Madilim ang mukha nito nang lumingon sa akin. Pakiramdam ko'y nagbabanta rin manuntok. Naku po! "A-Attorney. . . Ano kasi. . . Na-Nagulat lamang ako. Minsan kasi ay ganito ako kapag nagugulat," tarantang paliwanag ko. "Article 263 serious physical injuries, ang magiging kaso mo, babae." "Ano? Teka lang. Mahina lang naman ang aking ginawa. Hindi naman kita binugbog, ah. Bakit may kaso agad ako? Huwag namang ganoon, Attorney. Pangako, magbabait na ako," anas kong nagpa-cute pa sa lalaki. "Sinaktang mo pa rin ako, Ms. Bombie. Kaya tama lang ang Article 263 serious physical injuries ang aking sinabi," anas na ito at pailing-iling pa. "Kung alam ko lang na ganiyan ang magiging kaso, dapat pala ay tinuluyan na kitang bugbugin..." pabulong na sabi ko. "Then, go ahead, woman." "Ha? Nari