Parang gusto kong manapak ng mga oras na ito. Hindi matanggap ng budhi ko na wala na ang manok ni Itay na sasabungin. Nanlilisik tuloy ang mga mata ko sa lalaking kaharap ko. Naturingan pa naman itong lawyer, ngunit nagkakatay ng manok na hindi kanya!
"Bakit pati ang manok ni Itay ay dinamay mo?!"
"Ha? Paano mo nasabing manok iyan ng Itay mo, aber?" balik tanong nito sa akin habang nakahalukipkip ang mga braso.
"Heto ang palatandaan ko." Sabay taas ng paa ng manok at pinakita ko ang singsing na kulay blue na suot-suot pa rin.
Malakas naman itong humalakhak. "Hindi lang ang manok ng Itay mo ang may ganiyang singsing, babae. Saka, kung ayaw mong kainin ang dinala kong pagkain sa 'yo. Hindi kita pipilitan." Maliksing gumalaw ito sabay agaw sa akin ng paa ng manok at muling binalik sa tupperware, pagkatapos ay muling tinakpan. Hindi na ako nakaangal sa inasta nito.
Muli itong naupo sa at seryosong tumingin sa akin. Napasimangot naman ako rito. Para kasing kakaiba ang tingin niya sa akin.
"B-Bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan, Mr. Anderson?" kabadong tanong ko sa lalaki. Nakita kong nagkibit balikat muna ito.
"Gusto mo bang makalayo rito, Ms. Bomerrio?"
"Oo, ngunit paano ako makakalaya kung ikaw mismo ang nagpakulong sa akin, Mr. Anderson."
"Puwede kitang palayain, ngunit sa isang kondisyon..." Bigla itong huminto sa pagsasalita. Pagkatapos ay tumitig sa aking mga mata.
"A-Ano'ng kondisyon naman iyon, Mr. Anderson?"
"Be my private Dancer..."
"Ha? Seryoso ka? Pero bakit?" palatak na tanong ko rito.
"Damn! Lower your voice, Woman?"
"Okay, sorry naman. Pero bakit gusto mo akong kuhanin na private Dancer mo? Puwede mo bang sabihin ang dahilan?" tanong ko, ngunit mahina na ang tono ng aking boses. Baka kasi singhalan na naman ako kapag lumakas ulit.
"Hmmm! Kung papayag ka sa gusto ko, puwede kong sabihin sa 'yo ang dahilan ko. Huwag kang mag-alala, kasi babayaran naman kita, Ms. Bombie," seryosong sabi nito sa akin.
Nag-isip muna ako. Kung papayag ba ako, makakalaya na ako rito. Hindi na mag-aalala sa akin sina inay at itay. Hindi naman siguro ako gugulangan ng lalaking ito. Bahala na. Ayaw ko namang matulog sa kulungan na ito.
"Puwede ko bang malaman kung ilang taon akong magiging private dancer mo, Mr. Anderson?"
"Two years," mabilis na sagot ito sa akin.
"May pipirmahan ba akong contrata? Baka naman dihado ako. Saka magkano ang ibabayad mo sa akin?" tanong ko agad at wala nang hiya-hiya. Mas maganda ang sigurista ako.
"Kailangan mo munang pumayag sa gusto ko bago ko sabhin sa 'yo ang lahat-lahat. Hindi ko rin puwedeng sabhin dito. At kung sasang-ayon ka, ngayon pa lang ay aayusin ko na ang paglaya mo, Ms. Bombie."
"Sige, payaga ako," walang paligoy-ligoy na sagot ko sa lalaki. Nakita ko namang ngumiti ito.
"That's good! Hintayin mo ako rito. At aayosin ko ang paglaya mo," saad nito. Pagkatapos ay agad na tumayo at umalis sa aking harapan. Hindi naman nagtagal ay muling bumalik ang lalaki rito.
"Let's go," pagyaya nito sa akin. At pagkatapos ay tuloy-tuloy nang lumabas. Ako naman ay nagtatak kasi wala man lang akong pinirmahan dito na katunayang laya na ako. Ayos na rin iyon sa akin. Walang ebidensya na nakulong akong kahit ilang oras lamang.
Kaya naman malalaki na rin ang hakbang ko para sundan ang lalaking abogado. Baka bigla akong tawagin ng mga pulis na naghuli sa akin kanina at
muling ibalik sa kulungan. Yaay! Ayaw ko nang maulit iyon.
"Ikaw na magmaneho." Sabay hagis sa akin ng susi nang tuluyang akong makalapit sa tapat ng kotse nito. Ito naman ay tuluyan nang pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod na lang ako sa lalaki at naupo sa driver seat. Agad ko namang tiningnan ang notebook na nasa harapan ko para alamin kung saan kami pupunta.
Nakita kong sa bahay nito. Tiningnan ko rin ang mapa. May ngiti sa aking labi nang simulan ko nang magmaneho. At habang nagda-drive ay napatingin ako sa mirror sa itaas ng kotse. Nakita kong nakasandal ang lalaki habang nakapikit ang mga mata. Pansin kong antok na antok nito.
"Huwag mo akong titigan baka matunaw ako." Maliksing binalik ko ang aking mga mata sa unahan. s**t! Bakit ang lakas ng pakiramdam ng taong ito? Hindi kaya kakaibang nilalang ito? Grabe nakakatakot.
Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy ko ang pagmamaneho. Hindi naglaon ay nakarating kami sa bahay nito. Agad naman itong bumaba sa kotse.
"Follow me," utos nito sa akin. At nagtuloy-tuloy nang humakbang palayo. Ako naman ay sumunod na lang sa lalaki.
"Hanggang ngayon ba ay tinititigan mo pa rin ako, Ms. Bombie? Baka magulat ka na lang natutunaw na ako," mapang-akit na sabi nito. Bigla rin itong huminto sa paghakbang at siyang dahilan para mabangga ako sa likod nito.
Maliksi naman akong lumayo sa lalaki nang alam kong haharap siya sa akin. Hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan. At nakatitig lang sa mukha ng binata. s**t! Bakit sobrang gwapo yata nito ngayon? Parang ang sarap nitong halikan nang paulit-ulit. Gawin ko kaya?
"Ms. Bombie, are you okay?" tanong ni Trigger. Habang hinatapik ang aking balikat. Doon lang ako natauhan. Peste! Ang layo na pala nang nilakbay ng utak kong mahalay.
"Hey, Ms. Bomerrio. Natulala ka na riyan?" narinig ko ulit na nagsalita ang binata. Habang ang mukha nito'y mas inilapit pa sa akin.
"A-Ayos lang ako. Nakalimutan ko lang huminga," abnormal na sagot ko. Iyon kasi ang biglang pumasok sa utak ko. Kaya 'yun ang nasabi kong palusot. Iwan ko lang kung maniniwal ito.
"Then, huminga ka na, Ms. Bombie," anas naman nito at mas lalong inilapit pa ang mukha niya sa akin.
"Te-Teka lang, huwag na nang masyadong lumapit. Ba-Baka lalong hindi ako makahinga," sagot ko. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis sa harap nito. Nauna na akong naglakad, bahala na ito.
"Dahan-dahan sa paglalakad, baka hindi ka na naman makahinga, babae!" narinig kong sigaw ng binata. Pakiramdam ko'y inaasar pa ako.
Nagdadabog tuloy sa paghakbang. Habang papasok sa kabahayan. Agad akong naupo sa malambot ng sofa. Para hintayin ang lalaki. Mayamaya pa'y nakita ko na ang bulto nito. Seryoso itong tumingin sa akin.
"May kukuhanin lang ako sa itaas," paalam nito sa akin. Hindi naman nagtagal ay muling bumalik ang lalaki. Nakita kong may dala-dala na itong brown envelop. Agad itong naupo katapang sofa.
"Bakit kailangan mo ng private Dancer, Mr.Anderson?" tanong ko at wala nang paligoy-ligoy pa.
Narinig ko namang malalim itong nagbuntonghininga. Napansin ko ring hinilot din nito ang noo niya.
"Kailangan na mabuhay ulit ang aking junior. Huwag ka nang magtanong kung bakit patay ito ngayon. At pagdating naman sa magiging sahod mo ay bibigyan kita ng fifty thousand pesos. Ngunit hindi lang isang private dancer ang gagampanan mo, magiging secretary rin kita sa loob ng dalawang taon."
Fifty thousand pesos, wow ang laki? Private Dancer at secretary lang naman ang gagampanan ko. Puwede na iyon. Kayang-kaya ko iyon. Sayang ang malaking pera na sasahurin ko. Para may silbi na rin ako kina inay at itay. Saka, hindi na ako matakot dito lalo at patay na pala ang junior nito. Napangiti tuloy ako ng palihim.
"Ms. Bomerrio, nakalimutan mo na naman bang huminga?" Bumalik lang sa tamang katinuan ang isip ko nang muling magsalita ang binatang nasa harapan ko.
"Ah. . . Eh. . . Oo, muntik ko na namang makalimot huminga," nakangiting palusot ko. Parang bigla akong nahiya rito.
"Okay, pirmahan mo na ito, bago pa tuluyang kang makalimot huminga," umiiling na sabi niya sa akin. Sabay abot ng puting papel. Agad ko naman itong kinuhan para pirmahan.
"Pariham ng bolpen, Mr. Anderson." Agad naman nitong inabot sa akin ang hinihiram ko. Pagkatapos ay tumingin na ako sa papel na hawak ko.
Subalit, biglang kumunot ang aking noo nang makita kong walang kahit isang sulat ang nakapaloob sa puting papel. Kaya ang ginawa ko'y kinusot ko ang aking mga mata. Baka namamalik-mata lamang ako. Ngunit ganoon pa rin wala talagang nakasulat dito.
"Mr. Anderson, pinagloloko mo ba ako? Bakit blankong papel ito? Saan ako pipirma rito? Saka, paano ko ito mababasa?" kunot noo ako habang nagtatanong sa lalaking nahihibang na yata.
"Mayroong nakasulat diyan, Ms. Bombie. Sipatin mo nang maayos at nang makita mo ang mga nakasulat sa papel," sagot nito, sabay sandal sa upuang sofa.
Kakamot-kamot ako sa ulo habang sinunod ko ang sinabi nitong sipatin ko raw para makita ko. Ngunit wala talaga akong makita, kahit tuldok ay wala akong namataan.
"Here." Napa-angat ako ng tingin nang makita ko ang salamin sa mata na inilagay nito sa ibabaw ng center table.
"Ano'ng gagawin ko riyan, Mr. Anderson?"
"Suotin mo baka sakaling makita mo ang mga nakasulat diyan sa papel," seryosong anas nito.
Hindi muna ako nagsalita nakatitig lang ako sa salamin na nasa ibabaw ng center table. Para kasing may mali. Hindi naman malabo ang aking mga mata, ah.
"Oh, saan na naman napunta ang paghinga mo? Nakalimutan mo na naman ba, Ms. Bombie?" Nakangiwi tuloy ako nang tumingin dito.
"Oo, eh, nakalimutan ko na namang huminga, nang makita ko ang salamin sa mata."