedeng nagkataon lang? Tumingin ulit ako sa lalaking kaharap ko. Nakita kong umismid ito. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa paa ng manok na may singsing pa rin. Hindi na ako nakapagpigil. Agad kong kinuha ang paa ng manok na may singsing at pinakatitigan ng husto. Hindi ako puwedeng magkamali kay Itay ang manok na kinatay nito. "Itong manok? Saan galing ito? Saan mo ito kinuha?!" tanong kong may pag-aakusa. "Sa kulungan ng manok," baliwalang sagot nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD