Kahit nag-aalinlangan ay kinuha ko na lang ang salamin sa mata. Agad ko itong isinuot. Pagktapos ay muli akong tumingin sa papel. Kaya lang ay ganoon pa rin. Wala pa rin akong nakikitang sulat. "Attorney Anderson, baka naman mali itong papel na binigay mo sa akin?" hindi ko mapigilang tanong sa lalaki. "Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakamali. Kaya alam kong tama ang papel na iyan, Ms. Bombie Bomerrio!" "Gusto mong tingnan, Attorney?" "Okay," sagot nito. Sabay kuha sa akin ng puting papel. Nakita kong parang binabasa nito. Bumubuka kasi ang bibig nito. "May nakikita ka ba o nababasa riyan sa papel, Attorney?" tanong ko pa. "Yes. At ikaw. Read it again, Ms. Bombie." Agad ko namang kinuha ang papel para mabasa ko ulit. Subalit wala talaga akong makita. Pinagloloko yata ako ng lal